Summer Friends#19 " Misunderstanding "

147 7 4
                                    

Jonaliza POV

Papalapit na kami ngayon kay che.  Hindi namin alam ang mga mangyayari sa pag-uusap namin ngayon lima, sana man'lang hindi mag-init ang ulo ko.  

" Che. We're here. We need to talk. " Marina - sa aming apat siya lang ang matapang na nagsalita.

" Wala tayong dapat pag-usapan. " Che - etoo talaga kapag ginusto-ginusto eh. Hindi man' lang niya naisip ang nararamdaman namin.

" Meron. Dahil alam ko nasaktan ka sa mga nakasulat na yun. Pero maniwala ka sa hindi wala kaming kinalaman dun. " Jean 

" Bakit, sinabi ko ba sa inyo nanggaling yun?! Wala naman ako sinasabi ah! " Che - aiish makapagsalita talaga toh. Ang taray. Bakit kasi hindi niya muna alamin bago siya magalit ng ganyan. Masyado siyang apektado.

" Pigilan niyo ko gurla. Masasabunutan ko toh. " Bulong ni Jean samin habang nagtitimpi sa galit. Sino ba naman kasi hindi maiinis o magagalit sa kanya. Kung yung ugali na niya eh hindi niya ma-control.

" Okay fine!  Kung ganito lang ang mangyayari, lubus-lubusin na natin. Tutal naman may nalaman kana diba. Hindi namin talaga alam kung kanino galing yun pero sa totoo lang. Sa totoo lang ah ... " Jean - loko toh' sinasabayan pa toh si che eh

" Jean anu ba' hindi ba ang sabi ko kalma lang?! " Marina

" Teka nga lang. Panu ako kakalma niyan eh kung ganyan narin lang naman siya! Mabuti pa' magsasalita narin ako para matapos na ang pag-uusap na toh! " Jean - naku kakasabi lang high-blood na naman.

" Mabuti pa nga! Sige sabihin mo sakin lahat ng magkaalaman na. Alam ko naman may mga galit kayo sakin tinatago dyan. Bakit ayaw niyong sabihin?!?! Akala ko kaibigan ko kayo pero hindi! " Che - ayan na! mukhang world war yata mangyayari dito.

" Sanadali nga lang! Pwede ba kumalma nga lang kayo! Hindi tayo magkakaintindihan nito eh. " Marina

" Alam mo ang hirap sayo' hindi ka marunong makinig! Pwede ba kahit minsan kontrolin mo din yung galit mo! Dahil dyan tayo hindi magkakaintindihan. Lagi nalang galit ang pinapairal mo! Kahit minsan naman pakinggan mo kami. Hindi nalang lagi ikaw ang pinapakinggan namin. pwede ba yun!! " Amefel - kinakabahan na ako sa kanila. Hindi ko alam kung panu sila aawatin dito. Si marina parang referee na sa kakaawat kila Jean at Amefel. Kalma nga lang diba' pero nagsipag-init na ang mga ulo. haaayysst...

" O sige! Makikinig ako! Sabihin niyo lahat ng galit niyo sakin. " Che 

" Hindi naman kami galit sayo. Okay fine. Ang ayaw ko lang sayo' eh yung pagka-mainitin ng ulo mo! yun lang. hindi naman dahil dun may galit ako sayo. Kaibigan ka namin kaya naiintindihan na namin yun.at isa pa hindi naman ako sayo may inis o tampo sa kanila din. OO totoo yun. Lahat tayo may rason kung bakit, hindi ba? Alam ko may itinatago din kayong galit or whatever dyan sakin. Pero sana man'lang intindihin niyo lalo kna che. Actually alam niyo naman toh lahat. Hindi ko lang alam! kung bakit hanggang ngayon eh naungkat pa ang lahat ng dahil sa diary na yan! " Amefel

" Tama si Amefel. Alam naman na natin yung mga mali natin diba? Lalo na kayo Jean at Che. OO kayo! Wag nga kayo magpretend na hindi niyo alam ang lahat ng yun' wag kayo magpretend na nasasaktan kung alam niyong tanggap niyo na. Pinapalala niyo lang eh. At Che' wag ng O.A okay? alam kung matagal mo ng alam ang tungkol sa mga nega namin sayo'. Don't you remember? Pati sayo din Jean. At isa pa wala naman na tayong rason ngayon para magalit sa isa't-isa. Nakaraan na yun ah. At Che can I see the Diary? " Marina

Ibinigay ni Che yung diary sakin, tapos nung pagkakita ko at nung binuksan ko eh hindi lang kay che kundi meron din sakin. Sa aming lahat mukhang may isang tao na may galit samin.

" Oh ehm ghiiee bakit may mga tungkol satin dito? Kanino ba talaga toh? Che saan mo ba nakita toh? Eh halos lahat may pambato sati. Hindi lang sayo. Tignan mo dali! " Amefel

" Sigurado ka ba na hindi mo alam kung kanino galing toh? " Marina

" Hindi ko alam. Basta yung nakita ko lang yan. Tapos nung binasa ko na nang-init na yung ulo ko. " Che

" Pambihira ka naman che. Tignan mo meron din ibinabato samin. " Jean

" Mahal niyo ko talaga nho? " Che - huh? Anu daw? 

" Baliw! Sira ka talaga. Ano ka ba. Seryoso ka talaga kanina? " Marina

" OO seryoso kaya ako! Kayo kasi eh akala ko naman. " Che

" Sorry Che ah. Hindi ko din napigilan. Inaamin ko ngayon. Minsan hindi ko maintindihan yung sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis o nagtatampo sayo. Siguro dahil mahal kita ng bonggang - bongga kaya ako nakakapag-isip ng nega. tungkol sayo kasi naman ikaw. Minsan hindi ko minsan mahuli kung anong mood mo eh. " Jean

" Seryoso ka Jean. May tampo ka sakin ngayon? " Che

" Che~.. Sorry alam ko mali yung nainis ako pero alam ko naman na mali yun. Ang sakin lang kasi sana minsan intindihin mo rin ako. Sorry talaga. " Jean

" Sorry din Che. Namisunderstanding ka namin. Sana wala ng tampo-tampo ah. " sabi ko

" Sorry din ah. Sana unting pasensya pa. Alam ko yun Jean. Nararamdaman ko yun sayo. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit bigla-bigla ka nalang umiiwas sakin. Pero sana man'lang sabihin mo sakin. " Che 

" Sorry talaga. Sorry guys. Alam niyo naman how much i love you diba? " Jean

" Higit pa sa pagmamahal mo kay Tristan? " sabay-sabay kaming apat. haha iisa talaga yung mga naiisip namin eh.

" Anu ba. Bakit napunta kay Tristan. " Jean - ayaw niya pa kasi aminin alam naman na namin.

" Oh group hug na! Mga baliw! away-away pa kayong nalalaman. Para kayong mga bata! " Marina - Nadala lang naman kami sa emotion ni che ..

Niyakap namin ang isa't-isa. Natapos narin ang araw ng hindi namin pagkakaintindihan. Pero ang malaking tanong namin eh. Kanino galing yung Diary at yung sulat na nakuha ni izhang? Sino naman at may galit samin at gusto kami siraan sa isa't-isa.

" Sometimes what real is something you can't see."

----------------------------------

Salamat po sa Pagnasa

please VOTEEEEEE

COMMENT if you want :D

-----------------------------------

"Summer Friends" COMPLETE!Where stories live. Discover now