"Anong kaguluhan ito?! Go back to your seats this instant! Nag-meeting lang kami sandali ng faculty and this is what I get? Napakagulo niyo talaga!!" sigaw nung teacher namin. Nagmadaling bumalik ang mga kaklase ko, kasama na ako, sa mga upuan namin. Halos makikita mo na yung ugat niya sa leeg at usok na lumalabas sa tenga niya sa sobrang galit, yung parang sa cartoons. Haha.

Nung kumalma na si Ma'am, nagsimula na siyang magbigay ng announcements, "Bago ko makalimutan, aayusin ko muna yung seating arrangement niyo by alphabetical order. Sobrang ingay niyo, and this is the only way to solve it. Ang dami na rin kasing nagrereklamong teacher sa inyo."

Nagkagulo ang mga tao sa classroom, kanya kanya ng reklamo. Tahimik lang naman ako sa upuan ko, wala namang kaso sa akin yun, kahit ano namang mangyari di ko rin ka-close yung magiging new seatmate ko if ever.

"Anong problema niyo dun ha?!" sigaw ni Ma'am. Galit na galit siya, uwaa. Nakakatakot.

Nanahimik naman lahat, walang makapalag sa kanya. Siya kasi yung tipo ng teacher na nambabagsak depende sa conduct mo. Nagsimula na siyang mag-assign ng seat habang yung mga naghihintay naman nakatayo sa sulok, tahimik na nananalangin na maging maayos sana ang pwesto nila.

"Elaine Sanchez, 3rd row, 3rd seat at the left side." 

Sana talaga sa maayos na pwesto ako ilagay, hindi kasi malinaw ang mata ko. Hanggang third row lang ang kaya ng eyesight ko, at tsaka hindi rin ako masyadong maka-focus kung sa likod. Ayaw ko rin naman sa harap kasi-

"ELAINE SANCHEZ!"

"YES MA'AM! PRESENT PO! BAKIT PO!" sabi ko, tahimik na tumawa ang mga kaklase ko. Ako na pala yung tinawag, grabe, nakakahiya! Bakit ba kasi hindi man lang ako kinalabit ng katabi ko? Napahiya pa tuloy ako.

"President ka pa man din Elaine and you're not attentive. Third row, third seat, left side, bilisan mo, you're holding up the line."

Pumunta naman ako dun sa pwesto na sinasabi niya at yumuko. Uwa, nakakahiya talaga ako. Bakit ba lagi na lang akong napapahiya, ano ba yan. And yes, President nga ako ng section na 'to. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng mga kaklase ko at ako ang pinili nila.

Engot pa man din ako pagdating sa pag-lead. Pero hindi naman ibig sabihin nun na engot ako sa academics. Valedictorian ako actually, kaya nasa pinakamataas na section ako, yun nga lang, I lack leadership. Ajujuju.

Nung naayos na yung seating arrangement, binigyan kami ng time ni Ma'am para makilala ang bago naming seatmates. Swerte naman ako kahit papaano kasi naging seatmate ko si Kurt, at least may kilala na ako. Yung lalaki naman sa right side ko, hindi ko kilala. First time ko siyang nakita, di ko nga alam na kaklase pala namin siya.

Naka-earphones lang siya, halatang ayaw makipagkilala, tsk. Pero I don't want to be judgmental kaya nakipagkilala pa rin ako, "Hello, ako si Elaine. Anong pangalan mo?"

Tinignan niya lang ako ng masama at hindi niya na ako pinansin ulit. Tsk, ang sungit naman nito. Dapat pala hindi na ako nag-try, sayang effort ko dun ha! Pero hayaan mo na, mag-oopen up din yan someday. Ako pa, magaling ata akong makipagkaibigan!

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon