Hit 1 ~The Future Boss

10K 110 23
                                    

Nakasakay si Mia Vergara sa taxi na minamaneho ng kanyang tatay. Ihahatid siya nito sa paaralan.
Habang nasa sasakyan ay tinitingnan ng dalaga ang kanyang cellphone. Umaasa kasi siya na may mababasang text message galing sa kanyang boyfriend, pero wala.
Simula talaga nang magkatrabaho ito ay naging sobrang busy na. Madalang na itong tumawag o mag-text.
Bakas tuloy ngayon sa maamong mukha ni Mia ang lungkot.

Brian. Miss na kita, text ni Mia sa kanyang boyfriend.

"Mia, anak, nandito na tayo," sabi ng kanyang tatay.

Dito lang namalayan ni Mia na nasa tapat na pala sila ng Yama Academy, ang ekslusibong paaralan ng mga bahagi ng Yamato Clan.

"Salamat po sa paghatid, tay. Papasok na po ako," sabi ni Mia. Bumaba na siya ng sasakyan.

"Mag-iingat ka anak," bilin ng kanyang ama.

"Opo." Pumasok na nga si Mia.

Sa paaralan nila, ang uniform ng mga babae ay puting blusa na may kulay itim na ribbon sa gitna. Checkered black ang palda at merong coat na may logo ng kanilang paaralan.
Nakadepende sa Village na tinitirahan ng mga estudyante ang kulay ng coat.
Red kung taga Village III. Blue kung taga Village II at White kung taga Village I.
Taga Village III si Mia kaya kulay pula ang suot niyang coat.

Nasa may hallway na siya nang may makita siyang lalaki na basang basa ang damit. Puting polo with black necktie and coat at checkered black na pantalon ang uniform ng mga lalaki. Tulad sa mga babae ay naaayon din sa kinabibilangang village ang kulay ng coat nila.
Kulay pula ang coat ng lalaki. Ibig sabihin ay katulad ito ni Mia na mula sa Village III.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Mia sa lalaki, pero hindi ito kumibo. Tumingin lang ito sa kanya pagkatapos ay umalis na. "Sandali!" habol pa ni Mia.

"Sa tingin ko nabiktima siya ni Yano," biglang lumitaw sa likod ni Mia si Cashmere Dela Vega.

"Cashmere!" ani Mia nang makita ang kanyang kaklase at kaibigan.
Mayroon itong magandang mukha, maputing balat at singkit na nga mata. Maiksi rin ang buhok nito at kulay blue ang suot na coat.
"Ano iyong sinabi mo, Cashmere? Sinong nangbiktima sa kanya?"

"Si Yano."

"Si Yano? Ang Future Boss? Pero bakit?"

Walang naging tugon si Cashmere.

"Alam ko kung bakit."
Isang estudyanteng babae na naka-blue rin ang napadaan. Ito ang sumagot sa tanong ni Mia.

"Kanina sa Cafeteria II, wala siyang tigil ng kakukuwento kaya nainis si Yano at binuhusan siya ng tubig.

"Iyon lang ang dahilan niya?" Napailing si Mia.
Pero ano pa nga ba ang aasahan niya sa anak ng kanilang boss. Kabilang din ito sa Twelve Groups kaya kung umasta ay parang hari.

Ang Twelve Groups na tinutukoy ni Mia ay grupo ng mga estudyante na mahusay sa Japanese Martial Arts. Sa school nila Twelve Groups ang priority.

"Hindi talaga gusto ni Yano ang mga taga Village III kaya karamihan sa kanila hindi pumupunta sa Cafeteria II para hindi mapag-initan. Kapag kasi bad trip si Yano, sa mga taga Village III niya ibinubunton," paliwanag pa ng napadaang babae. "Sa totoo lang masuwerte pa nga iyong lalaki dahil hindi siya sinaktan ni Yano," pagpapatuloy nito sabay titig kay Mia. "Ikaw... naka-red ka. Ibig sabihin taga Village III ka. Mukhang kailangn mo rin mag-ingat."

"Hoy pangit! Huwag mo ngang tinatakot ang kaibigan ko!" biglang singit ni Cashmere.

Nagpanting ang tainga ng babae. "Anong sinabi mo? Sinong pangit ang tinutukoy mo!"

"Ikaw iyon. Ikaw lang naman ang kausap ko di ba?" pagtataray ni Cashmere.

Napailing ang babae. "At nagsalita ang maganda!"

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon