Chapter 14 : Fruit Ninja

253 10 1
                                    

Queeny's POV

Ang ganda naman nitong babae. Sino kaya ito? Bubuksan ko na sana yung folder na 'Heidi Ocampo'.

"Hoy babae! Anong ginagawa mo dyan!?" Muntik ng malaglag yung mouse na hawak ko sa gulat.

Pinindot ko kaagad yung Google Chrome Browser.

"Obvious ba?! Edi nagreresearch! " Asan na nga ako sa binabasa kong article.

"Siguraduhin mo lang ha!" Sigawan ba naman ako.

"Oo~!" 

Habang nag-eencode ako , iniisip ko pa din yung pangalan na nakita ko, at saka yung picture. 

"Heidi?" Malumay na bigkas ko. Mukha ngang pamilyar. Saan ko nga yun narinig?

Pagkatapos ko nga nung research namin, nagpaalam na ako kay Dereck saka doon sa Nuno na kapatid niya. Tss. Siya na lang daw ang magdadala bukas nung research namin. Siguraduhin niya lang huh.

(Kinabukasan)

"Please pass your research then." Napatingin ako kay Dereck.

And I mouthed 'Asan na?' 

Napakunot naman siya ng noo. Napasabunot naman kaagad ako ng buhok. Sabi ko na nga ba.

Unti-unting nagugusot ang hawak kong papel. 

"Ms. Palibre and Mr. Pneomy..." 

Gudness! Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Urggh! Ka--

"Good Work! Kayo ang may pinaka-interesting na topic." 

Eh?

Nakita ko si Dereck na nakangiti ng nakakaloko.

Ampness!

*****

"Hoy! pahiramin mo naman ako nyan!" Sigaw ko kay Dereck habang naglalaro ng Fruit Ninja sa tablet niya. Nakaka-inggit lang ba.

"Wag kang maingay, pag-tayo narinig ni Mam. Bahala ka. Kapag maaout na lang ako." 

Habang busy siya sa kaka-slice ng mga prutas.

Ang baba naman ng score. 256 

"Oh, ikaw na." Sabay abot saakin. Wala kaming pakiaalam kay Mam. Hihihi

Dereck's POV

Binigay ko na nga Queeny, saka nakinig kay Mam. 

(After 10 minutes)

Napatingin ako sa score niya. 

"One Thousand Two-Hundred two?!" Napasigaw ako sa sobrang gulat.

"MR. PNEOMY! LABAS!" 

Queen of FREEbies [Minsul♥]Where stories live. Discover now