9. Almost

26.9K 499 27
                                    

Aiko was looking at herself in the mirror. The last weeks she had spent with Caleb was nothing but a blast. Pakiramdam niya ay wala na siyang dapat katakutan sa mga susunod pang araw. Caleb had stayed truthful to his promise; totoong niligawan siyang muli nito, last night, they went on a date and she felt nothing but kilig. Hindi nga niya maintindihan, siguro ay totoo ang kasabihin na love is sweeter the second time around.

Mahal niya si Caleb at hindi naman na niya itatanggi iyon. Masarap ang pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo at sa ngayon iyon ang nararamdaman niya.

Maraming nagbago sa mga araw na nakaraan. Palagi siya nitong sinusundo sa school, minsan ay sinabi niya dito na huwag na lang siyang sunduin dahil pinagkakaguluhan ito palagi ng mga estudyante sa University pero hindi ito nakinig sa kanya, she remembered what he told her.

"Aiko, girlfriend kita, nami-miss kita palagi,at iyong moment na sinusundo kita, iyon iyong pinaka-highlight ng araw ko."

Wala na siyang sinagot doon. Hinayaan na lang niya ito. Alam niya ang tigas ng ulo ni Caleb, alam niya na kahit na anong sabihin niya ay hindi ito makikinig sa kanya.

She smiled at herself habang nakatayo siya sa harap ng salamin, sinuklay niya ang buhok niya at saka muling ngumiti. Hindi maipagkakaila na masaya siya. Lumabas siya ng bathroom. It was a Saturday morning, wala siyang pasok pero kahit ganoon ay napakarami naman niyang gagawin. Sisimulan niya ang araw niya ngayon sa pagbabasa ng mga pinasang assignments sa kanya ng kanyang mga estudyante sa major.

Lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa sala kung nasaan ang lahat ng trabaho niya. Umupo siya sa carpted floor at nagsimula nang magbasa. She was in the middle of reading the essay about DNA when her phone rang. Wala sa loob na kinuha niya iyon at sinagot ni hindi niya tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" She greeted the other line.

"Babe, kinig ka sa radio." Agad siyang napangiti nang mabosesan niya si Caleb. Automatically, binaba niya ang hawak niyang papel. Limot muna ang trabaho, landi time muna. Hinanap niya ang remote ng radio at saka binuksan iyon.

"Anong station?" She asked him.

"102. 7" He simply answered. Hinanap niya ang station na iyon and when she found it, ibinaba niya ang remote at saka nakinig.

"Here is The Pastels newest single from the album Finally,"

Moments later, pumailanlang sa ere ang boses ni Caleb.

----------------

"Our story started with once upon a time,

But sadly it ended with goodbye.

I was left hanging with a dying heart.

But baby, I tried to survive.

One day became a decade,

My heart was becoming jaded

One fateful night, destiny came in

It brought you back to me.

Babe, hold my hand, I'll never let you go

Let's write our songs with love and joy,

Hear the melody of my heart,

It starts with A-I-K and it end with O

----------------------------

Tinakpan niya ang mouth piece ng phone at saka impit na nagsisigaw siya sa kilig. Abot tainga ang ngiti niya.

The oneWhere stories live. Discover now