Second Nerdy Chapter

116 2 2
                                    

Makintab at kulay gintong tsokolate ang buhok.Yan ang 'trademark' ng isang dalagang nagngangalang Katey.

Napaka natural kasi ng buhok nito at pinanganak syang ganon ang kulay ng buhok. Brown, pero pag nasinagan ng araw.. tila ginto ang kulay nito. Medyo blonde ba.

Napakaganda pa ng kutis nito.Napakaputi niya at pantay ang kulay ng siko't tuhod niya. Kumbaga, napakaputi din ng mga siko at tuhod nito.

Tahimik pero blooming.Nakasalamin pero charming.Alam mo yung ang kapal kapal ng salamin nya pero kita parin yung ganda niya.Pero di siya popular na estudyante.Tama lang, may nakakakilala sa mukha , may nakakakilala lang sa pangalan at meron rin namang kilala talaga siya.Siya yung tipo na di popular pero once na dumaan sa harap mo e maaagaw talaga atensyon mo.Kahit wala naman siyang ginagawang kakaiba at naglalakad lang naman siy ang tahimik.Pero kahit agaw pansin siya ay wala man lang nagtangkang makipagkilala/i stalk sa facebook/alamin ang istorya't lovelife nya.Di tulad ng mga popular....

Naglalakad ngayon si katey patungo sa bago niyang section.Nagpatransfer kasi ito sa ibang section dahil ayaw niya talaga sa ugali ng mga kaklase niya.Masaya naman ang section nila kung ituturing ..pero alam mo yung sila lang yung masaya? di naman sa na o-op sya ..kadalasan nga'y sinasama siya sa mga trip ng mga ito .. pero alam mo yung hindi ganun yung nakakapagpasaya sa kanya?

Kung ang iba ay gusto ng maingay at magulo na klase..

Kay katey, tahimik , maayos, payapa ar malinis na klase ang nagpapasaya sa kanya.

Mas peaceful yung lugar, mas madali at mas magandang mag aral.

Isa din kasi siya sa mga honor students sa kanilang school.pero di sya popular kahit honor student , ano naman pakailam ng iba na pagloloko lang sa paaralan ang alam sa honor lists?

ang di niya alam ...

sa pagnanais niya ng maganda , maayos at payapa na klase...

MAS MAGULO PA PALA ANG KAHIHINATNAN.

DAHIL DITO..

MAKIKILALA NIYA SI JOSHUA...

AT DITO MAGSISIMULA...

ANG PANUNUKSO SA KANILA.

"May bago na tayong loveteaaaaam! wohooooooo!"  at nagtawanan na may kasamang hiyawan ang buong klase.

 ----------------------------------------------------------------------------------------------

DEDICATED TO MS.Z  ,  NAPAKAGALING NA AUTHOR.

THE NERD'S LOVESTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon