Aso't Pusa

1.1K 31 11
                                    

Pssssst!

Para sayo, anong ibig sabihin ng “pag-ibig”?

Sa panahon ngayon, wala na ni isang nakakaalam ng sakto at siguradong sagot pagdating sa tunay na kahulugan ng salitang nabanggit.

Bawat isa ay may sari-sariling interpretasyon nito base sa kung paano nila naramdaman o mismong naranasan.

Kaya nga kung mapapansin bibihira na lang din na magkaroon ng dalawa o higit pang indibidwal ang magkakatulad ng pagkakainterpreta dito.

Ilan sa mga sumusunod ay halimbawa.

Interpretasyon ng playboy:

 “Ang pag-ibig parang gay linggo..

Kung minsan, kahit di naiintindihan basta masarap pakinggan.”

Interpretasyon ng bitter:

 “Ang pag-ibig masarap pakinggan at madaling paniwalaan,

Pero kung di mo kayang panindigan,

'Wag mo nalang sanang umpisahan para wala kang masaktan.”

Interpretasyon ng napag-iwanan:

 “Ang pag-ibig parang hit and run..

Minsan kapag hindi kayang panagutan,

Basta ka na lang tatakbuhan.”

Interpretasyon ng umaasa:

 “Ang tunay na pag-ibig ay parang sukli..

Kahit ipasa pasa ka pa sa maraming tao

Mapupunta ka pa din sa tunay na nag mamay ari sau.”

At interpretasyon ng pihikan:

“Ang pag-ibig nga naman minsan parang taxi,

Namimili ng isasakay!”

Iba-iba man sa pandinig, pero may kurot na hatid.

Mga salitang pinili nila upang kahulugan ay mas mapaganda.

Lahat may karapatang magbigay at magbahagi ng opinion

Ngunit ang paniwalaan ito? Nasasaiyo na yon.

Kung ako naman ang tatanungin,

 “Ang pag-ibig ay maikukumpara ko sa pagsakay sa isang jeepney..

Aso't PusaWhere stories live. Discover now