Chapter 1

156 4 5
                                    

Suklay! Nasaan ka na suklay?! Kailangan kita sa aking mga kamay! Anak ng tipaklong, sino ba kasi gumalaw ng mga gamit ko? Nakaw si ate ata! Huhuhuh… malelate na ako… Ayun pala!

            Matapos kong magsuklay, kinuha ko yung kwintas na alaala ng aking ina sa loob ng aking jewelry box. Tinignan ko ang cute na cute kong pink Hello kitty watch: 7:30 na! 30 minutes na lang ang natitirang oras. Ok magtatransform na ako at magiging si Darna at lilipad ng mas mabilis pa sa bala pero sa imagination ko lang yun. Kung di ko kayang lumipad, tatakbo na lang ako hanggang sakayan ng jeep.

            Pagdating dun sa sakayan. Haggard na Haggard na ang itsura ko at kung minamalas ka nga naman oh! Walang jeep! tinignan ko ulit yung watch ko, 7:45 na. hala.. may pre-quiz pa naman kami ngayon. Hindi na naman ako makakapagpre-quiz. Anong gagawin ko? Baka asarin na naman ako ng prof ko, puro 0 yung pre-quiz ko huhuhuhu… sana may kotse ako tulad nitong Fortuner na nasa likod ko. Hay! Ang ganda talaga niya, hanggang sa mga brochures lang siya pwedeng maging akin.

            Habang nageemote ako, ayun na pala, may jeep ng parating. One in a million lang yang jeep na yan kasi puro pa-bayan yung mga ibang jeep. Oh Panginoon! Maraming salamat po. Mas aagahan ko na po talaga bukas. Thank you po.

            Wala pang sakay yung jeep. Ibig sabihin makakaupo ako sa dulo. Kailangan kong gamitin ang natutunan ko sa star wars, ang the FORCE, para hawiin ang mga taong sasakay. Agad kong pinara ang jeep, ayun mukhang marami rin ang nakaabang at nagsulputan bigla ang mga tao kaya medyo malayo pa lang huminto na yung jeep para magsakay. Mukhang mauubusan ako ng upuan.

Papunta na ako doon sa may jeep. Habang naglalakad, hinawi ko yung buhok ko kasi nararamdaman kong namamawis na yung leeg ko. Sa aking katangahan nahigit yung kwintas ko kaya nahulog. Hinanap ko kung saan siya nahulog at ayun nandun sa may pwesto ko kanina. Yumuko ako para pulutin yung kwintas ng ~anak ng Kalabaw~ bigla kong naramdaman na parang may malaking pader na bumunggo sa likod ko. Ang sakit! Alam mo yung feeling na nagslow motion lahat ng bagay sa paligid mo? Yung tipong pati yung sigaw mo parang isang milyong taon ang nagdaan bago matapos? Yung salamin ko biglang nawala sa mata ko kaya ang paligid naging Malabo. Imbis na ako ang gumamit ng the force… ako ang nakaramdam ng hagupit ng The Force. Tsk. Hindi ko pa nagagawa nilapitan agad ako ni mareng karma. Ang huling natatandaan ko biglang sumulpot yung mga stars at parang gusto ng sahig ng hug kaya ayun binigay ko with matching kiss pa.

Pagkagising ko medyo malabo yung kapaligiran ko. Lumingon ako sa kanan at naaninag ko ang isang side table. Kinapa ko kung nandun yung salamin ko. Pero di ko makapa. Inilapit ko yung mukha ko para tignan pero Malabo pa rin. Lumapit pa ako at inusog ang katawan ko. Malabo. Umusog pa ako ng kaunti. Malabo pa rin. Narinig kong bumukas ang pinto. Ayun umusog pa ako ng kaunti at…

BOOM! Araguy! nahulog ako sa kama.

“Hey! Ano ginagawa mo?” sabi nung pumasok. Boses ng lalake.

“heto, nakikipagwrestling sa sahig.. Duh!” nagulat ako dahil sa sobrang inis ko nasagot ko siya ng ganun. Medyo hirap ako tumayo, masyadong madulas ang sahig. Medyo masakit din ang balakang ko. Tumawag siya ng nurse sa labas.

“Harhar, Funny” lumapit siya sa akin para tulungan ako. May pagkabrown ang buhok niya. Medyo blurry ung face niya sa akin. Kailangan ko talaga ang salamin ko.

“Hay nako, nakita mo na kasing nahulog ako tatanungin mo pa kung anong ginagawa ko?” nakahiga na ulit ako sa kama pero ang sakit talaga ng katawan ko lalo na yung balakang ko. “hinahanap ko kasi salamin ko. nakita mo ba, stranger?”

“Aww, sorry hindi ko napansin kanina nung dinala kita dito sa ospital. Pero yung bag mo nandito. Ayun oh nasa may sofa.”

“Hindi ko nga Makita diba? Ituturo mo pa”

A Thousand Moonlight [ON HOLD]Where stories live. Discover now