Three

54.1K 1.1K 32
                                    

Three

Hindi ko alam kung ano ang naapakan ko noong araw na iyon at bakit sobrang sakit at malaki ang cut ng paa ko. Mabuti nalang at weekend na kaya hindi ako maaabala nito. Ang kaso ko lang ay nakakaabala na ito ng iba.

"Duke uwi ka muna! Hinahanap ka na siguro ni Tita Kiella," umiling iling siya. Kahit kailan ang kulit kulit niya.

"I texted Mom," sabi ni Duke habang ginagamot ang paa ko. Nakaupo ako sa bed habang siya naman ay nakaupo sa sahig. Pinanindigan na naman niya ang pagiging nurse ko.

"Tapos na ba?" tumango siya at tumayo para maghugas. Tumayo din ako at paunti unting humakbang papunta sa shelf ng books ko pero hindi pa man ako nakakalapit ay may humawak na sa bewang ko para alalayan ako.

Hinayaan ko nalang siya kahit kanina niya pa ako pinagsasabihan. Ginagawa naman kasi niya akong baldado e kaya ko namang gumalaw. Kinuha ko ang Hold on tight ni Abby Gines.

"Magbabasa ka na naman? Ayaw mo ba lumabas? Hindi ka na naaarawan," ngumuso ako. Kung makakapaglakad lang sana ako ng maayos 'di kanina pa ako lumabas pero hindi e.

Tinignan ko ang paa ko at bumuntong hininga. Tiningala ko siya pero sa paa ko siya nakatingin.

"I can always carry you if you want..."

"Hindi naman pwede na buhatin mo ako parati. Mapapagod ka rin," umikot ako para bumalik sa bed pero bigla akong umangat. Nanlaki ang mata ko. He laughed hard nang makita niya ang pagkagulat ko. Pinalo ko ang balikat niya pero lalo lang siyang tumawa.

Nagiging light ang kulay nang mga mata niya tuwing masaya siya. Hindi naman ako magtataka kung marami ang babaeng nagkakagusto sa kaniya. Ngumuso ako at kumapit nalang sa T shirt niya. Lumabas na kasi kami ng kwarto ko.

Nagulat lang ako ng lumabas pa kami ng bahay at ipasok niya ako sa kotse niya.

"Duke! Wala akong dalang wallet at phone! Nakapang-bahay lang ako at hindi pa nga ako nakakapag-suklay!" sabi ko ng umikot siya sa driver's seat.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. I'm wearing his shirt and a shorts! Hindi naman sana masama kung wala lang ang malaking tatak ng Dela Marcel sa T shirt. Bakit ko ba kasi naisipan na isuot ang shirt na ito?

"Maganda ka sa mata ko. Hindi mo na kailangan magpaganda sa iba," binato ko sa kaniya ang unang bagay na nahagip ng kamay ko at inirapan.

Wala pa nga akong suot sa paa. Pinaandar niya ang sasakyan na parang hindi niya narinig ang mga hinaing ko. Inirapan ko siya at nagkibit-balikat.

"Here. Gamitin mo ang cellphone ko kung gusto mo," tinitigan ko iyon at lalong sumimangot. Anong gagawin ko diyan?

Bumuntong hininga siya. Itinuon ko nalang ang pansin sa daan. Ayoko siyang tanungin kasi naiinis ako sa kaniya. Papayag naman kasi akong lumabas basta sabihin niya. Wala tuloy akong kadala-dala.

"Hindi mo naman kasi kailangan magpaganda sa pupuntahan natin. Kung gusto mo parin magpalit o ano, ibabalik ko nalang," nilingon ko siya. Lumilingon ito sa likod at sa harap. Tinitignan ata kung may susunod na sasakyan.

"Huwag na! Nandito na tayo, e" sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Ito ang wallet ko at phone. Iyan nalang gamitin mo," sabi niya at nilagay sa hita ko ang mga iyon. Tinignan ko iyon at hinawakan nalang. Hindi naman kasi ngayon lang nangyari na pinahawak niya sa akin ang mga ito. Kapag magkasama kami o kapag may gagawin siya na hindi niya ito magagamit, iniiwanan niya sa akin.

Binuksan ko nalang ang phone niya. I know everything about Duke Xyrus. Lahat ng passwords niya binibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Kung may hindi man ako alam, iyon ang mga bagay na hindi ko dapat malaman.

Marami siyang text messages. Panigurado ang mga admirers na naman niya ang mga ito dahil puro unknown number. Pamilya nga lang ata niya at mga kaibigan ang naka-save sa phone niya. Iniscroll ko pababa ang message niya. May mga texts ni Kuya Dae, Kuya Kian, Kuya Cray at Kuya Xian sa phone niya. Hindi niya ba ito nakita? O hindi na naman niya binasa?

Binuksan ko ang message ni Kuya Dae.

Kuya Daelan

Where are you Duke? Nakalimutan mo ba ang game natin ngayon?

Recieve 12:56 pm

Duke! Pupunta ka ba o hindi! Kulang kami dito!

Recieve 1:15 pm

Magsisimula na ang Game!

Recieve 2:25 pm

"May game kayo ngayon?" Tanong ko. Tumango siya at nilingon ako. Alam niya pala bakit hindi siya pumunta?

"Yup. It isn't important" kinamot ko ang batok ko at binuksan ang messages na galing kay Kuya Kian.

Kuya Kian

WHERE THE H*LL ARE YOU DUKE FAJARDO! WE'RE LOOSING THE GAME!

Recieve 2:45

"Duke bakit kasi hindi ka pumunta! Galit na ang mga pinsan mo!" Umiwas siya ng tingin.

"It's not important, Sophia. Kaya nila iyon" sagot niya.

"Natatalo daw sila sabi ni Kuya Kian!" giit ko parin. Alam kong dahil na naman sa akin kaya hindi siya pumunta. Nakakahiya sa mga Kuya niya. Kapag natalo ang mga iyon makukonsensiya talaga ako. Ayaw na ayaw kasi ng mga iyon ang natatalo. Ika nga nila 'I am a Dela Marcel and I will get whatever I wanted'. Mababa ang temper nilang magpipinsan ngunit mas mababa pa ang temper ni Duke.

"Stop it, Sophia! Choice ko iyon! Stop blaming yourself!" sinimangutan ko siya. Kasalanan ko naman talaga kasi!

"Sinabi ko naman na umuwi ka na, 'di ba? Ang sabi mo kasi wala kang gagawin tapos may game pala kayo! Ano 'yon, Duke!" kinamot niya ang batok niya. Kunot na kunot na ang noo niya, senyales na malapit nang maputol ang pasensiya niya. Kung ang iba natatakot pwes ako hindi.

"Tingin mo mas uunahin ko iyong game na iyon kaysa sa'yo? I would rather look for you even if you're not talking to me than to play that stupid game while thinking of you. Hindi ako makaka-concentrate maglaro kung wala ka doon na pinapanood ako! Ano pa kung wala ka na nga may masakit pa sa'yo? Gusto mo ba akong mabaliw?" kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. 'Yan na naman siya. Ayokong bigyan ng ibang ibig sabihin ang mga galaw niya at ang mga sinasabi niya.

"Where are we going, Duke?" umiling siya nang baguhin ko ang usapan pero hinayaan niya nalang ako. Nanatili siyang tahimik habang malalim na nagi-isip.

Hindi niya rin ako sinagot kaya hindi na ako nagtanong pa. Huminto ang sasakyan niya sa Dm Tower o Dela Marcel Tower. Ito ang hotel nila kung saan may sari-sarili silang condo unit. Kung hindi ako nagkakamali ay kapag nag-edad sila ng 18, ay makukuha na nila ang unit na para sa kanila pero kahit ganun pa man ay nakikita ko parin silang umuuwi sa bahay ng parents nila. Kahit nga sila Kuya Kris and Kuya Toffer na may sarili nang pamilya ay umuuwi parin kila Nanay Ysa.

Umikot siya at sinabihan akong sumampa sa likod niya na siyang ginawa ko. Hawak hawak ko ang phone at wallet niya sa isang kamay habang ang isa ay nakakapit sa leeg niya.

"Sophia" mahina niyang tugon. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"Duke?" ganting bati ko.

"Uh. Nothing" sabi nito at naglakad na papasok. Ipinagkibit balikat ko lang iyon.

Dela Marcel VIII: Duke's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon