Hit 3 ~Relationship

9K 102 22
                                    

Nagdesisyon si Mia na huwag na munang isipin si Mark Brian. Ibubuhos na lang niya lahat sa pag-aaral, pero siyempre hindi ibig sabihin noon ay kalilimutan na niya ang lalaki. Ito pa rin ang boyfriend niya kaya hihintayin niya ito.
Panghahawakan niya ang pangako nito na hindi siya iiwan.

Pumasok nang maaga si Mia sa school para makadaan sa library. Sa tingin niya kasi ay ito ang kailangan niya para tumalino naman siya. Baka sakaling matulad pa siya kay Cashmere na kahit laging nakatingin sa bintana ay mataas pa rin ang score na nakukuha sa mga exam.

"World literature."

Iyon ang libro na hinahanap ni Mia.
Mabilis naman niya itong nakita. Ang problema, hindi siya katangkaran kaya hindi niya masyadong maabot.

Tumingkayad siya.

Habang inaabot niya ang libro, may nasilip siyang babae.

Pamilyar ito sa kanya.
Sinilip niya nang mabuti kaya naalala niya kung sino.
Si Monica May Reyes o mas kilala sa pangalang Monique.

Para siyang si Aphrodite. Ang ganda ganda niya, puna ni Mia.

Second Year na si Monique at walang estudyante sa Yama Academy na hindi nakakakilala rito dahil ang dalaga ay image model ng Seo Cosmetic. Sa katunayan, kilala rin ito sa labas ng Tama.

Napansin ni Mia na meron itong kasama. Meron itong ka-holding hands.
Hindi nga lang niya makita kung sino dahil natatakpan ng book shelf, pero balita na sa buong school na si Monique ay girlfriend ng anak ng may-ari ng Seo Cosmetic na si Jin Seo kaya sa tingin ni Mia ay ang lalaki ang kasama nito.

Kung siya ang tatanungin masasabi niya na bagay ang dalawa dahil parehas silang maganda at gwapo.

Perfect couple ika nga.

Tumuon na uli si Mia sa libro na kukunin niya. Nahawakan na niya ito nang bigla niyang makita ang lalaki na may hawak sa kamay ni Monique.

Hindi siya si Jin Seo!
Hindi si Jin ang kasama ni Monique kundi iyong isang miyembro ni Yano na si Ivan Delamare.
Noong isang araw ay nakita niya ito na blonde ang buhok, pero ngayon ay kulay violet na.

Inilapit ni Ivan ang mukha kay Monique. Ilang saglit pa ay magkalapat na ang kanilang mga labi.

"Ah!" Agad tinakpan ni Mia ang kanyang bibig. Muntik na kasi siyang mapasigaw.
Ano ba ito?
First time niyang makakita ng live kissing scene.
Ganito pala ang feeling.
Nakakatuliro.

Dahan-dahang lumakad si Mia.
Mia 'wag kang maingay. 'Wag kang gagawa ng ingay, instruct niya sa kanyang sarili.

Nang makalayo ay saka niya binilisan ang lakad. Nakalimutan na niya ang tungkol sa libro ng World Literature.

Sa pagmamadali ay bigla siyang may nabangga.

"Ah! Sorry po!" sabi niya agad. "Sorry!" Yumuko pa siya bilang tanda ng paghingi ng pasensiya.

"Okay lang. Hindi naman ako nasaktan, " sabi nito.

Ngumiti si Mia bago tumingin sa kanyang nabangga.

Napaawang siya ng labi nang makilala ito.
Si Rina Sawajiri, ang nag-iisang babae sa grupo ni Yano.
Kilala ito sa buong school bilang pinakamaganda.

At tama nga.
Napakaganda nito.

Para itong anghel. Napakaamo ng mukha at makintab din ng buhok.
Para tuloy nagreklamo ang buhok ni Mia at biglang nag-request ng conditioner.

"Ikaw iyong nagdala ng apple candy kay Yano, di ba?" Bigla nitong sabi.

Napakunot ng noo si Mia. "Apple candy?"

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon