First Nerdy Chapter

176 3 10
                                    

Mga naglilipadan at nagkalat na mga papel..

Mga durog na chalk na pagulong gulong sa sahig..

Magugulong upuan..

At mga kaklaseng nagaasaran at nagkukulitan..

Yan ang laging sumasalubong kay Joshua sa tuwing bubuksan nya ang pintuan ng kanilang silid-aralan...

As usual .. gaya ng nakagawian ... walang pumapansin sa kanya tuwing papasok siya.Ganyan naman diba? pag di ka popular , walang magwewelcome sayo . Pag wala kang kaibigan , walang kakausap sayo...at pag nerd ka , walang papansin sayo.

'Pinapansin lang naman nila ako pag kailangan nila ng sagot sa exam' Naisip ni Joshua habang papunta siya sa upuan nya na nasa sulok ng room.

Kakaiba mang isipin pero oo..

pinangarap ni joshua ang maging popular sa school nila.

Di naman sya binubully na tipong babatuhin ka ng itlog at lolokohin ka ng mga babae ...

ang cliche kaya nun!

pero gustong gusto nya talagang maranasan yung maraming mag a-add sa kanya sa facebook, may 400 plus syang follower sa twitter, at igegreet sya ng mga nakakasalubong nya ng may kasamang ngiti...ngiting tunay. Pag kasi nerd ang turing sayo ng iba.. konti na nga lang maggegreet sayo at nakangiti..

ngiting pang asar pa.

alam nyo yun?

Nakakairita kasi hindi naman sya ginaganyan nung elementary sya..

iisa lang naman alma matter nya, kasi ang school nya nung elementary ay may highschool department .

Kaya nga naiinis sya kasi iisa lang naman halos mga kaklase/ka schoolmate nya nadagdagan lang naman ng mga halos... 200 transferees ang batch nila..nag iba na ang tawag sa kanya.

Kung dati four-eyes lang ang pang asar sa kanya na tanggap naman nya kasi nakasalamin sya at yun ang karaniwang pang asar sa mga may salamin... ngayong naglabasan na ang mga kaartehan at pagfefeeling matanda nitong mga kabatch nya...

SAKA SYA TINAWAG NITONG MGA TO NA NERD.

Ang mas nakakaasar pa kasi don ay yung nakasalamin lang naman siya , tinawag na syang nerd.

Ano bang ka 'nerd nerd' don? Yung tahimik sya at nakasalamin?

Marami namang popular sa school nila na tahimik ah! wala nga lang salamin.Meron namang may salamin na popular! sadyang madadaldal lang talaga.Eh ano naman kung tahimik sya.. nerd na ba yon? Di naman ganon kalabo ang mata nya pero kailangan nya talaga ng salamin dahil madalas sumasakit ang mga mata nito.. gawa yon ng umaga hanggang umaga nyang pag cocomputer/videogames.

Dagdag mo pa yung nasa huli sya sa room nila.Edi kailangan nya pang lumipat ng upuan kung wala syang salamin.Wag na no! effort kaya nun... mapapalista ka pa sa N.I.P.S or tinatawag nilang 'Not In Proper Sit'

Kabanas kaya yon! ikaw ang maglilinis ng room.Nakakairita kasi tinry nyang wag magsalamin dati nung grade 7 sya para di sya maasar kaso na stuck na yata sa mga utak ng tao yung thought na 'nerd' ang tawag sa kanya.

May mga napapatitig sa kanya nung pumasok sya at napapangiti sya sa tuwing may makikita syang naghahabol ng tingin sa kanya at pasimpleng lalapit sa kanya.

Pero pagdating nya sa room nya.. asar lang ang inabot nya

'Wow! bagong buhay jofwa?" sabay hagalpak ni Gian. isa sa mga popular pero pinaka madalas galitan ng mga teacher.

'Tss. utal naman sa sssss' pikon na isip ni josh nung paupo na sya. Akala nya kasi magugustuhan ito ng mga kaklase nya.

Which is true..nagustuhan ito ng mga kaklase nya pero ayaw lang nilang ipaalam kaya pang aasar ang inabot ni joshua sa kanila.Di din naman alam ng mga kaklase ni joshua na iisa ang nasa isip nila.. na napaka gwapo pala nito pag walang salamin.

Ang mas nakapang inis pa kay joshua nun ay nung nag ala 'tiis gwapo' (boy version ng 'tiis ganda') sya nung nagpapasulat ang teacher nila. Nasa likod sya dahil alphabetical ang arrangement ng seats nila. Malas lang nya dahil letter X ang apilyedo nya.

' Ivan Joshua K. Xiumin' hindi sya half. 3/4 filipino sya. 1/4 korean. Pero ni bakas ng pagka korean ay wala sa ni isa sa parte o bahagi ng katawan niya.Kung pagiging korean ang pagiging mistiso ay siguro yun nalang ang nagiisang dugong korean na namana nya.Maputi sya at medyo namumula mula lalo na kung mainit ang panahon.

At dahil nga di niya makita at may pagka madamot ang katabi nyang----takot na takot magpakopya na akala mo'y gegrade-an ng perfect pag di nagpakopya ---- ay napilitan syang makipagpalitan ng upuan.

Di nya napansin na nilista sya sa NIPS ng secretary nilang daig pa ang presidente ng klase sa pagapply ng 'sunod-agad-utos-ng-teacher' motto.Medyo napagtripan kasi nila ang pagpili noon kaya ang pinakamakulit ang binoto nilang presidente ng klase. At ang pinaka magandang sumulat ang binoto nilang secretary.

Kaya sya ang maglinis ng room nila noon.Ang nakakainis pa ay friday nung araw na yon. Pag friday kasi.. kailangan magfofloor wax.. at oo! napilitan syang gawin yun. Partida pa kasi magisa lang syang cleaners non.

Matalino yung nakapalitan nya ng seat eh, sa baba ng sariling upuan nya umupo. Kumbaga si joshua naka upo sa upuan, habang nasa baba nya si Klendon, ang hiniraman nya ng upuan.

Kaya ayan mag isa syang naglinis.Halos sugudin na nya si Mrs.Morales noon, ang kanilang adviser, at dalahin ito sa principal.Private school kasi sila (sadyang marami lang estudyante) at may janitors pa pero may policy pa sa LOOB NG ROOM NILA na ganoon.Pero wala syang magagawa dahil alam nyang talo din sya kahit magsumbong, sasabihin nanaman ng adviser nya dinidisiplina lang sya.

'Sus , disiplina daw.. parusa kamo!' reklamo nito..pero sa isip lang syempre. Maga guidance sya kung gan'on!

THE NERD'S LOVESTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon