Chapter 4.2 ... Inside The Cafeteria..

89 0 1
                                    

“Beth, Sheena, let’s go eat together lunch, okay? Then we’ll get to know each other better.”-Ako

Wow, medyo nahahasa na pala ang dila ko sa pagiingles, di naman pala mahirap eh.

Nginitian lang ako ni Beth habang si Sheena naman, ayun, walang imik.

Parang naaasar siya na napipilitan. Pero, ano bang magagawa ko? Hmmm, kaya ko ‘to.

Ayun nasa canteen na kami, hindi yata alam ni Beth na sa Pinas, uso ang baon, kaya naman, pumila siya sa napakahabang pila sa gourmet food corner ng canteen namin. Bumili siya ng Pasta. Napansin siya nina Gelo at Inno na nakatapat sa kanya ang tingin simula nang bumili siya hanggang sa makaupo siya sa may table namin. Di naman napansin ni Beth na tinitingnan siya noong dalawa habang di naman napansin ng dalawa na pinapansin ko sila. Ang sama ng tingin ko, grabe, buti lang talaga’y di nila ako napapansin. Ang pumasok sa isip ko:

“Kawawang Beth, next target na siya, for sure.”

Tama naman ang prediction ko.

“Hoy, pare, kita mo yun?”-Inno

“Oo naman ‘pre, madali ata akong makakita ng next target.”-Gelo

“So, siya na target mo?”-Inno

“Oo naman ‘pre. Easy catch nalang iyan. Bago, inosente at walang kamalay-malay pa iyan sa mga kag*guhan natin.”-Gelo

“Tama, ‘pre. Buti alam mo at inaamin mong g*go tayo.”-Inno

Tawanan naman sila, tapos bigla-bigla lang, dumating si Rick. Sumama naman siya sa table nila. At least, umayos yung view. Pero nang akala ko’y aayos ang lahat sa pagdating ni Rick, di pala.

Lalo atang lalala yung sitwayson. Palibhasa, di namin kaseksyon si Rick.

Gelo: Uy, pre, kita mo yung babae dun?

Rick: Saan?

Inno: Hay naku, Rick talaga. Bulag ka na ba? Ano ba yang grado ng salamin mo? (higit sa salamin habang hinihimas na parang Genie Lamp) Ayun oh, yung nasa table nina Rhianna at Sheena.

Rick: Nasaan ba? Ibalik mo nga salamin ko! (hinigit ang salamin kay Inno, sinuot at tiningnan ang direksyon namin) A, iyon, yung tsinita na chubby na ewan. Yun nga ba?

Gelo: Oo, bro.

Inno: Watcha say? Lapitan natin?

Ge ba!-Gelo

Si Rick naman, parang nahihiya at nagaalanganin. Bakit naman kasi niya yun naging mga kaibigan, at siyempre, kawawa tuloy si Beth.

AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHh!!! No! Tumayo sila sa kinatatayuan nila at naglakad papunta sa direksyon ng table namin. Naku po! Beth!!! Hide!!!! Di ko naman siya masabihan kasi ayun na, nandun na sila.

Nilapag ni Gelo ang mga kamay niya sa table namin. Nasa kanan niya si Inno habang nasa may likuran naman nila si Rick.

So, what’s up, girls? –Gelo

Napaisip ako.. Yuck!

May bago pala kayong friend, iintroduce niyo naman kami o.-Inno

Si Sheena naman, nagroll ng mga mata.

Hi, miss. May I know your name, address and cellphone number?- Gelo

Shut up. –Beth

Sige na, miss, (at nilapit niya ang mukha niya kay Beth, parang hahalikan na niya)-Gelo

Si Beth naman, pilit na nilalayo ang mukha kay Gelo.

Miss, alam ko na yang ganyang style eh, you’re playing hard to get.-Gelo

Nawalan na ng pasensya si Beth at Hinampas ang mukha ni Gelo (hamapas lang naman, hindi talaga sampal.)

Nagalit si Gelo, makikita mo naman sa mukha niya, samantala, si Inno naman, parang, gulat na gulat at si Rick naman, ayun, halos sumabog na sa kakapigil ng tawa, pulang pula na nga eh, tapos parang namamangha pa siya kay Beth. Ang galing kasi, parang unang beses ata na may gumanon kay Gelo, lalong lalo na’t bago pa lamang siya. Lingid sa kaalaman namin, nakita pala nina Maia at Baklang Fran yung ginawa ni Beth at halos sumabog na sila sa galit pero wala silang magawa.

Si Gelo, din, halos sumabog na sa galit. Para bang di niya mapigilan at ilang Segundo nalang ay sasaktan na niya si Beth. Si Beth naman oh, parang wala pang takot, nakatingin lang siya kay Gelo at tinatarayan pa siya. Sige, patapangan sila. Ayan na, pasuntok na si Gelo. Pinigilan naman siya ni Rick habang tinulak naman siya ni Inno upang makalayo. Dumeretso sila sa Boy’s CR. Ngunit, bago nakalabas si Inno at Gelo sa Canteen, sinigawan sila ni Beth:

Yuck! KADIRI kayo!!!—WOW! Si Beth yun ah

Si Rick, natira malapit sa amin, at doon, nilabaas niya ang pinipigil niyang tawa, at dahil doon, natawa din kaming lahat. Lalo na sina Rick at Beth na nangingibabaw ang tawa sa aming lahat. Muntikan na kaya kami mapagalitan nung Lunch Lady. Yung dalawa kasi, hanep kung tumawa.

May bigla akong naalala…

Beth?-Ako

Yes?-Beth

Was that really you?-Ako

Of course, what do you think of me? A clone?-Beth

Well, was that you who said what you said?- Ako

What do you mean? Yuck?-beth

No, right after that?-Ako

Oh, yeah, Kadiri?- Beth

Yes!-Ako

Yah, of couse, I know that, I love that word!!!-Beth

Then, out of a sudden:

Wow! You’re Amazing!!! – Rick

Napatingala si Sheena, tiningnan niya si Beth at nginitian siya. Nang Makita naman siya ni Beth ay agad na nginitian siya pabalik. Bumanat din naman si Sheena:

Oo nga Beth, you’re amazing!-Sheena

Ang nasa isip ko nung time nay un: Wow! Mukhang magkakasundo din yuong dalawa.

Habang si Rick naman at Beth, nagngitian lang hanggang sa halos matunaw na ang isa’t isa (joke) basta, nagngitian sila nang matagal hanggang sa, siguro, napagod din sila. Natawa si Beth nakakaunti at tinakpan ang bibig niya. Yay! May bago nang friend si Beth, si Rick. Masayahin kasi kaya madali makahanap ng kaibigan. Kaya nga, pati si Sheena na paminsan-minsan ay suplada, naging kaibigan din niya.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Sep 09, 2011 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Ang Mag BestFriend Na Flirt ! ! ! >.<Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin