1. Isang Pagtitipon

24.3K 178 17
                                    

Mga huling araw iyon ng Oktubre nang biglang naghanda ng salo-salo sa kanyang bahay sa may Kalye ng Anluwage at malapit sa Ilog Pasig si Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Si Kapitan Tiyago ay isang mangangalakal na taga-Binondo. Siya ay maginoo, mabait at magalang. Nang gabing iyon, dagsa ang mga tao gaya ng inaasahan. Si Tiya Isabel ang umiistima sa mga panauhin. Kabilang sa mga bisita sina Tinyente Guevarra, Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Sa kabilang banda ay panay ang pakikipagbalitaktakan ng Paring Dominikano na si Padre Sibyla at Padreng Pransiskano na si Padre Damaso. Napagtalunan nila ang tungkol sa monopolyo ng tabako, at ang pagkakalipat ng Paring Pransiskano matapos maglingkod ng 20 taon sa San Diego. Nagpatuloy ang balitaktakan at patuloy na dumating ang mga panauhin, kabilang ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.

''Noli Me Tangere''Where stories live. Discover now