Chapter 13: Gonna Make Things Right?! ?_?

7.1K 191 41
                                    

A/N: Ano nga ba ang totoong nararamdaman ng ating Ice Princess? Talaga nga bang kilala natin sya? Pano kung sabihin kong, hindi nyo talaga sya lubusang kilala? Pano kung ang Allex na nakaksalamuha ng mga tao sa paligid nya ay hindi pala ang buong katauhan nya? Well, kilalanin ang buong pagkatao ng Ice Princess, Stella Allexzandria Villegas.

STELLA ALLEXZANDRIA's POV

Hindi ko alam kung bakit ako pinaparusahan ng ganiito. Ang matulog sa iisang kwarto kasama si Enzo ay hindi ko inaasahan. Pero ganun ba talaga ka ako kasama at ito ang ginawa ng tadhana? Maski sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit galit na gali ako sa kanya. Siguro ang babaw naman diba kung dahil lang sa mga katangian niya kaya ako ganito? O mas dapat ko bang sabihin nag alit ako sa sarili ko dahil..... Hindi! Ayoko! Hindi pwede! Tapos na ako sa kung ano man ang nararamdaman ko. Pero bakit minumulto ako ng nakaraan? Bakit?!

Di ko mapigilang umiyak habang nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa harap ng salamin. I've never been the Allex before.

" I've change a lot. Ang dating naka nerd eyeglasses, naka brace, mataba, pangit at ayaw ng lahat ay heto na. I don't have braces anymore. I don't wear nerdy glasses either. And I'm sexy and hot as hell. I have all the money and power. At kilala ng lahat. Pero bakit parang kulang? Ano ba ang kulang? Ano?! "

Pinunasan ko ang luha ko.

"No, Allex! Sabi mo sa sarili mo di ka na iiyak ulit diba?! Nandito na naman lahat ng gusto mo. Sabi mo hinding hindi kana magpapatalo. Na sila na mismo ang luluhod sa harap mo? Asan na ang matapang na Allex?! Bakit ang lambot mo ngayon!"

Mukha akong baliw sa ginagawa ko. Kinakausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

Alam kong ayaw kong makita ang sarili ko na ganito. Ayokong balikan kung sino man ako sa nakaraan. Ayokong maging mahina ulit. Nakakapagod maging mahina. Pero mas nakakapagod pala maging matapang kahit hindi naman. Damn this life! Damn this stupidity of mine!

"Akala ko madali lang ang lahat dahil ngayon matapang na ako. Ginusto ko to. Pero bakit ang hirap?! Bakit?! Bakit di ko magawang maging matapang sa mga oras na to?!"

Di ko na napigilan at tuluyan na akong humgulgol.

"Bakit sa panahon pa na kailangan ko nga lakas? Funny how this effin life works!"

I look like a mess right now. Humahagulgol ako habang tumatawa pero patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. I really don't know why I'm this soft this day. Na para bang ang bigat ng loob ko.

I stand up infront of the mirror and look at my crying reflection before I went to bed. Wala pa si Enzo and I don't care kung nasan sya. Sa paghiga ko nagpatuloy ako sa pag-iyak. I promise. This will be the last time na iiyak ako dahil ang hina ko. Di na ito mauulit pa. Ngayon lang talaga. Ngayon lang. At sana, pag gising ko, bumalik na ang kung sino ako ngayon.

(A/N: Allex on the multimedia.)

LORD LORENZO's POV

I was about to come inside the room when I heard someone crying. Imbes na pumasok ako, nanatiling nakatayo ako sa pintuan. Sa iyak palang alam ko kung sino sya. At wala namang ibang makakapasok sa kwartong to maliban sakin. Kundi sya lang. ALLEX.

Why the hell is she crying? Sobra ba talaga nya akong kinamumuhian at iniiyak nya ng pagsasama naming sa iisang kwarto? Am I that bad?

" I've change a lot. Ang dating naka nerd eyeglasses, naka brace, mataba, pangit at ayaw ng lahat ay heto na. I don't have braces anymore. I don't wear nerdy glasses either. And I'm sexy and hot as hell. I have all the money and power. At kilala ng lahat. Pero bakit parang kulang? Ano ba ang kulang? Ano?! "

Clash of the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon