Chapter 22: Bati Na Tayo

100 16 0
                                    

Brix' POV

Pinagtanggol ko man si Jen pero hindi ko pa rin siya pinapansin. At bakit ko naman siya papansinin?

" Salamat pala." Sambit niya. Hindi pa rin ako kumikibo.

Salamat at dumating na rin ang teacher namin. Hindi na rin niya ako maiistorbo pa.

Lunchbreak na pala, may posibilidad na kausapin na naman niya ako.

Nilapitan niya ako at tulad ng ginawa niya kahapon ay niyakap niya ako muli.

" Sorry, alam ko naman na nasaktan kita sa sinabi ko pero hindi ako nakapagpaumanhin. Sorry talaga, iba naman kasi ang ibig kong sabihin, hindi ako kasama sa mga die-hard fans mo kasi ako ang girlfriend mo." Paliwanag niya.

" Huh? Hindi naman yun ang ikinagagalit ko, napakababaw ko naman kung iyon lang. Ayoko lang nakikitang nakikipag-away ka. Ayokong nakikitang nasasaktan ka, kahit na ipinakikita mo na malakas ka." Litanya ko.

" So bati na tayo?" Tanong niya pa.

" Yeah!" Masayang sagot ko.

" Tara na. Nagugutom na ako." Yaya niya sa akin.

~~

" Hindi ka naman niyan gutom?" Tanong ko kay Jen na kanina pa lumalamon este kumakain.

" Hindi ba halata. Dahil sa'yo, hindi ako nakapagrecess." Sumbat niya.

" Ako pa ang sinisi mo? Katawan mo naman yan, bakit ako ba ang nagkokontrol ng katawan mo?"

" Nakakainis ka kasi hindi mo ako pinapansin magmula kahapon. Nakalimutan ko na tuloy magrecess." Sumbat niya pa.

" Huy! Bati na kayo?"

" Hindi ba halata?" Sabay naming tanong ni Jen.

" Oo kasi nag-aaway kayo. " Biglang singit ni Marcos at basta na lang sila umupo sa mesa namin.

" Maghanap nga kayo ng ibang mesa. Para sa aming dalawa lang ito." Utos ko.

" Hindi naman kami mang-iistorbo." Pag-salungat ni Lyndon "Di ba Marcos?"

" Ikaw lang kaya. Nanahimik ako dito." Sambit ni Marcos.

" Anong mananahimik? Ang ingay ingay mo kaya." Pang-aasar ni Lyndon.

" Loko ka ba? Hindi ako nag-iingay." Galit na sabi ni Marcos.

" Eh bakit nag-iingay ka ngayon?" Sarkastikong tanong ni Lyndon habang kaming dalawa dito ay tahimik lang na nanonood sa kanilang dalawa.

" Manahimik ka. Ikaw ang maingay! Maghanap ka na nga lang ng chicks." Singhal ni Marcos.

" Hoy ikaw ang maghanap. Hindi ko na kailangan maghanap dahil chicks na mismo ang lumalapit sa akin. Eh ikaw dakilang snobber ka." - Lyndon.

"Buti alam mo." - Singhal ni Marcos at nagsimula nang mag snob. Naglagay na siya ng headset kuno niya.

Nagkatinginan kami ni Jen. " Hindi pala mang-iistorbo ha?" Sabay naming sabi.

" Sorry ah. Alis muna ako, napagod ako makipag-sagutan kay Marcos. Iba pala siya kapag nakikipagsagutan." Pagkasabi ni Lyndon noon ay umalis na siya. Lumapit lang naman siya sa chicks.

At si Marcos, lumipat ng ibang mesa dahil nandoon pala si Lurisse. Nililigawan niya yata.

" Wala ng mga asungot." Nakangiti kong sabi.

" So?"

" Tara ditch tayo." Pagyaya ko sa kanya.

" Hindi pwede." Sagot ni Jen.

I Hate My Hired Boyfriend (Completed & Editing)Where stories live. Discover now