Chapter 40

452 4 0
                                    

Chapter 40

(Property of LetMeBeMysterious)

Nagtataka man si Enna ay nakikiramdam na lang siya sa maaring mangyari at kung saan siya dadalhin ng mga lalaking naka black suit. Panay din ang silip ni Enna sa labas para Makita niya ang lugar na tinatahak nila nila ngayon.

Ano ba kasi ang pakay ng mga lalaking ito sakin? Tanging natanong ni Enna sa sarili. Pilit niyang iniisip kung ano man ang mga kasalanang maari niyang nagawa nitong huli, pero wala e. Wala talaga siyang kaide-ideya kung ano man ang maaaring mangyari ngayon.

Ilang sandali lang ay pumasok ang sasakyan na kinauukolan ni Enna sa isang napakalaking gate na gawa sa bakal syempre. Pagkapasok ay napansin agad ni Enna ang naglalakihang mga puno at matitingkad na nasa gilid ng daan na siyang tinatahak ng kotseng kanyang sinasakyan.

Huminto ang kotse kaya napagitla si Enna, hindi niya kasi alam kung ano na naman bang pakulo ito, si Shan ba kaya o si Xynard ang ma gawa nito.

Lumapit ang isang naka black suit guy sa pintuan kung saan nakaupo si Enna, binuksan nito ang pinto.

"Hayaan niyo po akong pagsilbihan kayo ma'am." Sabay lahad at yuko nito at lahad ng kamay na waring isang kawal na gagabayan ang isang prinsisang pababa sa kanyang karawahe. Nahihirapan man mag isip ay nakisakay na lang din si Enna sa sitwasyon.

Bahagya lang na ngumiti si Enna at tinanggap ang alok ng lalake. Pagkalabas ni Enna sa sasakyan ay napamangha siya sa tanawin na kanyang nakikita. Mga isang kilometro ang layo nito mula sa gate kung saan sila pumasok kanina. Ang paligid ay napapalibutan ng mga bulaklak at puno. Maririnig mo din ang huni ng ibon na nagsisiawitan, at kahit pa malapit ang lugar na iyon sa syudad ay malalanghap mo pa rin ang sariwa ng hangin. Napangiti siya sa isipang iyon.

"Ma'am? Okay lang po ba kayo?" boses ng lalaking nakaitim na siyang gumising sa diwa ni Enna.

"Ha? Opo pasensya na po."

"Nako, huwag po kayong magpaumanhin sakin. Hali na po kayo. Please follow me."

Tumango lang si Enna. Kung nagulat man siya sa tanawin na nakita niya kanina lalo naman siyang nalula sa bahay na papasokin niya ngayon. Napanganga si Enna dahil sa laki at ganda ng bahay.

Sa bungad pa lang ng bahay ay naka lapag na ang pink carpet paakyaat sa pakurbang hagdanan na papunta naman sa ikalawang palapag ng bahay o mansiyon.

Nakahilira naman ang mga katulong na babae at lalake, nakayuko ang lahat ng ito. sa bukana ng hagdanan ay nakaabang ang isang may edad na lalake na naka formal attire. Wearing black slacks, white long sleeve na may blazer na itim.

"Magandang araw po young majesty." Saad nito at yumuko.

Nako Xynard o Shan ano na naman bang kalokohan ito?

Yumuko din si Enna at bumati,

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon