AFKD 1

14K 235 31
                                    

T H I R D P E R S O N :


Maaga pumasok si Yuki upang sunduin ang kanyang baliw na bestfriend. Nang makarating siya sa park kung saan malapit lang ito sa tinitirahan ng kanyang bestfriend 'ay umupo muna siya sa bench. Kinuha niya ang isang bote ng tubig sa bag at ininom ito.

Nagulat siya ng bigla nalang tumunog ang kanyang cellphone na agad nito kinuha sa bulsa. Tinignan niya ng masama ang caller at pinindot ang answer button.

Isang matining na boses ang sumalubong sa kanyang tenga kaya agad nito inilayo sa mukha niya. Napabuntong-hininga nalang siya sabay pindot ng loudspeaker button.


"Bessy, wait mo ko dyan ah." Bungad ng kaibigan nito.

"Oo!" Aniya ni Yuki.

"Sabay tayo pumasok ah!" Sabi ng kaibigan niya.

"Kulit!" Bulong ni Yuki at pinatay na ang tawag.


Matagal na nila pinagusapan ng kanyang kaibigan na si Tiffany Angeles na sabay sila papasok sa unang pasukan nila sa Fourth year highschool. Kaya sabik na sabik si Tiffany nung sumapit na ang buwan ng Hunyo.

Hindi pa rin nawawala sa ala-ala ni Yuki ang bawat daan ng araw na lagi siya kinukulit ng kaibigan nito. Kung paano sila nagkakilala at paano sila naging kaibigan. Habang inaalala niya iyon hindi mawaring napapa-ngiti ito.


Napatigil siya sa pagiisip ng bigla nalang may narinig siyang ingay sa bandang gilid niya. At dahil tinamaan ang ating bida ng pagka-chismoso 'ay dahan-dahan ito lumipat kung saan nanggagaling ang ingay. Doon niya napatanto na may dalawang tao naguusap ng seryoso.

Agad nagtago si Yuki sa likod pader kung saan naguusap ang dalawa. Nakaharap sa kanya ang mukha ng babae pero nakatalikod ang lalaki sa kanya kaya hindi kita ni Yuki ang itsura nito.


"Gusto ko lumipat ng pwesto." Bulong ni Yuki sa kanyang isip.


Gustong-gusto ni Yuki makita ang mukha ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit? Pero, may bumabagabag sa kanyang sarili. Para bang may sariling isip ang kanyang katawan kaya agad ito gumalaw.

Dahan-dahan siya lumipat sa kabilang side ng pader. Kalahating mukha ng lalaki ang nakikita niya. Pero, hindi pa rin yun sapat para makuntento si Yuki. At dahil wala na siyang makitang pagtataguan nagtiis nalang siya kung nasaan siya ngayon.


"Talaga bang aalis ka na?" Tanong ng lalaki sa babae.


Napa-atras siya ng bigla nalang lumakad ang lalaki sa kinaroronan ni Yuki. Dahan-dahan naman lumipat si Yuki sa dati nitong pinagtataguan.


"Naka-imberyana!" Napabuntong-hininga nalang si Yuki pagkatapos.


Dahil sa nakaka-imberyana nangyari kay Yuki, hindi na niya nakikita ang mukha ng lalaki kaya agad niya sinapi ang isang bato malapit sa kanya. Buti nalang hindi nag-sanhi ng ingay.

"Iiwan mo na ba ako!" Sunod na sabi ng lalaki.

Ramdam ni Yuki ang lungkot ng lalaki habang nagsasalita ito. Hindi niya maiwasang magalit sa babae dahil sa katangahan pagiisip nito. Gusto niya ipagtanggol ang lalaki pero naisip ni Yuki na wala rin siyang karapatan upang sumbatan ang babae.

Ang Fiance Kong Demonyo (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon