Kabanata III

207 11 8
                                    

Pagpunas

KINABUKASAN, hindi ko nakita maghapon si Chatra. Hindi ko alam kung umiiwas siya pero nagsisimula na akong mairita. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla sa paghalik niya kagabi dahil sa biglaan nagpakita yung matsing na bato na 'yon.

Sa gulat ni Chatra. Tinulak niya ako! Oo. Tinulak niya kaya subsob ang kagwapuhan ko sa sahig! Hindi naman siya nakikita dahil likod ko ang makikita bago siya. Ngunit dahil tinulak niya ako mas lalo lang naghinala yung mokong na yun.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Hidi ko alam kung bakit kailangan niya pang umiwas? Samantalang pwede naman naming pag-usapan. Normal lang naman ang paghahalikan. Ang hindi normal ang naghahalikang magkaibigan. Well, I should have known. She must be thinking that it's too awkward.

Napabuntong hininga ako. Tumakbo ako papuntang Gym dahil may practice kami. Kaso napahinto ako nang may makita ako sa fields.

Ah! Ang tanga mo naman, Blue Athmel Sandoval! Sino nga bang niloloko ko? Malamang kasama niyang yung matsing! Sino pa nga ba? Alangan namang ikaw eh bestfriend ka nga diba?

Pero lanya naman! Hindi naghahalikan ang magkaibigan! You shouldn't have done that, Chatra. Nanlilisik kong tinitignan ang dalawang nagtatawanan. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya luminga-linga siya.

Naabutan niya ang mga mata ko. Nakita ko kung paano nanlaki at namilog ang mga mata nito at kinagat niya ang labi niya. Mabilis ang pag-iwas niya ng tingin at hinigit na lang bigla yung unggoy papalayo sa mga nakatingin kong mga mata. Lumunok ako nang makitang wala na sila.

Tumalikod ako para dumiretso sa Gym. Naabutan kong nagpa-practice shooting nag mga freshman samantalang nakaupo lang ang mga kupal kong Team mates. Lumapit ako sa kanila at agad namang nakipag-high five si Mint. "San ka galing, Vice? Badtrip si kapitan baka mapagdiskitahan ka!" Babala niya kaya naman kaagad akong lumapit kay Captain.

"You're late, Sandoval. Again. What did I told you?" Napatawa ako sa sinabi niya. Moody na naman ang siraulo naming kapitan.

"Lakas makapag-advice tungkol sa babae. Babae naman ang problema." Humahalakhak kong sabi sabay akbay sakaniya. Umigting nag panga nito kaya mas lalo akong tumawa.

"Shut the fuck up, Sandoval. Give me 40. Now!" Tumayo na ako at nagstreching para mag-umpisa ng tumakbo. 40? Easy. Siguro mawawala na sa isip ko yung nakita ko kanina. It'll keep me busy for thinking about it.

May babae sa harapan ni kapitan nang mayari ako sa pagtakbo. Tumutulo ang pawis ko habang papalapit sakanila. Narinig kong tumataas ang boses ng babae samantalang masamang nakatingin si Kapitan sa mga hita ng babae. It was barely exposed. Namamanyak na ba ang kapitan namin? Taas pa ng sikat ng araw ah. Tumawa ako sa iniisip ko.

Sumipol ako kaya napabaling sa akin ang babae. Not bad. Really. She's pretty. Ngumisi ako sa babaeng iyon at nakita kong umirap ito. Mas lalong lumaki ang ngisi ko. Mas matatalim naman ang tingin ni Kapitan sakin. Oh! I get it. This is the girl!

"...You should have told me that you'll not gonna bring your car. Para wala kang excuse na hindi mo ako iisabay." Umirap ang babae. Umabot ako ng tubig at tuwalya at masayang nanuod sa dalawa.

"Don't come here again, Noreen. I'm not kidding." Nanlaki ang mga mata 'nong 'Noreen' na tinatawag ni Captain. Bumaba ang tingin niya sa hita nung babae. Kaya napatawa ako ng malakas. So, that's why Captain's so mad?

Lumingon sila sakin kaya natahimik ako.Napaubo ako kunwari sabay bulong, "Possessive." Lumingon sakin si Captain dahil siya lamang ang nakarinig samantalang busy ang babae sa pagsasalita. Ngumisi si Captain at alam ko ng tama ako sa binaggit ko.

Naligo ako at nagpalit ako ng damit sa locker room at dumiretso na sa labas ng Gym nang mayari. Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko habang tinatahak ang daanan papuntang Cafeteria. Ginutom ako kahit wala naman masyadong ginawa sa Gym. Hinihila ako ng mga paa ko dun at hindi ko alam kung dahil ba sa gutom o may iba pang dahilan.

Nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko ay agad ang pagsilip ko 'don. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Chatra 'yon.

Chatra:

Mag-usap tayo.

Bumuhos ang kaba sa puso ko. Nabigay ko ang buong atensyon ko sa cellphone. Si Chatra Milyka ito eh! Iba yan, Blue! Dapat buo ang atensyon mo sakaniya. Napahinto ako nang may maramdaman na lamang na may natapon sa balikat kong isang malagkit at basang bagay. Sinilip ko 'yon. Hindi ko na dapat bibigyan pa ng pansin kung hindi ko lamang narinig na tumili ang nakatapon sakin.

"Oh gosh! I'm so sorry—Blue?"Gulat na gulat na tawag ng babae. Binaba ko ang cellphone kong hawak at tinignan ang babae. Nagtataka ako kung sino 'yon. Nang mapagtantong kilala ko talaga!

"Kristen. Wow. You've grown." Tumatawang sabi ko. Naalala ko pang maliit na babae lamang siya n'ong High school kami. Kasama ko si Kristen sa mga play na pilit akong isinasali ng adviser ng batch namin. Palaging ako ang lead actor at siya naman ang lead actress dahil magaling itong um-acting. Samantalang ako'y dahil walang ibang choice kung hindi ako lang.

Tumawa din si Kristen at napawi din naman yun bigla niyang makita ang braso ko. "I'm so sorry, Blue. Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos ganito pa. I didn't know you're there." Sunod-sunod niyang paghingi ng tawad ngunit tinawanan ko lang din yun. I didn't know na nandito din siya nag-aaral! Coincidence!

Naglabas siya ng panyo at agad akong tumanggi. "Hey. That's too much. Let's sit there. Catch up, I think." Ngumisi ako nang nag-alangan siyang sumama. "That's your payment."

Wala na siyang nagwa kaya nang makaupo siya agad kong tinanong ang gusto niyang pagkain. "Hey! It's unfair. It should be my treat!" Humalakhak lang ako sa pagtatampo niya at hinulaan ko na ang gusto niyang pagkain. Pinunasan ko na lang ng tissue ang balikat ko. Magpapalit na lang ako mamaya.

Nang masabi na ni Kristen ang gusto niyang pagkain, nang hindi ko 'yon nahulaan. Tumayo na ako para bumili.

Biglang napawi ang ngisi ko nang makitang may babaeng nakatingin sa lamesa namin. Specially, sa kasama ko. Hindi niya inaalis doon ang mga tingin niya hangga't nang mapansin niya sigurong nakatingin ako kaya agad siyang nag-angat ng tingin. Naglapat ang mga mata namin. Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod na.

Nataranta ako. Lalo na nang hindi nakatakas sakin ang pagpunas niya sa pisngi niya. Anong pinunasan niya doon? Umiyak ba siya? O may dumi lamang sa mukha? Nataranta talaga ako. Shit. Gusto ko na yata talaga siya. I'm so fucking doomed! I'm inlove with my bestfriend. I broke my first rule!

Dahil hindi ako matataranta ng ganito dahil lang sa may nakita siya. Hindi ako kakabahan ng ganito na para bang napakalaki ng kasalanan ko. And I'm not gonna be so fucking nervous that she'll leave me because of what she saw. Shit!



























Bakit ang mga Babae? [ShortStory]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora