7

9.7K 54 8
                                    

Camille's POV

madali ako pumara sa taxi at sumakay dito. hindi pa ako nakaka-ayos ng upo may tumatawag sa akin. sinagot ko ito "hello?" 

"hoy babae! san ka na? remind ko lang sayo, 10mins na lang before the time" ay si Leslie pala to. "oo na! alam ko! malapit na mag time! ito na nga't nag taxi na ako e" sagot ko sa kanya 

"ano nanaman ba pinaggagawa mo kagabi at nalate ka nanaman ng gising?" tanong nito sa akin. kagabi? ano ginawa ko? hihi. hindi ko maiwasang mapangiti sa tanong ni Leslie. "hello?!!! may kausap pa ba ako? CAMILLE VILLANUEVA!" sigaw nito sa phone

"ano ba Les?! galit lang? bakit ka ba sumisigaw? sakit sa tenga ah" sabi ko dito "nag aadik ka na ba ngaun? sabihin mo lang sa akin bes. maiintindihan ko" pag-alalang sabi sa akin 

"oo, adik na adik ako sa kanya.." tulalang sabi ko sa kanya "HUH? ANO? KANINO? SINO?" tanong nito sa akin. "basta.."

"ewan ko sayo Camille. hoy. 5mins lang. mag time na. lumipad ka na kung kaya mo. goodbye na!" ang sweet talaga ng bestfriend ko. 

"mukhang inlove ho ata kayo Ma'am?" sabat ni kuya taxi driver "ganun ba ka-obvious kuya?" nahihiyang tanong ko "blooming po kasi kayo" so totoo pala ung saying na pag inlove ka blooming isang tayo

"sige Ma'am. andito na po tayo sa school nyo" sabi nito sa akin "ito bayad kuya. keep the change" at bumaba na ako sa taxi

nagsimula na ako maglakad papunta sa building ko. halos lahat ng kasabayan ko pumasok sa building ay patakbo na silang maglakad papunta sa mga classroom nila pwera na lang ako. bakit masaya ako e. ano naman kung malate ako ngaun

nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom ko nang may nabangga ako isang tao. nakatungo ako nun kaya hindi ko nakita kung sino. pero dahil sa sapatos nya nalaman kong isang lalaki pala ito

First Day of Class (short story)Место, где живут истории. Откройте их для себя