Chapter 05

1.6K 43 0
                                    

       August 20 20xx

Gumising ako ng sobrang sakit ng ulo. Ewan ko kung bakit. Bumangon ako at dumiretso sa CR.

Bumaba ako para matulungan si Bebs sa pagluluto. Maghiwa.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ko.

"Ay bebs! Nakapagluto na ko. Nga pala ngayon alis ko papuntang Baguio. Sasama ka pa ba? Sorry. Biglaan kasi ehh. Pero babalik ako ng  sunday night." Hatak nya ang medium size nyang malita.

"Di ako pwede. Pupunta sila Demar dito ehh." Umupo ako sa sofa. Nanlalambot ako. Sayang!

"Pasalubong bebs?" Ngiti nyang tanong.

"No thanks di mo kayang ibigay yung gusto ko." Tumutok ako sa t.v

*DingDong* *DingDong*

"Andyan na ata yung Casanova." Sambit nya kaya napa igtad ako ng upo. Naalala ko kasama pala si Gregg.

"Good morning." Bungad ni Gregg. Pano sya nakapasok sa Gate?

"What's good in this morning?" Pagtataray ni Jane. Kung titignan mo sila para silang Magsyotang nagpapacute sa isat isa.

"Good morning Rocky!" Baling sya sakin.

"Wag mo nga akong tawaging Rocky!" Umiinit ang aking mga pisngi. Feeling ko lahat ng Dugo ko napunta sa pisngi ko.

"Pangalan mo yun eh. Anyways! Aalis na kami nitong si Jane, baka mapatay pa kami ni Tito kapag nalate kami." He chuckles.

Kinuha ni Gregg ung bagahi ni Jane, at lumapit naman sakin si Jane.

"Byebye bebs. Don't worry i won't do anything." Hinawakan nya ko sa baba at inikot ikot yun.

Umirap muna ako. "Happy trip babes." Walang gana kong sagot.

Lumapit din sakin si Gregg at sa di inaaaahan bigla nya nalang ako niyakap.

"Aalagaan ko yang bebs mo for you." At kumalas na sya sa yakap ko.

What was that for? O______O

-

"Dito ka lang nakatira?" Tanong ni Lance.

"So..." Pinaupo ko muna sila sa salas. Inurong namin yung dalawang sofa para makaupo sila sa lapag. Oo! Sa lapag mismo.

"Ejie? Anong gusto mong gawin?" Tanong ni Demar.

"Ikaw na bahala." Lumabas ako dahil mukang nandyan na yung pina deliver naming pizza.

"Sa Heading ka nalang huh! At ikaw lance sa Body." Si Demar ulit.

"Ano ka? Leader?!" Inis na tanong ni Lance kay demar.

"Edi sana ikaw ang mag lead dito." Sarkastikong sabi ni Demar.

"Enough!" Si Arceleth na yan.

"Ako na bahala sa iba. Kayo guys! Turo nya don sa iba magdagdag at magbawas nalang kayo ng information. Clear ba tayo lahat?" Para talaga syang leader kung magsalita. Baka ayaw nya talagang bumababa ang mga grades nya. I wonder ano sya nong high school palang sya.

"CLEAR!!" Sigaw nila except samin ni Lance, lang kwenta!

Sinumulan namin yung mga ginagawa namin.

Walang pakiilamanan habang ngumangatngat!

-

"Tapos na rin sa wakas." Nag inat inat si Demar ng kamay.

"Mag gagabi narin pala." Tingin ni Jerna sa wristwatch nya.

Baka nandon na si Bebs saka si Gregg. Ano kayang ginagawa nila?

-

Jane's POV

"Sweetheart." Bungad sakin ni Dad.

"Dad bakit mo ko pinapunta dito." Takang tanong ko.

Tumingin sya sa likod ko. Oo! Kasama ko parin hanggang ngayon si Gregg.

"Pasok muna tayo." Seryoso ata ngayon si Dad. Nade'drain lahat ng kahyperan at kakulitan ko.

Nandito ang magulang ni Gregg. Which is si Tito George at Tita Athalia.

"Son," tawag ng papa nya sakanya.

"Maupo kayo at kumain tayo." Ipinaghila ako ng upuan ni Gregg kaya sinamaan ko sya ng tingin pero umupo parin ako. Alangan namang tumayo ako habang kumakain.

"Anak gusto ko tong sabihin sayo ng maaga para hindi kana mabigla pa." Pangungu na ni Dad. Tahimik lang si Mom na nakikinig.

"Ano yun dad?" Nakatuon ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Alam mong nasa pamilya natin ang Arrange Marriage, hindi ba?" Tumango lamang ako. Matagal na kong inihanda para dito. Kaya nga halos di ako tumanggap ng manliligaw dahil alam kong ipapakasal ako sa iba.

"At ang lalaking iyon ay si Gregg. Napagdesisyon namin ng Tito George mo na mag merge ang kompayan natin." What? No way!

"What? Dad! No way! It can't be!" Hindi pwede mawawalan ako ng Bestfriend. Alam ko na kung ano na ang mga naisakripisyo ni Ejie para lang sa Casanova na to.

"Jane, we have no choice. At isa pa malaki ang matutulong ng kompanya nila satin. Alam mong naba'bankrupt na ang kompanya." Di nila ako iniiwan ng Choice.

"At besides hija. Ayaw mo ba sa anak ko?" Nakangiting tanong ni Tita athalia. Si Gregg. Ayan! Naka smirk lang. Kung alam nya lang.

"Tita, hindi naman sa ganon-----"

"So... Inaamin mong gusto mo ako?" Gregg smirked at me.

"Dream on Gregg. Pano kita magugustuhan ehh babaero ka? Manloloko ka?! Tell me." Kung kausapin ko si Gregg, para wala ang mga magulang namin dito.

"Magbabago ako. Lalo na ikaw ang dahilan nito." Sumubo sya ng kinakain nya.

Napanganga ako sa sinabi nya wag kang maniwala jane. Pano si Ejie? Ang friendship namin? Pano naman ang Pamilya ko? Ang Negosyo namin? This is so frustrating.

"Dad.... I hate Gregg. He can't always get enough! I hate him. Please dad iba nalang. Wag na sya." Ayokong mawala ang Bestfriend ko. Ayoko.

"You don't have choice."

Mistaken Identity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon