Summer Friends#27 Friendsforever

170 5 5
                                    

Aaron POV

Nakahanap na nga kami ng masasakyan pero ayaw ipahiram sa amin' kaya sinamahan niya kami sa mas malapait na pwede namin rentahan na sasakyan. after 4 hours juice-ko napakalayo! Ano na kaya nangyari sa mga kaibigan namin na naiwan namin dun'.

" Aaron ano sa tingin mo, kakasya kaya tayo dito sa Van na toh? " si bill nagtanong pa hindi nalang tansyahin. kung ako sa kanya tignan niya kaya yung loob ng makita niya. Tsk, kailangan na namin makapag-rent agad kasi baka kung ano na ang nangyari sa mga kasama namin naiwan dun.

" You know' yung mas malaki nalang na andun sa dulo. Sa tingin ko kasya tayo dun' Hurry up, we need to come back! " may nakita kasi akong malaking VAN as in MALAKI. kaya hinila ko talaga si bill nun' at nung nakita namin agad yun , eh hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa talaga ni-rent na namin agad yun. At yung pagkabigay na pagkabigay nung susi sumakay kaagad kami dun, at nagmamadali talaga kami makabalik kaya habang nag d-drive si bill tinawagan ko si Xian. Ayus nagriring sana nasa bulsa niya yung phone niya.

( Nasaan na kayo?! Dalian niyo magdidilim na naman. ) Ooops mukhang naiinip na si Xian dun. 

" Uh On the way na kami' abangan mo nalang kami dun sa may daan' medyo nakalimutan na namin kung saan kami lumabas nun eh. " oo nakalimutan na nga namin. Dahil sa sobrang pagmamadali namin makakuha ng VAN ehh ayown' hindi na namin natandaan kung saan kami lumabas nun. tsk tsk. FAIL!

After 4 hours ang byahe nakikita na nga namin si Xian nun' kahit padilim na. Bumaba narin kami sa Van at tinabi sa may gilid tapos tinakpan ng malalaking dahon upang walang makakita. Tapos sinimulan na namin hanapin ang mga kaibigan namin. Naglagay din kami ng mga palatandaan sa mga dinadaanan namin para kung bumalik kami dun, eh dere-deretsyo nalang at hindi na kami maghanap pa.

" Kailangan natin magmadali anong petsa na kailangan na natin maka-uwe may recording ako sa saturday. " aba' at talagang pinoproblema pa niya yung recording niya sa saturday. Nakalimutan ko pala si Xian isang singer nga pala kailangan niyang umattend sa kahit anong event, pero wala naman siyang magagawa kung nandito kaming lahat at naghahanapan. Alangan na iwan niya kami dito. Hindi pwede yun' pabaya siya kung iiwan niya ang mga kasama niya dito. Unfair niya.

" Simulan natin dun ulit sa may ilog, tumawid tayo dun at gumawa ng palatandaan. " ikaw na talaga bill. Ano kayang palatandaan ang gagawin niya? Kumuha siya ng pang-ukit at nag-ukit sa may puno. Aba! hanep din pala toh' si bill biruin mo yun gumagana din minsan ang isip. haha joke :p

Nagpatuloy na kami ulit sa paglalakad. Lakad kami ng lakad hanggang sa may nakita kaming isang malaking parang palasyo kung tawagin kasi ang taas parang tore ahaha. Nakakita din kami ng pinto at pumasok dun' buti nalang may ilaw kahit papaano, hindi na namin kailangan mag flashlight pa. 

Aakyat na sana kami sa may hagdan pero may narinig kami may sumigaw malapit sa kinatatayuan namin iyon, at sunod-sunod nadin ang mga ingay. May mga umiiyak, nagmamakaawa, nananakot at iba pa. Sinundan namin ang mga tinig na narinig namin. Naglakad kami ng dahan-dahan yung tipong hindi maririnig yung mga yapak namin. Nung palapit na kami sa mga naririnig namin' biglang may nagsalita ulit.

" Kung gusto mo paghigantihan ang mga magulang namin' sige gawin mo! Saktan mo kami pero wag na wag mo gagalawin ang mga kaibigan namin na walang kinalaman sa mga nangyari! " Nakita at narinig namin iyon galing kay Marina habang nakatali silang lima sa may upuan at umiiyak na nagmamakaawa. At yung ibang kasamahan namin eh nandun sa likod ng mga hindi namin kilalang mga lalaki at nakatali dun sila dun sa may pader. Kami nandun naman nagtatago sa nakaharang na malalaking bakal.

Hindi nagtagal nag-init na yung isang lalaki dun' at pinagpapalo yung mga binti nila ng latigo. Talagang awang-awa kami sa mga kaibigan namin, kaya kumilos na kami at kumuha ng mga pamalong bakal. Kahit papaano may mga tamang size lang yung ibang bakal kaya nakahanap kami ng ipangtatapat sa kanila. Pero Bago namin gawin yun eh dahan-dahan kaming pumunta kila tristan na nakatali nga dun sa likod nila. Habang busy yung mga hayop na lalaking gumugulpi sa mga kaibigan namin babae. Nung Nakalagan na namin sila tristan at ashthred tinulungan nadin nila kami na kalagan yung ibang mga kasama namin at habang tinantanggal namin isa-isa yung mga tali nila eh bigla humarap yung isang lalaki sa amin kaya nahuli niya kami na pinapakawalan namin yung mga kasama namin kaya sumigaw siya at dali-dali din silang kumilos. Kami naman hinampas kaagad namin sa kanila yung hawak namin pamalong bakal at ipinamalo namin ito sa kanila.Hindi nagtagal napagod at parang sumuko narin sila dahil nga sa pinagpapalo namin na bakal sa kanila at dali-dali din namin kinalagan yung lima.

"Summer Friends" COMPLETE!Where stories live. Discover now