Chapter 1: Rio Grande

14 0 0
                                    

[a/n]

First and foremost, thank you sa pagiging interested dito sa story ko! Hehehe! Kung magugustuhan mo po, thank you ulit ng sobra sobra! pa-share na din if you like. heheheh! Kung hindi po, thank you pa din pero wag na po sana kayo mag-comment ng harsh. Okay lang din po sabihin opinion niyo pero please in a nice way po! Hope you like this story. Enjoy! :D

P.S.: Sorry po pala sa errors or typo. Hihihihi. ^^

______________________________________________________________

Chapter 1: Rio Grande

“OY! OY! Wag kasing makulit! Pag ako nabasa dito upak kayo sakin mamaya!” sigaw ko habang pinipigilan ang pagikot ng malaking gulong sa Rio Grande.

“Wala kaming pakelam! Dapat mabasa ang dapat mabasa! Hahahah!” sigaw din ni Jemiah. Napakaloko talaga! Sipain ko kaya siya? Joke lang!

“Isa sabi eh! Wala akong pampalit! >:| “ sigaw ko kasi malapit na ako mabasa nung falls sa gilid. Kadur-dur kaya! Puro dura at laway na yata yung nas atubig jan tapos mababahiran lang ang napaka-ganda kong kutis? No way, Jose!

“Eh ano anman ngayon? Eh di maghubad ka jan. LOL!” pang-aasar ni Raidan. Kahit kaialn talaga wala nang maisip na matino tong lalakeng to!

“Ayaw ko nga, mamaya maglaway ka pa jan! Ako pa dehado, mahal kaya silip sakin. Hahahaha!” sagot ko naman habang ang lakas ng tawa ko. Totoo naman eh! Mahal ang silip sakin kasi buhay mo kapalit.

“AY! SIYEMAYYYYYY! AGH! MGA SIRA-ULO TALAGA KAYO!” nakakainis! Nabasa na nga ako ng tuluyan! Buti na lang wala akong nainom na tubig. Kadiri! Ang baho ko na. Huhuhu.

“AYAN! Ang yabang yabang mo kasi! Kinarma ka tuloy agad. Hahahaha! Buti lang yan sayo!” si Raidan. Napaka-ungentleman talaga nito. Tinawanan pa ako imbis na tulungan. Hmph! Bwisit!

“Pft.. O-o-kay ka.. Pft.. lang ba..Pft..?” natatawa-tawa naming tanong ni Jemiah. Hay nako Lord, bakit ba puro ganito na lang mga kaibigan ko? Wala ba silang pakelam sakin? HMPH! Kainis.

“Ewan ko sa inyo. BV! Bad trip! Mga walangya!” inis kong sagot sa kanila at nagkunwari akong nagtatampo. Siyets! Basang basa na ako. Saan ako kukuha ng pamalit. Hindi naman ako pwedeng maghubad kasi Bawal yun sa EK.

Natapos yung ride na tawa sila ng tawa kasi ang pikon ko daw at mukha akong basing sisisw. Sino ba naman hindi magmumukhang basing sisiw kung lahat na yata ng falls sa Rio grande ay natamaan ako? Hay! Ang malas malas naman. B-day na B-day ko eh mala sang inabot ko! Dagdag pa yang pang-aasar nila. Hindi ko kaya sila pansinin? HMPH!

“Ez. Uy. Okay ka lang ba?” tanong ni Jem na mejo nag-aalala na.

Hindi ko siya sasagutin. Sabi ko naman diba? Hindi ko siya kakausapin! >:}

“Ezraaaaaaa! Wag ka na magalit please?” tanong ulit ni Jem sa akin.

Humarap lang ako sa kabila at iniwasan siya ng tingin. HMPH! Galit ako. Galit kuno.

“Ezra Brien H. Villaruz! Please? Wag ka nap o magalit! Promise di na kita aasarin...”sabay puppy eyes niya. HAY NAKO! Kapag ganito eh hindi ko talaga magawang magalit s ababaitang to. Badtrip! Masyado ko na yatang mahal ang bestfriend kong to!

Oo nga pala. Ako si Ezra Brien H. Villaruz at ilang oras na lang bago ako mag-18 ngayon! Weee!

Siya naman si Jemiah Annaliz C. Adoradilla. Siya ang maloko kong bestfriend since kindergarten. Napakabaliw niyan! Pero mahal na mahal ko yan.

“Oo na. Di naman ako galit eh. Naiinis lang. Basang-basa na ako oh. Wala pa akong pampalit.” Pagkatapos ko sabihin yun. Agad-agad naman akong umupo sa bench. Nilalamig na kasi ako.

“Sorry na, pero di naman naming sinasadya na ipihit yung gulong para mabasa ka eh. Malakas lang talaga yung alon. Sorry na talaga, bra!” Sigaw niya habang naka-taas pa yung kanang kamay na parang magpapanatang makabayan. Hayyyy.. Isip bata talaga kahit kalian!

“Bra” ang tawagan naming dalawa. Pambabaeng “Bro” daw. Masyado da wkaisng maarte ang “Sis” parang pang-mahadera. Hahaha! Ang loko naming diba?

“Oo nga Ez, di naman talaga naming sinasadya noh. Huwag ka nang mapikon jan!” Pangkukutya naman ni Raidan! Aba! Aba! Ang kapal ng mukha! Sinabi ko bang bati na kami? Eh kung sapatusin ko kaya siya ng makita niya ang pikon na sinasabi niya? ERRRRRR!

Siya naman si Raidan Uriel S. Ocampo. Siya ang isa ko pang bestfriend. Napaka-loko niyan at walang ibang alam gawin kundi ang lokohin at asarin ako. Pero mahal ko din yan at para ko na siyang kuya. Protective din yan sakin minsan eh!

“At pwede ba! Bati na ba tayo? Bakit mo ko kinakausap, HAH?! SHOO! Chupi! Kami lang ni Jem ang bati. *pout*” sabi ko habang tinutulak siya. Oo na, isip bata na ako kung isip bata. Pero ganito talaga ako eh. Hahahaha!

“Nako, nagtampo na ang beybi. Hoy, Ez! 'Wag ka ngang pa-baby! Naka-abot ka ng 18 eh ganyan pa din ugali mo! Walang pinagbago!” sagot naman ni Raidan! Wala na ba siyang ibang alam kundi ang asarin ako? MY GOLLY! Nakaka-istress!

“Che! Wala kang pakelam dun! Dun ka na nga! Kainis ka eh. Wala ka nanaman magawa. Hmph!” sabi ko habang tinutulak siya palayo.

“Ay nako, alam ko naman ang gusto mo. Sorry na. Ayan! Happy ka na?” sabi ni Rai habang kunwari luluhod pa. Napaka-OA talaga. Pero di ko din naman kayang magalit ng matagal sa mga ito. Sila lang kaya ang mga bestfriends ko.

“Oo na! Sige na! Napatawad na. HOOOOO! Brrrrr~ ang lamig talaga!” talagang malamig! Mag-e-11:30 na kaya ng gabi!

“Teka nga, Rai. Maghanap kaya tayo ng damit para kay Ez. Di naman yan pwede malamigan baka magkasakit, tayo pa kagalitan ni Tita at Tito. Dali! Samahan mo ko dun sa stalls.” Sabi ni Jem habang hinahatak si Rai.

“Oo na. Eto na ho, boss. Napaka-impatient!” sagot naman ni rai kay Jem habang nagpapahila dito papunta sa mga stalls.

Kay Jem lang naman sumusunod at tameme yang si Rai eh. Pano, elementary days pa lang yata namin gusto na niya yang si Jem. Eh siyempre, uhugin pa siya nun.. Di niya kayang sabihin kay Jem, ayun nakipag-kaibigan na lang samin. Bagay naman kasi sila. Ewan ko nga kung bakit di niya pa ligawan si Jem eh halata naman na gusto nila isa’t isa. Hay! Mga Lovebirds kong tanga. Tsk. Tsk.

“Oy, Ez! Jan ka lang ha! Wag kang gagalaw jan! 'Pag ikaw nawala jan lagot kami kay Tita! Chaka don’t talk to strangers ha, bra?” pagbibilin ni Jem. Akala naman nito 3 years old lang ako. Mag-18 na kaya ako! Heller!

“Oho, inay! Dito lang ako! Dalian niyo na! Sagad na sa buto ang lamig! Brrrrrr~” sigaw ko habang nag-wwave sa kanila.

Kahit naman gusto ko umalis ditto, di ko magagawa. Unang una, basa na ako. Magtutulo lang ako. Pangalawa, di naman ako bobo para maglakad pa. Ang lamig kaya! Brrrrr!~ Nangangatog na ang ngipin ko. Sobrang lamig na yata. Niyakap ko ang sarili ko para mejo uminit. SIYET! Malamig pa din. Ano ba gagawin ko? Sobrang lamig na. 'Niyemas naman oh. Bakit ang tagal nila? HUHUHUHU.

Ilang minutes na lang magbbirthday na ako. Basang basa pa ako ditto at mag-isa. Huhuhu! Bakit ba nangyari to ngayong araw na ‘to? Tsk! Kainis lang.

“ACHOOO!” Malakas na bahing ko. Niallamig na ata ako. Baka magkalagnat ako nito. DAYUM. Ang tagal nila Jem!

*patong*

Teka ano yun? Bakit parang may nakapatong sa mga balikat ko. Jacket? Sila Jem na ba ‘to?

“Oy.. Je..Ay..” nagulat ako sa nakita ko. Hindi siya si Jem o si Rai.

You Are My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon