Chapter 2 : Heaven Choi

366 14 1
                                    

Queeny's POV

Habang nag leleksyon si Sir Fuentes ako naman nakatingin lang kay Baby Heaven ko. Hihihi.

Ang gwapo niya talaga kahit sang angulo.

Kyaah!

"Ah, class. May bago pala kayong classmate. Pasok ka."

Napatingin ako sa unahan ng bigla si Sir may inanounce.

Classmate? Sa kalagitnaan ng pasukan? Transferee?

Kung sino man yan, siguro na kick-out yan kaya dito napunta. Tss.

"Kyaaah! Si Dereck! " 

"Ang Gwapo niya!"

Biglang nag sigawan ang mga babae sa loob ng classroom, kaya napatakip naman ako ng tenga.

Ang ingay!

"Umupo kana sa tabi ni Ms. Palibre."

Haha. Kung sino man ang katabi nyan sigurado ako---

Teka!!?

Ms. Palibre?

Tinangal ko ang takip sa tenga ko at napatayo.

"Sino yang Dereck na yan?!" Sigaw ko sakanila na ikinatigik ng mga kaklase ko.

Ayaw kong may katabi akong lalaki! Ever!

"Any problem miss?" May isang nilalang sa harap ko.

O__________o?

Bakit ganyan ang itsura mo? 

Ang gwapo.

*Droll.

"Miss, paki sara ang bibig mo. Alam ko naman na gwapo ako. Kaya no need to droll. " Mayabang niyang sabi saakin.

"Ay--!!"  

"Queeny, Stop this nonsense. Siya na ang seat mate mo. Umupo kana."

Napatingin ako kay Heaven, parang iba ang pinta ng mukha niya .

Napatingin ako sa hambog na ito, nakangisi lang siya.

Urghhh! Peeeeeelingero!

Gwapo daw?! 

Binabawi ko na ang sinabi ko. Peste!

Hindi ko na lang siya pinansin at gumawa na lang ng activity ni Sir.

"Psst.!"

Hindi ako hayop para sit-sitan may sarili akong pangalan.

"Oi, babae!"

Ininda ko na yun dahil alam kong si Hambog yun.

Natapos na nga ako sa pag solve ng mga problem.

Kaya ginawa ko yung doodle para kay Heaven. Yiiieeee .

"Hindi mo ba ako kakausapin ha?"

Drawing pa din ako ng drawing.

Heave---

*Plaaakkk!

"Araay! Sino nagtapon ng Bag saakin?!"

Ang sakit. 

Napatingin ako sa doodle ko.

Waaaah! ANG PANGET NA! ANG DAMI NG INK NA KUMALAT!

"Pfft-!"  

Narinig kong nagpipigil ng tawa si Dereck .

Aba! Aba! Ng dahil sayo nasira ang doodle ko para kay baby heaven ko.

Humanda ka ngayon saakin.

"Tignan mo! Tignan mo ang ginawa mo sa doodle ko!"

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa drawing ko at parang may binabasa.

O_____o

"Hahaha. Si Heaven? Si Heaven Choi? Cru---!"

"Waaaah! Wag mong sabihin!"

Dinamba ko siya kaya napahiga kami.

Nagkagulo naman ang klase dahil saaming dalawa .

Nasa labas yung teacher namin kaya kaming mag kaklasi lang ang nandito.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Evince , isa siya sa mga Bff ko.

"Si- Ummmppp! Queeny---!!"

"Waaah! Wala wala!"

Tinakpan ko ng tinakpan ang bibig ni dereck.

"Ano?" Naguguluhang tanong ni Evince .

"May---! Gusto--! Ummmp! Ummmmmhp! en-!"

Hay salamat at hindi nasabi ni Dereck yung pangalan ni Heaven.

Napatingin ako kay Evince na nanlaki ang mata.

Ano problema nito?

"Ano?! May gusto sayo si Queeny?!"

O_________o

Queen of FREEbies [Minsul♥]Where stories live. Discover now