Chapter 1

2.5K 20 2
                                    

Chapter 1: (First day of everything)

Property of LetMeBeMysterious.

"Hoy Sharina! Gising na! Hoy Sharina! Gising na!" palakas na palakas na sigaw ng alarm clock ko. Sosyal no? san ka pa makakahanap ng alarm clock na nagsasalita? Napanalunan ko lang to sa isang raffle sa palengke. Actually mukha siyang cellphone na alarm clock, basta hugis cellphone siya.

First day at school... Grrrrh gusto ko pang matulog ng matulog e. Kaasar naman tong alarm clock nato. Kung makagising wagas!

No choice si AKO. 

Bumangon na ako at naligo, pagkatapos maligo dali daling nagbihis ng uniform ko at pumanhik na sa kusina upang makapagluto ng pang-agahan.

Nagtataka kayo noh? Kung bakit ako pa ang nagluluto, kasi ako lang naman bumubuhay sa sarili ko. 15years old pa lang ako ng iniwan ako ng mahal kong ama... Yup! Dedo na siya at kasama na niya mama ko na nasa langit na. Yong mama ko naman, nakalimot ng huminga ng isilang niya ako. Sayang nga di niya nakita kung paano ako lumaking maganda... Hahahaha joke lang. E sa di ko naman alam kung sino mga kamag-anak namin kasi nagtanan lang mga magulang ko noong kasagsagan ng pagmamahalan nila, kasi daw ayaw ng pamilya ng mama ko sa papa ko. Parang teleserye lang noh?

Nang mawala ama ko nagporsige ako sa pag-aaral. At the same time tinutulungan din ako ng kapitbahay namin na kaibigang matalik ng papa ko. Sina tita sol at tito bert.

Wala kasi silang anak kaya medyo nakakaluwang din sila. Pero noong pagtungtung ko ng edad disesyete ay nagpaalam ako sa kanila na titira ako ng ibang bahay dahil nahihiya na ako sa kanila. May kunting naipon kasi ako kahit papano.

Noong una di sila pumayag pero kinalaunan napa oo ko din sila.

Kaya ito ako ngayon nagrerenta sa isang mumurahing apartment, sabi ng papa ko mayaman daw pamilya ng mama ko. The hell I care?!! Kahit na may care pa ako hindi ko naman alam kung sang parti ng pilipinas ko hahagilapin pamilya ng mama ko. Aksaya lang ng pera at oras yon. Kung talagang may halaga pa kami sa kanila 'di sana noon pa nila kami hinanap.. Tssk. Change topic na nga lang.

Ay nakalimutan ko palang magpakilala... Ako nga pala si Sharina Erica Villanueva . (oh diba sossy ng name). 17 young of age, 5'5" in height, 46 in kilos... Hahaha di naman ganun kataba diba? Di ako maganda di rin naman panget, sabi nga nila kung maaasikaso lang daw sarili ko ng mabuti e di na daw mahirap na lalo pa akong pagandahin, oh haba ng hair ko tehh!

Educational background? Now studying at one of the most expensived school in town the "Gateway Academy" and I am now at my senior class, well, mga anak millionaryo lang naman ang pumapasok sa academyang yan. Kadalasan anak ng mga bigating celebrities at anak ng mga bigating business people of the world wide universe hahahaha. Bakit ako nakapasok na school nato? Will malalaman niyo din yan! Chilax lang! wag masyadong hot ha? My time para dyan.

Let's continue...

Papasok pa lang ako ng school e nagkakagulo na sa may gate . Ano bang meron? At ganyan na lang sila kung magkagulo. Kadalasan sa mga nagkakawendangan ay mga babae. Hahays, need ko magpakalakas,

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon