Tumabi ka nga! Dadaan ako! (One Shot)

869 28 4
                                    

 ** Hello ate! Idoooool :). Para sayo!

 

Tumabi ka nga! Dadaan ako! (One Shot)

___________________________________________________________________________ 

"Tumabi ka nga dadaan ako!"

"Tsk." Tanging reaksyon ko nalang ng dumaan si Julie sa daang tinatahak ko, nakakairita na talaga ang babaeng ito! Ang lawak naman sa side pero kung saan pa dadaan ako dun siya dadaan.

"Ano tol? Bakit pagdating kay Julie, lagi ka nalang inuurungan ng dila ha!" Pang-aasar ng mag kaibigan ko. Nakakainis na talaga! Kilala ako biglang siga ng School, nato at kung sino man ang lalabag sa batas ko o susubok na kalabanin ako o ipahiya, binubogbog ko!

Pero sa babaeng to! Kahit madalas niya kung ipahiya sa harap pa ng maraming estudyante eh hindi ko magawang patulan, of all people naman kasi diba? BABAE KA MAN O LALAKI, Wala akong pakialam! Susuntukin kita kung gusto ko.

"Hahahaha.. Ano ba yan Brix, si Julie lang dimo pa magawang patulan!!" Nagngingitngit ako sa galit. Kaya naman, naiyukom kona agad ang kamao ko at padabog na umalis!

****

"Hahahaha.. Oy pre napakaweak mo talaga!"

"Ako pa ngayon, baka itong si Joshua, diba pre?"

 

"Anong ako? Kailan man hindi ako naging weak sa basketball."

 

"Mga ulol, manahimik na nga kayo! Ang iingay!!!" Reklamo ko, pabalik na kami ngayon sa locker room namin para makapagpalit ulit ng school uniform.

"Ay nako pre! Tapang tapangan ka samin, pero kay Julie, umuurong naman ang buntot mo!!! Hahahahahaha.."

 

"Oo nga pre, bakit ba hindi mo magawang barahin minsan yon?"

 

Natahimik ako sa mapang-asar na pinagsasabi nila. "A-anong umuurong ang buntot? Hooooy kayo mga gago kayo! Kailan man hindi ako natakot sa babaeng yon! Gusto niyo, ipahiya ko pa yun sa buong klase eh.." Pagyayabang ko.

"Bakit mo ako kailangang ipahiya?" Napatingin kaming apat sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nakacrossedarms at nakataas niyang kilay.

"Pre, mauna na kami ha." Tinapik ako nung tatlo at iniwan, gusto ko silang pigilan pero huli na dahil hindi nako nakapagsalita.

Ngayon kami nalang ang natirang nakatayo dito. "HOY! JULIE!!!" Sinisigawan ko siya habang dinuduro.

"HOY!!! BRIX!!! TUMABI KA NGA! DADAAN AKO!" Sigaw niya at nilampasan ako na natulala na naman sa pagkakasigaw niya.

Tumabi ka nga! Dadaan ako! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon