Pain number 9.

722 20 2
                                    

Pain number 9: Taking risks to fall in love again.

"Hi, Karen. Good morning. Na-miss kita grabe!" Pagkapasok na pagkapasok ko sa room, agad na umakbay sakin si Jetro. Ang ka-batch ko.. na manliligaw ko rin.

"Ano ba, Jet! Napaka-clingy mo! Ano nanaman ba kailangan mo, ha?" Tinanggal ko ang pagkakaakbay nya sakin at tinarayan sya. Ewan ko ba, lahat nalang ng lalaki tinatarayan ko. Ayoko kasing maging close sa kahit na sino sa kanila. Kaso itong Jetro na 'to, kahit anong takwil ko sa kanya ayaw parin akong layuan. Kainis!

"Ikaw talaga My Loves, ang sungit mo nanaman. Ibibigay ko kasi sa'yo 'to oh." At ipinakita nya sakin ang isang rosas at isang box ng chocolate.

"My loves your face! Akin na nga yan." At kinuha ko ang binigay nya. Syempre bigay eh, kailangang tanggapin. XD Haha.

Pagkakuha ko ng rosas at chocolate, pumunta na ko sa upuan ko which is katabi ng upuan ng bestfriend ko. Pagdating ko sa upuan ko, aba! Naka-smirk pa sakin 'tong bestfriend kong si Ana! Ano nanaman ba trip nito? -_-

"Why are you looking at me like that, Ana? Ugh. Ang creepy kaya!"

"Ang sweet nyo kasing tignan kanina, girl! Bakit di mo pa sagutin eh bagay naman kayo?" Pang-aasar nya sakin.

"Pwede ba, girl! Wala akong panahon para sa ganyang mga bagay 'no. Sakit lang ng ulo yan eh."

"Ay? Bitter Ocampo ka parin, girl? Di ka pa ba nakaka-move on kay Marco?" pang-aasar nya pang lalo sakin. Psh. Nabanggit nanaman si Marco, ang first love and first ever ex ko.

"Hindi ako bitter, natuto lang. Okay? Tsaka naka-move on na ko girl, 'no. Haler. 1 year nang nakalipas yun."

"Yun nga girl e! Isang taon na yung nakalipas pero hanggang ngayon natatakot ka paring mainlove ulit. Sus, if I know..." bigla niyang inilapit ang bibig nya sa tenga ko at bumulong, "..gusto mo rin si Jetro. Denial ka lang masyado, girl!"

"H-ha? Tumigil ka na nga dyan. Hindi naman totoo yan." Pagdepensa ko sa sarili ko. Saktong sakto naman na dumating na si Ma'am. Phew. Nakaligtas din.

~

Gabi na at kanina pa ko hindi mapakali sa higaan ko. Nagpagulong-gulong, umupo, humiga, dumapa at tumagilid na ako pero hindi ko parin matanggal sa isip ko ang sinabi kanina ni Ana bago kami maghiwalay pauwi.

"Hay nako Karen, basta ang maipapayo ko lang sayo, if it's worth the risk then take the fall. Nakikita ko naman na talagang seryoso sayo si Jetro."

Arrrgh!! I can't think of anything!! Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung dapat ko na nga bang sagutin si Jet. I mean.. okay fine, aaminin ko, crush ko si Jetro. Pero handa na nga ba akong magmahal ulit?

*riiing riiing*

Napatayo ako mula sa pagkakahiga ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko naman yung kinuha sa bedside table ko. Pagtingin ko kung sino ang tumatawag..

Jetro

CALLING..

Shemay! Bakit bigla akong kinabahan?! Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag..

"Hello?"

“Hi Karen Loves! Look outside your window.”

Agad ko namang sinunod ang sinabi niya. Pumunta ako sa bintana at tumingin sa labas, nagulat ako dahil may hawak siyang gitara.

11 PAINFUL THINGS (c o m p l e t e)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon