Chapter 3: So, we meet again

6 0 0
                                    

Chapter 3: So, we meet again

“HAAAAYYYY! Nakakatamad!” sigaw ni Rai habang nag-iinat. Nasa library kasi kami ngayon. Kailangan naming maghanap ng books para sa research na pinapagawa samin.

Engineering kasi ang tine-take up naming tatlo. Chemical Engineering to be exact. Ganyan kami ka-close, kahit na sa kurso at eskwelahan na pinasukan ay hindi kabi nag-hiwahiwalay.

“Hoy Rai! I swear, kapag pinagalitan tayo nung masungit na librarian ikaw ipapalapa ko dun!” bulong ni Jem na alam mong naiinis na. Ipapalapa naman, OA.

“Tsk. Edi palapa mo. Kung magagawa mo. Ewan ko sayo.” Sagot naman ni rai habang nagkukusot ng mata.

“Hoy mga aso’t pusa. Kung tumutulong kaya kayo para matapos na tayo diba? Hindi yung puro ako na lang ako nagbabasa dito. Tss.” Sabi ko naman sa kanila habang akmang papaalis.

“Hoy! Wag mo sabihing mag-wwalk-out ka samin? Eto na nga oh! Tutulong na.” Sabi ni Rai habang kunwari binubuklat yung isang book na kinuha niya.

“ASA. Wala akong oras para mag-walk out, noh! Ibabalik ko lang to at maghahanap ng ibang libro. Kung ako sa inyo, bilisan niyo na jan. Gutom na ako.” Sagot ko naman kay Rai. Ayan. Mabuti na, nang manginig sila. Alam naman nilang lahat kung paano ako kapag gutom na. Ayaw yata ng mga babies ko na nagugutom, nagwawala sila! Hahahahaha! Teka nga, bago ako tumawa maghahanap muna ako ng book.

“Ano ba naman kasi to, bakit ba ang daming kailangan. Hayyyy! Ang daming libro. Teka, mukhang maganda yun ah.” Sabi ko sa sarili ko. Oo, kinakausap ko sarili ko. Hindi ako baliw, HA! Ganyan lang talaga ang buhay kapag maganda, legal kausapin sarili. LELS.

Grabe! Pagka-taas taas naman ng librong ‘to! Ugh! Di ko maabot! Sige pa, konti pa. Konti pa.. Siyems.

“Eto ba?” sabi nung taong nasa likod ko habang kinukuha yung book sa pinakataas na shelf.

“YAN NGA! THANK YOU!” sabi ko sa kanya. Sino ba’to? Hindi ko matignan kasi ang dikit ng katawan niya sa likod ko.

“Oh. Ayan na.” Sabi nung tao sa likod ko, kaya humarap na ako sa kanya!

At kung siniswerte ka nga naman! Si Mr. Epal pala yung lalaking yun!

“IKAW?!” sabay naming sabi.

“Hoy EPAL! Thank you!” sabi ko sa kanya habang inaabot yung libro. Pero iniwas naman niya. Ano ba yan! Papansin nanaman kasi.

“Ano? Ikaw na nga tong tinutulungan, ako pa ang epal? Kahit kalian ka talaga Ms. None-of-your-business. Tsk.” Sabi niya habang itinataas yung book kasi inaabot ko.

“Ano ba! Akin na yan! Hirap na hirap na ako abutin eh!” Sigaw ko kasi nakakainis naman talaga siya. Nilalayo niya pa lalo yung book. ERRRR. Kaasar!

“Hep! Hep! Ako ang kumuha nito kaya desisyon ko kung ibibigay ko sayo.” Sabi niya habang tinutulak ang kamay ko.

Wala akong pakelam! Kailangan naming yun kaya dapat makuha ko. Kaya naman patuloy ko pang inaabot yung libro ko na lalo niya pang inilayo sakin. UGH. BV.

“Teka nga lang! Nangangawit na ako eh. Ang kulit mo! Isa pa, hindi epal, papansin o ano ang pangalan ko. Jerome ang pangalan ko! Jerome Ezekiel B. Mallari! Tandaan mo yan!” sabi niya ng mejo masungit tapos pitik sa noo ko.

“ARAY NAMAN! Bakit ka ba namimitik?! HAH! Oo na, Jerome na kung Jerome. Epal ka pa din naman.” Sabi ko. Naiinis na talaga ako. Errrrr! Kung di ko lang kailangan yung libro eh.

“Good! Oh, eto na! Libro mo!” salamat naman at naisipan pa niyang ibigay yung libro.

Pagkakuha ko ng libro, dali dali akong umalis sa harap niya. Pero bago ako umalis kailangan gawin ko to!

“THANK YOU, EPAL!” sabay sipa sa paa niya. Pagkatapos ko gawin yun.. TAKBO! DALI TAKBO PA!

Asan na ba sila Rai. Siyems baka mamaya habulin ako nung mamang yun.

 Ayun! Ayun! Nakikita ko na si Jem! Waaaahhhhhh! Buti naman! Malapit na ako! Konti na lang.

*Boogsh*

Aray naman! May nabangga ako.  Tsk. Malapit na ako eh. Natumba pa ako. Huhuhuhu. Kakahiya lang.

“HAHAHAHA! Buti nga sayo! Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.” Sabi nung lalaking nakabangga ko. Nakahandusay din naman siya sa floor. Ang yabang niya lang ha!

“Ikaw din naman ah! EpalJerome. Kala mo ako lang natumba!” sabi ko habang papatayo na.

“Ow. Ow. Aray!” sabi ni JeromePanget na nakaupo pa din sa floor.

“Tsk! Yan kasi! Sino ba nagsabi sayo na banggain mo yung grills?” tsk. Ang tanga lang, nabunggo siya dun sa grills kasi hinarangan niya ako. Pft.

“Hoy! Pasalamat ka, hinarangan kita. Kundi masisira pa tong grills dahil sa tigas niyang ulo mo!” sinisigawan na niya ako.

Ano daw?! Hinarangan niya ako para di mabunggo? Hala! Babangga na ba ako dun kanina? Oo nga noh! Dapat dun ako babangga kanina! Tsk. Ano ba yan.

“Ah, eh. Bakit hindi mo na lang ako hinayaan? Tsk.” Sabi ko kasi nahihiya na ako sa kanya. Hayyyyy! Siyems. *blush*

“ABA! AT MAY GANA KA PANG...” di ko na pinatapos yung sasabihin niya.

“Salamat. Salamat Jeromengot.” Sabi ko habang nakayuko. Nahihiya talaga ako.

“Salamat lang? Nako! Hindi pa naman libre ang pagtulong ko..” Aba! Demanding! Gusto pa ata ako hithitan ng pera! Tinignan ko siya ng matalim.

“Okay, fine. Ano bang gusto mo?” tanong ko sa kanya. May pera ba ako? Baka kapusin ako nito pauwi.

“Date.”sabi niya habang ngingiti ngiti at nagsimula na siyang tumayo.

You Are My DestinyWhere stories live. Discover now