EPILOGUE [Words of wisdom "kuno"]

821 30 17
  • Dedicated kay those who experienced 11PainfulThings
                                    

11PT: Words Of Wisdom “kuno”

Sino mga naka-relate sa one shots na yun? :D Wushu! Wag na kayong magkaila! Nakarelate kayo dun, kahit isa lang. Haha. Ako nakarelate eh! *nakarelate sa lahat* Bwahaha! Pero seriously, naramdaman ko na yung 11 painful things na yan. Yes, na-inlove na ko dati noh! Di ako bato! XD Hahaha. Pero kidding aside, lahat nga yun naramdaman ko na nung nagmahal ako sa isang lalaki dati. Wag niyo na tanungin kung sino di niyo rin kilala. HAHAHA. Basta sapat na yung alam niyong napagdaanan ko na yang mga yan. :D

Okay, ito na ang words of wisdom “kuno” ni Miss Author. Unang una, siguro nagtataka yung IBA sa inyo kung bakit ko naisipang isulat ‘to noh? Well, ganito kasi yan, around May 2013, nagba-browse ako sa facebook account ko. *scroll* *scrool* *like* *comment* *etc* Then bigla akong may nakitang picture na nakalagay na “11 painful things”, so binasa ko yun. And nung nabasa ko, nasabi ko nalang na “Ay! Shet! Relate much ako dun a! Tagos na tagos.” Then sinave ko yung picture at naisip ko na what if gawan ko kaya yun ng one shot stories? Then ito na nga ang kinalabasan. BTW, thanks sa readers nito. Emeged. :”> Kahit konti lang nagbabasa nito, at least meron diba? May nakaka-appreciate ng work ko. :””> Okay, napakarami ko ng segway. -__- Naiirita na ba kayo? Okay, sorry naman po. :”( Ito na talaga ang words of wisdom ko.

*****

First of all, kapag nakipag-break satin yung mahal natin, hindi ibig sabihin agad nun na hindi na nila tayo mahal. Katulad ni Jake sa Pain number 1. Nakipag-break siya dahil may sakit siya and he’s in the verge of dying. Nakipag-break siya kay Jas dahil ayaw niyang mas masaktan si Jas kapag bigla nalang siyang namatay. Oo, alam ko ang cliche pero yun ang naisip gawin ni Jake eh, wala akong magagawa, author lang ako ng story na ‘to. XD Wahaha. Ang babaw ko ba? Sige sorry na. :’( Pero kidding aside, ayun nga, sometimes you have to hurt the one you love so that in the future, the pain will be less. Parang anesthesia lang. For example, magpapabunot tayo ng ngipin, diba iinjectionan muna tayo ng anesthesia para hindi masakit habang binubunot yung ngipin natin? Masakit sa una kapag itinurok na ang anesthesia pero kapag tumagal hindi mo na mararamdaman ang sakit ng pagbunot ng ngipin mo. Ganun din sa buhay, maaring nasaktan ka ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan, pero in the future, mare-realize mo na tama lang pala yun para hindi na masyadong masakit. Sabi nga dun sa quote na pinost ko sa Tumblr account ko (im-his-only-dinosaurrr.tumblr.com) *naks! Sumesegway pa talaga ako ah. XD* “If someone really loves you, they will never hurt you. And if they do, you’ll see in their eyes that they’re hurting too.”

Gets ba? So yun nga, minsan sinsaktan tayo ng mahal natin dahil yun ang sa tingin niyang tama. At kapag sinaktan nila tayo, mas nasasaktan sila.

*****

Second. “Reminisce” Haaaay. Diba masaya mag-reminisce or alalahanin ang memories niyo ng taong mahal mo nung kayo pa? Tapos umuulan sa labas ng bahay habang nagre-reminisce ka, tapos nakaupo ka sa tabi ng bintana, naka-earphones, nakikinig ng mga senti na kanta, at nakatulala. Tapos maya-maya makakaramdam ka nanaman ng kirot sa puso mo, yung parang mahapdi na ewan na parang naninikip? Basta! Ang hirap i-describe eh! XD Basta, alam na ng mga na-broken hearted dati yung pakiramdam nun. XD So ayun nga, iiyak ka nanaman pagkatapos mo magreminisce, kasi mami-miss mo gawin yung mga bagay na dati ginagawa mo kasama ang mahal mo, na ngayon eh ex mo na. (Ouch yun dre!) Tapos palagi mong hinihintay yung text niya na parang kahit kailan eh walang balak na dumating. Tapos malulungkot ka kasi naiisip mo na hindi ka na mahalaga sa kanya, kinalimutan ka na niya, may iba na siyang mahal, na yung dating mahahabang text niya sayo eh ngayon kahit tuldok hindi ka man lang matext. (Ouch ulit yun! Double kill prend! *DOTA talk*) Tapos lahat nalang ng mga malulungkot na kanta (mostly kanta ng Silent Sanctuary) eh napakinggan mo na. Minsan nga kapag mag-isa ka lang tapos nakikinig ka ng senti music eh, bigla ka nalang mapapasabunot sa buhok mo kasi relate much ka sa kanta, tapos may teary eye effect pa. Taray prend! Pang-music video lang ang peg ng pag-eemote mo! XD Tapos yung dating 15-30 minutes mo na ligo eh nagiging 1 hour na kasi halos sa banyo ka nalang laging umiiyak dahil ayaw mong makita ng pamilya mo na nasasaktan ka. Tapos tuwing gabi, magsasaklob ka ng kumot, susubukang matulog, then maaalala mo nanaman yung sweet goodnight texts sayo ng ex mo (na tinatago mo parin) dati at mamimiss mo ulit siya. Tapos kapag pumasok ka sa school kinabukasan, tatanungin ng kaibigan mo na “Uy! Umiyak ka ba kagabi? Mugto mata mo, prend!” tapos ikaw naman ‘tong todo deny ang peg tapos sasabihin mo na “Psh. Bakit naman ako iiyak? Hindi lang ako nakatulog kagabi.”

11 PAINFUL THINGS (c o m p l e t e)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon