Chapter 1.1

940 21 5
                                    

CHAPTER 1

 Louise POV

“Louise tignan mo ‘to oh bagay ba sa akin?” tanong ni Kylie sakin.

“Hmmm kahit ano naman bagay sayo eh..” Sagot ko sa kanya.

“Tsk puro yan na lang ang sagot mo sakin kanina pa ah pero tama ka naman bagay naman sakin lahat yon so kunin ko na to ha?”

“Closet ko yan hindi mall pati pede kang manghiram pero wag mo naming hingiin baka maubos damit ko sayo.”

“Nako nag pms ka nanaman ata dyan ang taray mo ngayon.”

“May problema lang yan sa love life bakit kasi ayaw mo pang aminin kay Chad na may gusto ka sa kanya hindi yung ganyan na nagmumukmok ka dyan.” Sabi ni Kaori. Kakambal sya ni Kylie magkamukha sila ni Kylie though opposite ang ugali nila kung si Kaori and matatawag kong angel ko si Kylie naman ang devil sa buhay ko.

Hindi pa nga pala ako nagpapakilala, ako si Madeleine Louise Rhodes, Louise ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Currently na napasok ako at saka tong dalawang kambal ngayon sa isang prestigious school na Campbell Academy. Sikat ang school na yon for producing the top professionals sa buong mundo. Maraming campus ang Campbell Academy at isa na dun ang campus dito sa Philippines. Yung main campus naman ay nasa US and ang alam ko dun galling si Chad. Ioner Chad Miller yan ang buo nyang pangalan. Napakagwapo nun at super talino pa, hindi nga lang naming alam kung bakit sya lumipat galling sa US campus papunta dito. May sarili din syang fan club dahil sa kagwapohan nya at inis din sya dun sa mga kasali sa fan club na yon. Well hindi ko naman sya masisisi kasi masyadong clingy talaga yung mga babaeng yon sa kanya. Inaamin ko na may gusto ako sa kanya pero parang langit at lupa lang kami sya kasi gwapo, matalino at mayaman pa since second son sya ng sikat na Miller family at ako naman average lang, then matalino nga ako pero scholar lang ako sa school na yon. Hay pano naman ako makakapagtapat sa kanya ng ganon?

“Tama si Kaori, Louise sabihin mo na kasi kay Chad yang nararamdaman mo o kaya kung hindi mo kaya yayain mo syang makipagdate sayo.” Sabi ni Kylie.

“Ayoko nga baka masira lang ang friendship naming pag nagtapat ako sakanya pati okay na ko sa ganito at least nakakausap ko sya at madalas ko syang kasama.” Sabi ko sa kanila.

“Manhid ka ba talaga Louise?! Hindi mo pa rin ba gets na may gusto sayo si Chad at kung wala mang gusto then interested sya sayo. Hindi mo ba nahalata na ikaw lang ang tanging babae na kilala nya dito na kinakausap nya? Also ikaw lang ang tanging babae na nakakita sa kanya na ngumiti and ikaw lang din ang tanging nilalapitan nya na babae. Hindi pa ba sapat na proof yon na interested sya sayo?!” Sabi ni Kylie pero may point nga sya. Feelingera na ko kung sa feelingera pero tama nga si Kylie sa lahat ng girls na kakilala nya sa school naming ako lang ang malapit sa kanya. Totoo nga kaya na may gusto din sya sakin? Kyaa! Kinikilig naman ako! >-<

“Tama si Kylie, Louise pero para maiba naman ang usapan gusto nyo punta tayo sa mall para mag unwind muna?”  Tanong ni Kaori.

“Sige tara pati parang gusto kong kumain sa DQ hehehehehe….” Reply naman ni Kylie.

Pumunta na kami sa mall at sumakay kami sa kotse nung kambal.

Our Cruel Fairytale StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon