Chapter Nine

77.8K 2.2K 314
                                    

Chapter Nine


"What happened?" Pakiramdam niya ay wala na siyang buhay habang kausap sa cellphone niya si Hexel, hindi niya alam kung saan-saan siya nagpunta basta gusto lang niyang makalimot, gusto niyang matapos na ang lahat. Suicide appears on her mind pero hindi pa siya ganoon Katanga para magpakamatay pero medyo gumagaan na ang pakiramdam niya. Naiinis siya sa mga nangyayari pero siguro iyon na talaga ang katapusan ng lahat she wants to be free. She wants to end everything but killing herself is not an option. Kaya nga tinawagan niya si Hexel gusto niya itong makausap.

"He knew Hex, he knew." Bulong niya tumigil na siya sa pag-iyak sapat na siguro ang lahat ng luhang sinayang niya sa nakalipas na mga tao, lahat ng tao ay may hangganan din at dumating na siya sa hangganan niya. Tao lang din siya napupuno din at punong-puno na siya.

"Sinabi mo?"

"Oo." Sagot niya. "Baliw ba ako na sinabi ko sa kanya iyon? nang mga oras na iyon gusto kong makaganti, gusto kong itigil na ang lahat kaya nasabi koi yon. Gusto ko kahit papaano ay maramdaman naman niyang masaktan hati kami sa sakit kaya koi yon sinabi sana pala hindi." Nanghihinang pahayag niya dito.

"Kung alam niya na Niq huwag ng malaman ng ibang girls okay? Sa ating dalawa nalang iyong ala-alang iyon ng nakaraan mo."

Gusto niyang humikbi sa sinabi nito, akala niya ay mapapatalsik na siya sa sorority noong mga panahon na iyon. Nabuntis siya at kung mali mang isipin na naging masaya siya noong nalaman niya iyon ay baliw na siya pero hindi kinaya ng katawan niya. Nagkalagnat siya dahil sa mahinang immune system niya, she called her mom, she called her sister and she called Cael for help pero wala ni isa na tumulong sa kanya and then she called Hexel, alam niyang mali pero dumating agad ito. Dinala siya nito sa hospital pero hindi nakayanan ng katawan niya ang sakit niya kaya nawala sa knaya ang kanyang dinadala. Akala niya ay susumbatan siya ng kaibigan niya at sasabihin nito na malandi siya but she didn't say that sa halip niyakap lang siya nito at hinayaan na umiyak hanggang sa malabas niya ang lahat ng lungkot sa puso niya. They kept it a secret from everyone kaya nga laking pasasalamat niya sa kaibigan niya dahil hindi nito sinabi ang sekretong iyon. She trust her other co-sisters pero nandoon pa rin ang takot na baka iba ang isipin ng mga ito sa kanya.

And the news that her sister is getting married and she is having a baby with him... ang sakit lang isipin na ang dali-dali ni Cael na itapon siya sa isang tabi para sa kapatid niya. And even if she wants her sister to be happy hindi na niya kaya ngayon, ayaw na niya. Hindi ito dapat sumaya dapat ay maging katulad na ito sa kanya, she wants her sister to feel what she felt. She wants her to be miserable too, she wants everyone who hurt her to feel her pain, mas sobra pa.

"Gusto ko ng umalis dito Hexel." Amin niya dito.

"Then go, you are free now Monique. Hindi ka naman kahit kailan nabilanggo hindi ba? Ikaw ang nagbilanggo sa sarili mo sa mga taong alam mong sinasaktan ka kaya ngayong gising ka na umalis ka, nasa iyo ang susi ayaw mo lang gamitin."

She chuckled at her words, tama naman kasi ito. It's kind a harsh words pero alam niyang totoo iyon kaya tatanggapin niya iyon dahil kay Hexel galing ang mga salitang iyon eh.

"Kailan ka aalis?"

"Sa lalong madaling panahon ayokong may maiwan pa ako dito I want to settle everything before I leave. And once I'm gone pwede bang ibahin mo ang pagkatao ko? Pwede bang ibang tao na lang ako ayoko ng maging ganito eh."

"Hindi iyan mahirap gawin, I'll be waiting for you Monique. Right now, stand up, held your head up dahil ng magsimula ka ng baguhin ang pananaw mo sa buhay ay naging ibang tao ka na. I will be waiting for you."

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Where stories live. Discover now