AFKD 2

7.7K 154 8
                                    

Y U K I

Pagdating namin sa classroom agad ako naghanap ng upuan. Pinili kong upuan 'yung malapit sa bintana.

"Yuki, bakit mo naman ako iniwan sa kanila." Bungad sakin ni Tiffany. Umupo siya sa tapat ko.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko kanina sayo." Sunod niyang tanong sa'akin.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako magsalita.

"Ano ba tinatanong mo sakin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Tungkol doon sa dalawang couple. Ano na nangyari sa kanila bago ka umalis?" Masayang sabi nito sakin.

Ano ba nangyari pagkatapos ko umalis? Nag-kiss lang naman sila. Pagkatapos, nakita ko silang masayang naguusap nung oras hinihintay ko siya.

"Naghalikan lang sila. Hindi ko na rin alam kung ano pa sinunod nila ginawa." Saad ko.

"Bakit naman? Ang kj mo naman, Yuki. Sabihin muna sakin. Tayong dalawa lang naman ang nakaka-alam eh." Nakabusangot ang mukha nito habang nagsasalita ito.

"Bakit ba ang kulit kulit mo ngayon. Hulaan ko kaya ka ganyan kasi nagbreak na kayo ng boyfrien mo, noh!" Binalik ko sa kanya 'yung tanong.

Nakita ko naman lumaki ang dalawang mata nito. Gusto ko sana matuwa dahil sa expression nito kaya lang naawa pa rin ako sa kanya. Atsaka ilang beses ko rin siya inaalalahanan sa boyfriend niya na hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya.

"Yuki,.. hindi ka ba galit sakin?" Tanong nito sakin habang nilalaro ang daliri niya sa kamay.

"Huh? Ano ba pinagsasabi mo dyan, Tiffany? Bakit ako magagalit sayo? May ginawa ka bang mali para magalit ako sayo?" Takang tanong sa kanya.

Minsan naiisip ko kung bakit ko siya naging kaibigan. Ang layo nararating ng imahinasyon niya. Pati tuloy 'yung mga bagay na walang kwenta isasali niya. Minsan kaya dalhin ko kaya siya mental hospital para ipa-check up kung may nasira sa utak nito.

"May karapatan ba ako magalit sayo? Kaibigan mo lang ako pero hindi lahat ng bagay kailangan kita pagsabihan. Unang sa lahat malaki ka na at alam mo kung ano ang mali at tama. Desisyon mo 'yan kaya gagalangin ko yun. Kaya kahit anong mangyari andito lang ako para sayo, susuportahan kita." Pagkatapos ko sabihin 'yun kay Tiffany nakita ko siya nagpapahid ito sa mukha niya. Tapos, bigla niya ako niyakap ng mahigpit.

Ti-nap ko lang ang likod niya at ngumiti palihim. Swerte na rin ako kasi nagkaroon ako ng ganitong kaibigan. Siguro kung hindi ko siya nakilala baka wala ako dito sa lugar kung saan nagpapatahan sa kanya at pinagsasabihan ang mga baliw niya pinag-gagawa. Napapatawa nalang ako inaalala ko ang lahat.



T H I R D P E R S O N :

"Guys!!"

Napatigil lahat ng bigla sumigaw ang Class President nila pagkapasok nito sa kanilang classroom. Pinagpapawisan ito at naghahabol ng hininga. Tumingin siya sa buong classroom at napangiti ng malawak. Lahat ng mga kaklase nito 'ay nagtataka sa kinikilos ng Class President nila. Tahimik lang sila habang hinihintay ang Class President nila magsalita.

May ilang kaklase nila ang nagbubulungan at may ilang nagkwe-kwento ng palihim sa gilid. Si Yuki, nakatingin lang ito sa bintana at tinitignan ang mga naglalaro ng Soccer sa labas.

Tinaas ni Tiffany ang kanyang kanang kamay upang tanungin ang Class President nika. Napansin nito na kanina pa niya hinahawakan ang papel.

Lumapit ito sa harap at mahigpitan hinawakan ang papel.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Fiance Kong Demonyo (Editing)Where stories live. Discover now