Hit 2 ~Popular Group

9.3K 122 26
                                    

Paano ito nagawa sa akin ni Chen Yin?
Namumutla na si Mia. Nakalimutan ata niya na taga Village III ako at ayaw sa amin ni Yano. Sa ginawa niyang ito parang sinabi na rin niya na pumunta ako sa lion's den! reklamo ni Mia sa kanyang isipan.

"Hindi! Ayoko!"

Nagdesiyon siya na iwan na lang sa gilid ng hallway ang paper bag. Hindi niya ito dadalhin kay Yano. Hindi naman kasi ganoon kalakas ang loob niya para harapin ang lalaki. Siyempre, dahil alam niya na may posibilidad na mapahamak siya tulad noong lalaki kanina.
Aalis na si Mia nang muling mapasulyap sa paper bag.
Paano pala kung importante ang laman nito?
Ano ba naman iyan!
Binalikan niya ang paper bag. Nagpasya siya na dalhin na ito sa lion's den. Ibig niyang sabihin ay sa silid ng grupo ni Yano.

Ganoon sa school nila.
Bawat miyembro ng Twelve Groups ay may kanya-kanyang espesyal na silid.
Hindi pa nakapunta roon si Mia kahit kailan kaya talagang kinakabahan siya.
Paano na lang kung manganib ang kanyang buhay? Si Chen Yin ang dapat sisihin.

"Okey Mia... Kalma lang. Walang mangyayaring masama." Para siyang baliw. Kinakausap ang sarili habang naglalakad sa hagdan.
Nang malapit na siya ay bigla siyang napakapit sa kanyang didib. Bigla kasing bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Kung anu-ano na ring mga ideya ang pumasok sa kanyang isipan.

Paano kung mainis si Yano dahil isang taga Village III ang nagdala sa kanya ng paper bag? Baka buhusan din siya nito ng tubig. Posible rin na itali siya nito sa puno na maraming langgam o kaya naman ay pakukuluan siya sa malaking kawan.

"Teka... Ano ba itong iniisip ko!" Umiling si Mia. Dapat siguro ay hindi na siya mag-isip dahil lalo lang siyang kinakabahan.

Hanggang sa marating na nga niya ang silid ng grupo ni Yano.

Agad siyang napalunok. Tutuloy pa ba siya?
Naisip niyang umatras.Tumalikod na siya, pero ngayon pa ba siya aatras? Nandito na siya. Muli siyang humarap sa pinto.

Okay, sige. Huminga siya nang malalim bago kumatok.

"Pasok!" Magandang boses ng babae ang tumugon.

Muling kinabahan si Mia, pero hindi na lang niya pinansin. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto.

Pagbukas niya ay bigla siyang nakakita ng liwanag. Hindi naman literal na liwanag. Mistulan lang liwanag dahil tila kumikinang ang bawat miyembro ng grupo ni Yano.

Binubuo ng apat ang grupo ni Yano, pero lima sila ngayon sa silid dahil kasama nila ang kasintahan ng isa.

Bakit sila kumikinang? tanong ni Mia sa isip. Ah, siguro dahil sa silid nila, naisip ni Mia. Tiningnan niya ang silid.

Malawak ito at maganda ang mga dekorasyon. Ang kurtina, mga vase, mga chandelier at carpet. Lahat ay halatang mamahalin. May dalawang pinto rin ang silid na kumukonekta sa comfort room at dojo. Sa gitna nakapuwesto ang center table at sa paligid nito naroon ang mga sofa.

Sa sofa na nasa kanan nakaupo ang magandang si Rina Sawajiri. Ito ang nag-iisang babaeng kamiyembro ni Yano. May hawak itong baso ng shake.

Sa mahabang upuan naman nakaupo ang long hair na si Jin Seo kasama ang kasintahang si Monique at ang blonde na si Ivan Delamare. Parehong may hawak na shake sina Monique at Ivan habang si Jin ay libro ang kapit.
Sa kanilang lahat, si Monique lamang ang bukod tanging kulay blue ang coat. Ang iba ay kulay white na.
Sa sofa na nasa kaliwa nakaupo si Yano. Tulad ng dati ay mukha na naman itong seryoso.

"Anong kailangan mo?" bigla nitong tanong.

"Ahh..." Muling bumilis ang tibok ng puso ni Mia. Ito na... Ito na si Yano! Paano ko siya sasagutin?

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon