Chapter 55: She's a Fake

89 16 0
                                    

Napamulagat ako sa aking nakita. Libo-libu na yatang luha ang inilalabas ng mata ko. Nalulungkot ako at nagsisi para kay Dad. Kaya naman pala ganon kalaki ang galit niya kay Mom, kabit niya pala yun. Bakit? Akala ko, totoo siya sa amin.

Ang tanging iniisip ko na lang ngayon ay kung paano ko maililigtas si Brixx?

Sinubukan ko ulit siyang tawagan. At buti naman at sumagot siya.

" Hello Brixx?" Mahinang bulong ko.

" Jen, kamusta ka na?" Sabik niyang tanong.

" Hindi! Ikaw ang kamusta na?" Bakas sa boses ko ang pag-aalala.

" Mabuti naman. Ikaw ang inaalala ko. Kamusta ka?"

" Nandito ako sa secret headquarter ni Mom. Brixx, syndicate pala siya. At hindi ko alam kung anong lugar ito. Sumakay lang ako sa likod ng pick-up para sana makapunta sa inyo." Huminga ako ng malalim. Tiningnan kung may tao nagmamasid sa akin. " Brixx makinig kang maigi. Nandyan ka pa ba?
, nanganganib ang buhay mo. Sa ganap na..."

" Sorry, wrong number." Sabi ng lalaking malaki ang boses.

" Hey who are you?" Kinakabahan kong tanong. Pero binaba na niya yung tawag. Sinubukan ko uling i-dial pero hindi na uli niya sinagot.

Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong mapuntahan si Brixx.

Umalis ako sa pinagtataguan ko at lumabas ng gate nila. Pero laking hinayang ko na bukid na at hindi simentado ang daan.

Tiningnan ko ang aking relo. 4:30 pm na pala, parang kanina ay umaga lang.

Isang oras na akong naglalakad pero wala pa rin akong nakikitang mga sasakyan.

Ang sakit na ng paa at binti ko at gustong-gusto ko nang magpahinga ngunit kailangan ko talaga siyang iligtas.


"Peep Peep!" Malakas na busina ng pamilyar na kotse at nakasisilaw na ilaw nito ang bumulaga sa akin.

" Sakay na, Jen!" Nakadungaw sa bintana ng sasakyan na sabi ni Lyssia. Nag-aalinlangan pa akong sumakay kasi baka kakampi siya ni Mom.

" Huh! Bakit naman ako sasakay sa'yo?! Mamaya patayin mo pa ako." Sigaw ko sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

" Nasa danger na si Brixx pero yan pa rin ang iniisip mo! Yung mga faults ko pa rin!"

Napalingon ako dahil sa sinabi niya pero namali ako ng tapak. May bato pala kaya nadapa ako. Lumabas ng kotse si Lyssia at tinulungan niya akong makatayo.

" Hay, come here. Nadapa ka pa tuloy. Kung sumakay ka na kasi." Sermon niya sa akin, na parang ang lapit lapit namin sa isa't isa.

Ipinasok niya ako sa loob ng walang kahiraphirap.

" You okay?" Nag-alala niyang tanong at pinaandar na ang kotse.

" Wala naman akong sugat kaya okay lang ako." Kahit ang totoo niya ang sakit ng tuhod ko "Pero paano mo nalaman na nasa panganib si Brixx? May kinalaman ka ba, ha?"

" Sinundan ko si Mom and I heard what you heard, too. Jen may mga secrets yang si Mom na kailangan nating malaman at kailangan niyang makulong. Jen, okay lang ba talaga tuhod mo?"

I Hate My Hired Boyfriend (Completed & Editing)Where stories live. Discover now