Pain number 11.

675 20 2
                                    

Pain number 11: What ifs.

Arggggh! Kagigising ko lang at napahawak ako sa sintido ko dahil sa sakit na idinudulot sa akin ng ulo ko. Naparami yata talaga ng inom ko ng alak kagabi. Buti nalang tulog na sila Mommy at Daddy nung dumating ako, kaya wala silang alam. Ayaw na ayaw kasi nilang nag-iinom ako. Naku! Puro sermon nanaman ang abot ko pag nagkataon.

Tinignan ko ang cellphone ko. Walang text. Wala paring text galing sa kanya. Haaay. Almost one month narin akong naghihintay sa text niya ah? Pero bakit kahit isa, wala akong nare-receive? Ni kahit isang tuldok, hindi man lang niya magawang isend sakin. Hindi kagaya ng dati, pangalan niya agad ang una kong makikita sa cellphone ko tuwing umaga, at siya naman ang pinakahuli tuwing gabi. Haaay. I really miss him so much.

Sinubukan kong tumayo pero lalo lang akong nahilo. That’s it. Hindi na muna ako papasok. Baka bumagsak lang ako. I’ll just take more of my rest then I’ll go to school mamayang hapon.

~

Pagdating ko sa classroom, agad akong tinanong ng barkada ko kung bakit ako umabsent kaninang umaga, sinabi ko naman sa kanila ang dahilan ko. Ayun, nag-alala sila sakin. Sinabi ko nalang na okay na ako, napanatag naman agad ang loob nila. Naalala ko nanaman. Yung pagiging concern niya sakin everytime na sumasakit ang ulo ko. Nakaka-miss. Napatingin tuloy ako sa loob ng room. Wala pa siya. Magka-classmates lang kami pero we never talked for almost a month after our break up. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta nararamdaman kong nilalayuan niya ako.

“Kath, samahan mo naman akong bumili ng pagkain sa labas. Ayoko ng pagkain sa canteen, kakasawa.” Pag-aya sakin ng kaibigan kong si Marie.

“Oh sure. Tara na. Malapit naring mag-klase. Bilisan na natin.”

At ayun nga, naglakad na kami papunta sa tindahan sa labas lang ng school. Buti nalang malapit ang classroom namin sa gate, hindi malayo ang lalakarin namin.

Nagkukwentuhan kaming dalawa ni Marie ng bigla akong napatingin sa makakasalubong namin. Gulat ang naramdaman ko. It’s just a pair of couple. Wala ng nakakapagtaka dun dahil laganap talaga ang couples dito sa school, lalo na ang laging nagpi-PDA. But what shocked me is that, it’s him! The guy I’ve been telling you earlier! Why is he together with that girl? Why are they laughing? And most of all, why are they holding hands?! Pucha! Sila ba?!

“A-ah, K-kath. Napanood mo na yung Despicable Me 2? N-nakakatawa noh? Ha-ha-ha. A-ang cute ng mga m-minions dun!!” -Marie. I know what she’s doing. She’s trying to cheer me up. Buti pa siya, alam na nasasaktan ako.

“Oo naman! Hahaha. Ang cute pa ni Agnes, grabe!” I answered. Kunwari nalang masaya ako. Kunwari nalang hindi masakit.

Nang makalagpas na sila, I looked at them. They look good together. Now I’m wondering, what if hindi ako pumayag na makipag-break? Siguro ako yung ka-holding hands niya. At hindi yung babaeng yun!

And so, bumili na kami ni Marie. I’m so down that I can’t even talk. I’m breathing, I’m walking, my body’s moving, but I feel like I’m already dead! He just killed me.. Inside.

The rest of the day was awful! Hindi ako nakasagot sa recitation dahil nga ang lalim ng iniisip ko. Buti nga’t nandito ang barkada ko. Kahit papano, alam kong may nagmamahal at nagmamalasakit sakin. I’m lucky to have them by my side. Kasi kahit hindi ko sabihin sa kanila, alam na nilang may mali. At dahil dun, pinapasaya nila ako. They are making me happy even if I didn’t ask them to.

Pauwi na ako ngayon. Kasabay ko si Trina, isa ko pang kabarkada. Naglalakad lakad kami habang nag-aabang ng dadaan na jeep.

“Kath, pansin ko, kanina ka pa malungkot. May problema ba?” She finally managed to ask.

“Trina, bakit ganun? Isang buwan palang, pinagpalit na niya ako agad. Ganun ba talaga ako kadaling kalimutan?”

I heard her sigh, “So, alam mo na pala? Sorry kung hindi namin sinabi sayo ha. It’s just that, alam naming masasaktan ka. We’re really sorry.” She explained.

“Ano ka ba! Bakit ka naman nagso-sorry? Okay lang ako noh. Okay lang.” Then I smiled; a fake one, though.

“Wag ka nga! Kilala kita, kilala ka namin! We’ve been friends since we’re first years, right? Kaya bawat galaw mo, alam na namin ang ibig sabihin. Alam naming mahal mo pa siya. So we understand if it hurts. Wag kang mahiyang lumapit samin. We’re here for you. Handa kaming maging panyo mo. Basta lapitan mo lang kami.”

And that made me cry, “Thank you Trina. Thank you sa inyo dahil hindi niyo ako iniiwan. Thank you for comforting me.”

~

The moment na nakauwi ako sa bahay, naiyak nanaman ako. I’m all alone now. Si Mommy at Daddy, hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko. I feel so freaking empty right now! My mind is so full of “What ifs”.

What if I did not let him go?

What if I gave him everything that he wants?

What if hindi ko siya hinayaang malayo sakin?

What if ako yung babaeng yun? Mamahalin rin kaya niya ako ng totoo?

What if hindi dumating yung babaeng yun? May chance pa kaya na magkabalikan kami?

Pucha. Nakakatawa talaga! Hanggang “what if” nalang ako. Wala na akong magawa eh. Sila na. Mahal na nila ang isa’t isa. All I can do now is sit here in my fcking room and cry it all out! Hanggang pagluha nalang ako. Sobrang sakit. It really hurts that I feel like I’m dying.

FIN.

11 PAINFUL THINGS (c o m p l e t e)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon