EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part1)

213 2 0
                                    

"Eh kasi naman Anya kaw naman talaga ang may kasalanan?" sabe sakin ni nadine..

"At kasalanan ko pa ngayon,, ano ba klase kayong mga kaibigan? kaysa maging suportive kayo sakin eh sinasangayunan niyo pa sina mama at si Ate"

Kanina pa kame nakatambay dito sa may hallway,, lumabas lang kame ng room at sobrang nakakatamad pakinggan ang prof namen sa Ethics.. akalain mo ba namang magtatanong siya,,, at ang sinong hindi sumangayon eh papalamon niya sa lupa ng kahihiyan,, ganun naman ang ethics no precise answer,, tipong mamimili ka talaga ng panig o paniniwalaan mo, ika nga kanyang kanyang belief.. kaya ito kame,, belief namin ang tumambay nalang sa labas ng hallway...

"Kow Anya,, sino ba naman matino an magsasabi na di na siya mafafall inlove? May point ang mama at ate mo.. Ano ba... Ang love para lang yan sa mga nababasa kong pocket book,, grabe.. parang magic ang love... tulad ni alejandro kay vanessa sa binabasa ko grabe... kiligness hinalkan niya si vaneesa sa ilalim ng maliwanag na buwan,,, that's true love"

Ito na naman si Nadine,, Nanenermon na naman gamet ang mga nabasa niyang mga pocketbooks ng precious romance at kung ano ano pang mga pocket book.. Grabe,, akalain mong daig pa ang pari kung magsalita ng kung ano ano.. ang pinagkaiba nga lang indi bibliya ang hawak kundi ang mga kinakatuwaan niyang pocketbook na di ko naman alam kung ano nakakatuwa dun.. 

"Huh? porket hinalkan ka sa ilalim ng buwan true love na agad? " tanong ko kay nadine na tipong parang sinasaniban ng masamang espirito sa pagkakilig,,akalain mo ba namang kampihan ang mom at ate ko..

"dati nga mga ancient ninuno ng isang tribo sa south africa  they litteraly kinukuha nila yung puso nila para maibigay lang yun sa minamahal nila.. yun ang true love"

At ngayon si Grasziela naman ang sumabat,, pag si Grasziela ang nagsalita siguradong may mga bahid na kwentong barbero yan,, last time nung nakain kame ng mais,, sabe niya na nung unang panahon daw eh magkakahiwalay daw ang butil ng mais at kailangan pa daw iassemble yung mga butil at gawing isang buong mais para makain,, tapos isa pa nung nasa cr kame,,,, sabe niya na yung foundation daw noon eh gawa sa alikabok na kinulayan at ang lipstick daw eh gawa daw sa dugo.. basta pagdating sa mga kwentong exageration eh si Graszella ang bida..

"Grabe ang laking tulong mo..." sabi ni Nadine kay Ziella

"Pwede ba tigilan niyo na nga yan... pero di nga, tingin nyo ba to na yung time na dapat talaga bigyan ko sila ng chance? "

"Poop ka girl,, oo naman.. malay mo naman kasi yung si super duper handsome Mr Right extravagance eh nagdyan lang sa tabi tabi" biglang sagot ni Nadine

"So lame,,, sa kakabasa mo yan ng pocket book eh.."

"Gusto mo ibulong natin sa mga kaluluwa,,, balita ko magaling sila manghula.. kaso iaalay mo nga lang isang parte ng kaluluwa mo bilang bayad.." sabat ni Grasziella,,

"Try natin yan sa test natin bukas..."

Nagsitawanan kameng tatlo... Simula pa nung bata eh magkakatropa na kameng tatlo,, Di ko ba alam bakit napagtitiisan ko tong dalawang to,, kung tutuusin eh magkakaiba kame ng mga ugali.. pero ganun talaga eh,,

nagsisitawanan kame sa hallway ng may dumaan na lalaki...

"Hi Anya,,, sa inyo din.."

Si Peter pala,, binati niya kame kaya ningitian namen siya,,,

Ok..  teka teka teka..

sino si Peter?

Para sa mga indi nakakakilala kay Mr. Peter Hanz Jimenez..

My 3 Days Boyfriends (M3DB) -SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon