Two

61K 1.3K 19
                                    

Two

Mahigpit na nakahawak sa aking baywang si Duke. Akay akay niya ako habang pumapasok kami sa bahay ng parents ko. Gusto niyang buhatin nalang ako pero tumanggi ako. Bawat galaw ko ramdam ko iyong hapdi ng paa ko.

"Don't do that again, Sophia. Ang tigas tigas ng ulo mo! Kailan ka ba magtatanda?" ngumuso ako. Kanina pa ako nakakarinig ng pangaral niya. Pasalamat siya at masakit ang paa ko dahil kung hindi kanina ko pa siya nabatukan.

Pero kahit gaano siya kagalit nandito parin siya at matiyagang inaalalayan ako kahit napakaliit ng bawat hakbang ko. He patiently holds me in my waist while my one arm is all over his neck. Humakbang ako at humapdi ang sugat. Napapikit ako habang kagat kagat ang labi ko. Ilang segundo bago ako nakaadjust sa sakit.

"Masakit talaga, Duke Xyrus!" daing ko. Tinitigan niya ako at bumuntong hininga. Tinanggal niya ang kamay niya sa akin bago umalis sa pagkakaakbay ko. Nilagay niya ang mga kamay ko sa Shirt niya.

"Grip" and I did kahit hindi ako sigurado sa ginagawa niya. Tinanggal niya ang jacket niya. Muli niyang pinaikot ang jacket sa legs ko bago ako binuhat na parang bagong kasal. Nilipat ko ang pagkakakapit sa leeg niya.

Wala sila Daddy at Mom dahil nasa trabaho pa sila. Maids ang sumalubong sa amin pero mabilis na sinabi ni Duke na siya na ang bahala.

Umakyat siya ng kwarto ko habang karga karga ako. Nilapag niya lang ako sa gilid ng kama. Tinignan niya ang sugat ko at ng makitang hindi iyon nagdugo ay tumayo na at tumingin sa akin.

"Ano nang gagawin mo?" tanong niya. I want to take a shower. Pinagpawisan ako kanina at nanlalagkit na ako pero hindi ko iyon kaya at di niya naman ako pwedeng samahan.

"Can you help me go there?" tanong ko habang nakaturo sa may closet ko. I'll just wash my face and change.

Tumango siya at binuhat akong muli papunta doon. Inilapag niya ako at tumayo ako gamit ang isang paa at dahil hindi ako sanay ay muntik na akong mawalan ng balanse kung hindi lang niya hinawakan ang waist ko ay sa sahig ang bagsak ko.

"Careful, Sophia. Mamili ka na ng isusuot. I'll hold you until you're done" tumango ako. Wala naman kasi akong choice.

Binuksan ko ang closet ko at namili ng isusuot. I ended up choosing his oversized shirt na hindi ko na maalala kung kailan niya iniwan at ang itim kong denim shorts.

May sariling part kasi si Duke sa closet ko. Doon ko nilalagay ang mga damit niyang naiiwan niya o kaya jacket niyang pinapahiram sa akin tuwing nilalamig ako. Maliban don ay natutulog siya minsan dito. Hindi sa kwarto ko pero dito parin ang bagsak ng mga damit niya at wala naman siyang pakialam kung isuot ko ang mga damit niya. Kumportable kasi ako sa maluluwang na damit pero dahil designer ng damit ang Mommy ko ay puro may kaartehan ang mga damit ko.

Isang liko lang ng DmVille ang layo ng bahay namin. Pwede naman niya ako balikan dito agad kung gusto niya pero mas pinipili niyang dito matulog sa hindi ko malamang dahilan.

"Bathroom, Duke Xyrus" binuhat niya akong muli at nilagay sa harap ng sink.

"Will you be okay here?" tumango ako. "I'll leave the door open. Just call me when you're done" tumango ako at kumapit sa sink. Nagaalala man siya ay wala siyang nagawa kundi lumabas.

Tinanggal ko ang dress na suot ko. Pahirapan ko iyong ginawa dahil sa hindi ako gaanong makabalanse. Tagaktak na ang pawis ko ng matapos ko iyon. Pinunasan ko nalang ang katawan ko gamit ang maliit na tuwalya bago sinuot ang shirt at shorts. Naghilamos ako at tinanggal ang pagkakapusod ng buhok ko bago tinawag si Duke.

Bumukas ang pinto at agad niya akong pinasadahan ng tingin. Mas matagal nga lang sa katawan kong suot ang T shirt niya. Tumigas ang panga niya at umiwas ng tingin.

Lumapit siya at muli akong binuhat. Nang mailapag niya ako sa kama ay tsaka ito umikot at humiga sa kabilang parte ng kama.

Duke may have a little patient in everything pero sa akin hindi lalo na kung may iniinda ako. Kung hindi nga lang niya ako iniinis ay hindi kami magaaway pero wala eh, hobby niyang inisin ako. Mas mahigpit pa siya sa Daddy ko at mas masungit pa siya sa Lolo ko kung umasta sa akin.

Sinindi niya ang T.V. na siyang nag-ingay sa kwarto ko. Humikab ako at nakaramdam ng antok. Umusog ako sa tabi niya at inunan ang ulo sa braso niya habang nakatalikod sa kaniya at hinila ang isang unan bago niyakap. Naramdaman ko ang ilang hibla ng buhok kong gumagalaw. Pinaglalaruan niya ang buhok ko. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan siya. I'm too tired to protest.

Madilim na ang paligid pero nandito parin siya. Hindi ko na nararamdaman ang sakit pero tuwing aksidente kong maigalaw ay kumikirot parin. Kahit ano namang sabihin ko sa kaniya ay hindi siya aalis hangga't hindi ako maayos.

Naalala ko noon, nagkasakit ako ng malubha at ayoko talagang magpapunta sa hospital. Nagkampo siya dito sa kwarto ko at siya ang nagalaga sa akin hanggang maayos na akong muli.

Ganun naman talaga si Duke pagdating sa akin simula palang ng mga bata kami. Siya ang bantay ko at siya ang nagtatayo sa akin kapag nadadapa ako.

"Really Duke. I'm fine," umiling ito at nagkibit balikat lang habang nakatingin sa T.V. Umirap ako at sumuko nalang. Ang tigas ng ulo.

"I'm sleeping here. Whatever you say I won't go home. That's my limit for today. You can ask me to do everything but not that," I rolled my eyes. Bahala siya. Ang kulit ng lahi niya.

Itinuon ko na lamang ang pansin sa T.V. Muling umikot ang mata ko ng makita ang pinapanuod niya! Pambata!

"Inside out?" taas kilay kong tanong. Ang tanda tanda na pero hindi parin siya nagbabago.

"Maganda 'yan. Pang-pamilya, pang-barkada tapos pwede ding para sa sarili. Marami kang matututunan," giit niya.

Umiling ako at pinanood nalang ang animated movie na iyon. Pinaglalaruan niya parin ang buhok ko kahit na nanonood kami.

"Kuha kang food, Duke. I want ice cream and fries," utos ko since ayaw niyang umalis at sinabi niyang gagawin niya lahat ng gustuhin ko. Sa kaniya galing iyon kaya bahala siya.

Bumuntong hininga siya bago tumayo at lumabas. Ngumisi ako at tinuloy ang pinapanood.

Ilang minuto ang lumipas bago siya bumalik. May dala siyang dalawang bucket ng ice cream sa magkabilang kamay. Magtatanong sana ako ng fries pero kasunod niya ang isa sa mga maids namin na may hawak ng tray kung san nakalagay ang malaking bowl ng Fries, pitcher ng juice at dalawang baso.

Nilagay ni Maya, ang maid namin, ang pitcher ng juice sa coffee table ko bago lumabas. Inabot ni Duke ang isang ice cream sa akin bago umupo sa tabi ko at nilagay sa gitna namin ang fries. Binigyan niya din ako ng kutsara at siya na mismo ang nagbukas ng sa akin.

Tahimik lang kaming kumakaen. Hanggang sa matapos ang movie at mapalitan ng big hero 6. Naramdaman kong may gumagalaw sa ice cream ko tinignan ko at nalukot ang mukha ko ng makitang naglilipat ng ice cream si Duke sa lalagyan niya.

"Duke! Akin iyan!" sigaw ko

"Konti lang naman! Di mo naman mauubos iyan" giit niya. Nalukot ang mukha ko.

"Kahit na!" sigaw ko rin sa kaniya habang tinatanggal ang kamay niyang may hawak na kutsara.

"Tsk!" sabi lang nito at umirap sa akin. Kinain lang nito ang nakuha sa aking ice cream bago nilapag ang lalagyan. Hindi niya ako pinapansin. Kahit kailan talaga halimaw sa ice cream ang lalaking ito.

Kumuha ako gamit ang kutsara at iniumang sa labi niya. Tumingin siya sa akin bago sa kutsara.

"Gusto mo lang pala subuan ako. Papayag naman ako, eh. Sabihin mo lang" ngumisi ito at sinubo iyon.

Dela Marcel VIII: Duke's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon