11 : Ang mga Makapangyarihan

4K 25 0
                                    

Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego?

Bagamat si Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.

Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,kapag siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag na Sakristan Tiyago.

Ang kapitan sa bayan (gobernadorcillo) ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.

Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Padre Bernardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno at parang mahina ang katawan. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin.

Katunggali naman ni Pari Salvi sa kapangyarihan ang Alperes. Ang alperes ang puno ng mga guwardiya sibil. Kasama ng Alperes ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi tumitingin si Donya Consolacion sa salamin kaya kanyang ipinagpapalagay na siya ay maganda. Ang pagkakapangasawa ng Alperes ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.

Bagama’t may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.

Ang Alperes at si Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique.

''Noli Me Tangere''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon