5

12.5K 70 10
                                    

aliw ako sa comment mo girl! ;))

-------------------------------------------------------------------------------------

Camille's POV

"nak. you have your credit card and atm card right? we'll just deposit some cash on your card. just get your allowance there. okay? love you" sbi ni mama nang maibaba nila ako sa school. finally, im back. grabe. miss ko na sya. one week without him is like hell. oa na sa oa pero un ang nararamdaman ko ngaun. 

pano ko ba hindi sya mamimiss, eh sa dalawang araw na nagsama kami nung weekend, sobrang saya namin. oo, ill repeat the word "NAMIN". nag spent lang kami ng weekend namin sa loob ng unit ko. nag kwentuhan kami about ourselves and stuffs, we played ps3, we watched movies, and we hug. thats my favorite part of my weekend. ung mga maiinit nya yakap. un lalo namimiss ko.

kung tatanungin nyo ako kung bakit MIA or absent ako sa school kasi nagkaron lang ng emergency sa family. my grandfather had a heart attack. sympre pag matanda na tapos na-hospitalized kailangan majority of the family is there kasi you'll never know kung last day na nya un. pero thank God, it isn't his time yet. 

for the past week na wala ako. katext ko si Leslie, tinatanong ko kung meron assignment or homework sa subjects namin. sympre pasimple kong tinatanong si Jak. pero sympre bestfriend ko si Leslie, hindi nya maiiwasan tanungin ako kung bakit ko kinakamusta si Jak. care ba nya? hindi pa ako ready sabihin sa kanya na gusto talaga si Jak. nalaman ko din kay Leslie, na dumating na bago namin teacher sa History class. babae daw. maganda daw, at mejo strict. pero kebs lang ako.

habang papasok na ako ng building namin, nagvibrate phone ko at nakita ko text ni Leslie "Girl, ngaun pala balik mo. kita kits sa classroom. nga pala. wag ka ma late ah. ayaw ni Ms. Suarez ang late. sige. see yah :*" mag reply na sana ako kaso, chineck ko muna kung ano oras na. sht. 3mins na lang before mag time. 3rd floor pa classroo ko neto. mag ninja moves nanaman ako nito. 

tumakbo ako sa hallway at nang may nakita na akong stairs at tinakbo ko ito pataas. may nabubunggo ako mga tao pero wala na ako pake. wala na ako oras mag sorry sa kanilang lahat. ang kailangan ko lang ngaun ay makapasok sa room nang wala pa professor namin. nang makarating na ako sa floor namin, chineck ko muna kung ano oras. whew, saktong time na at saktong wala pa si prof.

pumasok ako sa room at masayang sinabi ko sa kanila "hello classmates, im back" at ni isa wala man lang nag hi sa akin. kahit mismo si Leslie, no reaction. maglalakad na sana ako papunta sa upuan ko nang may nagsalita sa likuran ko "so i guess, you're Ms. Ramirez?" sht. nasa likod ko pala ung professor. kaya naman pala no reaction tong mga classmate ko eh. 

i calm myself and humarap sa kanya "Hi Ma'am. Good Morning. I'm Camille Ramirez" at nginitian ko na sya. wait. ito ung nabunggo ko nung last week ah "hey. ikaw ung girl na nabunggo ko last week ah. thank you nga pala. kung hindi dahil sayo. siguro naligaw-ligaw na ako dito sa campus nyo" sabi nito sa akin. mabait naman pala. "ah eh. okay lang po un. kayo po pala bago naming professor sa history. akala ko po new student po kayo dito. he he" pabirong sabi ko dito "ikaw naman, palabiro ka. sige na. take a sit na" sabi naman nito sa akin.

"wow girl, napa-amo mo ung tigere" sabi ni Leslie sa akin "maka tigere ka naman. mabait naman ung tao ah" sabi ko sa kanya "akala mo lang un, nako hintayin mo magalit, makikita mo, may libreng tour ka sa zoobic" at napatawa naman ako sa sinabi ni Leslie. kahit kailan ang benta nya. kaya bestfriend ko din eh. may sayad. 

buti naman at madali natapos class namin kay Ms. Suarez.. inayos ko gamit ko at papunta na kami sa next class namin "nako girl, iba talaga aura ko kay Ms. Suarez. sumisigaw ang bolang crystal ko na mag-ingat daw tayo sa kanya" sabi ni Leslie sa akin "girl, you're overthinking things. hindi porket strict na ung tayo, masama na rin aura nya" sabi ko dito "nako girl. sinasabi ko din sayo, hindi porket mabait sayo, maganda na ugali nya. hindi lang cassette tape ang meron side a and side b. pati mukha ng tao, meron din" sabi naman nito sa akin. psh. ang daming alam.

nagdaan ang buong araw at natapos na lahat ng class namin, hindi ko pa rin sya nakikita. bakit naman kasi kailangan bukas pa ung class ko sa kanya. at bakit hindi ko man lang sya nakita dito sa building? masyado bang malaki tong building namin para hindi kami magkasalubong? may ibang cafeteria pa ba bukod sa nasa first floor at hindi sya doon kumakain? hay. sana naman makita ko sya ngaun.

nasa waiting shed na ako ng school at naghihintay ng taxi pauwi. nang meron ng taxi sumakay ako dito at sinabi ko kung san ako bababa. mabilis kami nakarating ni kuya manong taxi driver kasi hindi pa naman rush hour. nagbayad ako at bumaba. pagkababa ko ng taxi, binati ako ng guard ng condominium at nag hi din ako pabalik, pagpasok ko ng building, binati din ako ng receptionist. hay. buti pa sila. nakikita nila ako. eh sya kaya. dami mong alam (isip)

habang naglalakad ako papunta sa may tapat ng elevator, nakatungo lang ako. ayaw kong makakita kasi ng tao ngaun. maganda sana kung sya nakikita ko, kaso hindi eh. mas lalo ko lang sya namimiss. pumasok na ako ng elevator nang nakatungo pa rin ako. weird na kung weird. namimiss ko lang naman kasi ung tao. pagbukas ng elevator, naglakad na ako palabas at nag diretso sa unit ko, nang nakatungo pa rin. kinuha ko susi ko sa loob ng bag ko, pero ang hirap makuha, parang nasabit sya sa bag ko. hinila ko ito ng malakas palabas ng bag ko at natanggal ko naman kaso nahulog ko ito.

kukunin ko na sana ung susi ko pero may umabot nito. hindi rin nagtagal binigay nya ito sa akin at nagpasalamat ako sa kanya. pero gulat ko si Jak pala umabot ng susi ko. sa sobrang saya, hindi ko naiwasang yakapin sya. nang mayakap ko sya, maiyak iyak kong sabi sa kanya

 "i miss you" 

hindi nag tagal, kumalas na kami sa yakap namin. he cupped my face and gave me a smack on my lips "i miss you too" he said "tara, pasok ka sa unit ko" dagdag pa nya. hinawakan nya kamay ko at pumasok kami sa unit nya. it feels so warm nung nahawakan ko mga kamay nya. nakatingin lang ako sa mga kamay namin nang maramdaman ko na tumigil sya. tiningnan ko sya at nakita ko naka ngiti sya sa akin. hindi ko maiwasan ngumiti rin sa kanya. jusko lord. ganito ba ang feeling ng inlove. 

hinila nya ako papunta sa sofa nya at umupo kami doon. hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit at nanatili kaming ganun muna. hindi nag tagal may nagsalita na sa aming dalawa "hey. gutom ka na ba? what do you want to eat?" umiling lang ako at niyakap ko ulit sya "sobrang namiss talaga ako no" sabi nya sa akin "sobra" sagot ko sa kanya at natahamik ulit kami parehas. 

litong lito na ako sa nararamdaman ko. hindi ko na kaya itago to sa kanya. hindi na kaya ng konsensya ko, kailangan ko na sabihin to sa kanya. kumalas ako sa yakap at humarap sa kanya "i like you, Jak. i like you" ayun nasabi ko na. sht. pagkasabi ko noon, feel ko nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ko. nagsalita ulit ako "okay lang kung wala kang sabihin, hindi mo naman kailangan sumagot sa sinabi ko. hindi rin naman un tanong eh" inaasahan ko naman na magugulat sya sa sasabihin ko "basta, ang importante nasabi ko na sayo to, hindi ko na kasi kaya --" at naputol ang sinasbi ko nang hinalikan nya ako. humiwalay sya sa halik namin at sinabi "i like you too, Camille. i like you very much" 

sht. totoo ba to? parang kani-kanina lang nag "i miss you" kami sa isat isa tapos ngaun nag "i like you" na kami sa isat isa. lord! please give me strength. parang nababaliw na ako dito sa kilig eh

--------------------------------------------------------------

hafta go. may pasok pa ako :)

First Day of Class (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon