CHAPTER 19: Galawang Royalty Part 2 (Enzo, Harry, Rence, James, Kieth)

2.4K 72 9
                                    


STELLA ALLEXZANDRIA'S POV


Hindi ako makagalaw sa tinatayuan ko! What is this?! Bat ang aga nila?! 


" Oh, dyan ka nalang ba, Lex? " naka ngising asong sabi sakin ni Rence. Nahalata nya sigurong gulat na gulat ako. Bwisit na babaerong to!


Di ko nalang sya inimik at nagpatuloy lang ako papasok papunta sa table ko. Yep. TABLE KO. May kanya kanya kase kaming table dito sa AR Room. Umupo na ako sa swivel chair ko pero kahit na gustong gusto kong maging komportable eh hindi ko magawa dahil ramdam kong nasa akin ang tingin ng limang ugok na to!


Haaaay, Allex. Kalma. Hingang malalim. Inhale. Exhale. Then tingin sa kanila.


" WHAT?! " singhal ko sa kanila kaya napakurap nalang sila. Napakamot pa sina Jj at Harry sa mga batok nila. Si Kieth naman bumalik sa binabasa nya, ewan kung ano. Si Rence naman nakangisi pa rin pero hindi na nakatingin sakin kundi kay Enzo na at si Enzo naman eh napa iwas ng tingin. Loko talaga tong mga itlog na to. Tsss. Kung anu ano tuloy natatawag ko sa kanila. Bwisit.


Walang imiimik kaya hinalungkad ko nalang ang mga folders na nasa mesa ko. Siguro ito yung sinabi ni Kuya Nathan sakin na para sa sportsfest next month. Bakit ako nag pa-process nito? Remember? Ako ang SSG President ng academy habang si Enzo ang VP. Si Michelle ang secreatary, si Ezra ang Treasurer, si Kieth ang auditor, si Rence and Ethel ang P.I.O habang sina Harry, Jj at Camille naman ay mga nagmamalasakit lang na tumulong samin. 


Buklat. . . .  Basa . . . . .  Buklat . . . . . Basa . . . . . . 


Yan lang ang ginagawa ko. Actually, sobrang boring na dahil hindi naman nagsasalitaan ang mga kasama ko kaya di din ako nagsasalita. Mas mabuti na din. Pero aissssh! Kung alang ko lang talaga na ito ang maabutan ko, sana dinaanan ko nalang si Camille. Yep. Diba nga dapat dadaanan ko sya? Eh kaso kay Michelle nalang daw sya sasabay since out of the way na daw pag ako ang sumundo sa kanya samantalang si Michelle, nakakadaan talaga sa kanila. Kaya nga napaaga ako. 


Napa angat nalang ako ng biglang . . . . 


" Let's eat. " Si Enzo yan. Na naka apron pa habang nakatayo sa mini bar counter sa kitchen.


" Nagpa deliver kayo? Magkanong hatian? Dali. Makikihati ako. "  sabi ko sa kanila pero confusion was written all over their faces. 


" What?! Akala ko ba kakain? Di nagpa deliver nga kayo! "  sabi ko naman. Natawa lang si Rence sakin. Pinaningkitan ko pa sya pero tumawa pa din at nakisali naman sina Harry at Jj habang si Kieth, naiiling lang. Duuuh. Hindi yan si Kieth pag tatawa din yan. 


Psssh. As if may nasabi akong nakakatawa. Makikihati ako sa bayarin noh. Kase nga gutom pa ako. Di ako masyadong nakain sa masion dahil sa daldalan namin nila Mommy at Daddy. Buti nga nakikihati pa ako eh. Tsss.


" No one ordered food, Allexzandria. Let's go to the kitchen. " tawag ni Enzo sakin. Okay. Medyo nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Tiningnan ko lang sya. Nasa likod na sya ng upuan ni Kieth na nasa harap naman malapit sa table ko at wala na din syang suot na apron.

Clash of the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon