Simula

125K 949 31
                                    

Simula

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang madilim na paligid. Kinilos ko ang kamay ko pero hindi ko maigalaw dahil sa pagkakagapos nito.

Napatiim bagang ako sa sobrang inis. Langya! Malilintikan talaga sa akin ang mga lokong kumuha sa akin, manghihiram sila ng mukha sa aso!

Luminga ako sa paligid ko. Napailing ako ng mapagtanto ko kung nasaan ako.

Isa ito sa abandonadong building, I keep wondering kung bakit sa tuwing mangingidnap sila laging sa abandonadong building nila dinadala hindi pwedeng maghanap naman sila ng magandang lugar yung magiging komportable yung kukunin nila kasi in the first place dahil sayo magkakapera sila atleast tratuhin ka man lang nila ng maayos di ba? Pero bakit? Bakit?

And why the hell am I even blabbing? Sh*t here I' am again.

I mentally shake my head. Get back to your senses, you stupid!

Mag-isip ka kung paano ka makakatakas mula sa pagkakagapos mo and not something scray! Sita ko sa sarili ko.

Naagaw ang atensyon ko dahil sa liwanag na nanggaling sa nagbukas na pinto. Naaninagan kong may pumasok na tatlong lalaki.

"Pre malapit na daw dumating si Amo." Pinipilit kong aninagan ang mga mukha nila pero dahil sa liwanag hindi ko sila mamukhaan.

"Good. Tingnan mo na yung babae at siguraduhin mong maayos siyang makikita ni Amo kung hindi malilintikan tayo."

"Tom isara mo nga yung pinto ang sakit sa mata hindi kami makapagconcentrate sa paglalaro dito!"

Binalik ko ang atensyon sa pagtatanggal ng tali sa kamay ko. Napakahigpit naman ng pagkakatali nito. Iyong totoo may galit ba siya sa pagbuhol? Halos ayaw ng makalas. Ramdam ko na ang pananakit ng magkabilang palapulsuhan ko, panigurado namumula na ito ngayon or worst may marka na ng pagkakagapos. Malilintikan ako kay Kuya nito.

Inilibot ko ang mata ko, counting how many goons are in here. Limang katao ang nagkukumpulan sa naglalaro ng baraha, may isang bantay sa pintuan, mayroong dalawang lalakeng naninigarilyo sa left side ko.

Isa ang nakaupo sa di kalayuan at itong lalakeng palapit sa akin ngayon, idagdag mo pa ang sinasabing boss nila. Kung tama ang tansya ko sampu silang lahat kung walang ibang kasama ang pinuno nila.

Tsk. Kakayanin.

"Hi, beautiful gising ka na pala?"

Ay hindi tulog ako kaya nga nakadilat. Sarap ding bigwasan ng lokong ito. Labas pa ang ngipin niyang nangingitim na. Kadiri!!

"Tss. Kulang ang salitang maganda para sa isang katulad ko." pagtatama ko, kahit hindi naman talaga ako masyadong conscious sa sarili ko.

Ngumisi pa siya na lalong nagpacreepy sa mukha niya'ng nakakatakot pa kay Chaka Doll.

Potek ang sarap sapakin! Nakakapanggigil!!!!

"Alam ko iyon Miss. Ang totoo kanina pa nga kami nagpipigil."

Gusto kong ipakilala sa kanya ang sipilyo baka kasi di pa niya namimeet ang baho ng hininga niya nakakamatay!

"Bakit kailangan nyo pang magpigil? You can have me." mapang-akit kong sabi sa kanya.

Ngayon palang parang gusto ko ng masuka sa sinabi ko. Promise magtotoothbrush talaga ako pagdating ko sa bahay magmumumog pa ako ng tawas.

Kinilig pa yata ang loko.

"Later gorgeous, darating din tayo dyan kapag nasintensyahan ka na." inismiran ko lang siya.

Nagpapasalamat ako at umalis na siya, hirap na hirap kaya akong pigilan ang paghinga sa tuwing ibubuka niya ang bibig niya talo pa imburnal nakakamatay!!

The Gangster's Princess (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon