Chapter 4 ... The New Student ^_^

75 0 0
                                    

May bago nga pala kaming kaklase, transferee student siya galing pang Canada. Wala nga siyang lahing Canadian eh, kaya nakakatawa. Isa siyang pinoy na may lahing Chinese at espanyol. Mala-international talaga, noh? Ang galing. Rinig ko nga, after this year, magtatransfer pa siyang Korea, di, joke lang J.

Cute siya, mukhang bata, chubby rin kaya gusto kong pisilin ang mga pisngi niya. Lagi rin siyang nakangiti kaya masarap i-approach, kahit alam mong nakikiride lamang siya pero hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid niya. Alam ko namang mahirap maki-adjust sa bagong environment, kaya gusto ko siyang kaibiganin para di naman siya ma-OP.

Palapit na ako, nang biglang…..

“Hoy”- Sheena

“Yes?”-Ako

“Kanino ka pupunta?” -Sheena

“Dun sana sa new girl, kakaibiganin ko lang.”-Ako

“Ahh, eh, nakakahiya, eh inglesera yan eh, sure ako, taga-Canada eh. Baka ma-nose bleed lang tayo, wag naman sana.”-Sheena

“Adik ah, bruha ka talaga. Di yan.”-Ako

“Sige, pero pag nag nose-bleed ka, wag mong sasabihing di kita winarningan ah.”-Sheena

“Oo, sige nalang”-Ako

Lapit naman ako sa girl, kungraring marunong magenglish

“Excuse me, what’s your name?”-Ako

“Oh, Good day. My name is Bettina Arianne Reyes Fernandez. It’s a pleasant honor to meet you, how about you? May I know your wonderful name?”

“Hello, I’m Rhianna, Rhianna Almira Isabelle Nepomuceno. So What’s your nickname?“

“Nickname? Oh, nickname, yes of course, my nickname, well, just call me, Beth”

“Wow, for a very long name, you’ve got a short nickname.”

Then, we both laughed. Ay nako,pati yung kwento ko naging ingles na din.

Ayun naman si Sheena, napatingin, nakikita ko sa mukha niyang gusto niyang jumoin pero nahihiya lang siya. Kaya naman, mula sa kinauupuan ko, tumayo ako agad, pumunta ako sa pwesto ni Sheena at hinila ko siya papunta kay Beth. Pinakilala ko sila sa isa’t isa.

“Beth, this is Sheena. Sheena, ito si Beth.”

Nginitian nila ang isa’t isa.

“Hi.”- Beth

“Hi din.”- Sheena

Nahalata kong medyo hindi masyadong malapit ang loob nila sa isa’t isa, yung parang di sila agad-agad magkakasundo. Ano ba yun? Dalawa sa mga kaibigan ko, di agad magkakasundo?! Kaya naisipan kong sabay-sabay nalang kaming kumain.

Ang Mag BestFriend Na Flirt ! ! ! >.<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon