Previous Page of 4Next Page

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)

Dedicated to
BePlus
spinner.gif

Chapter One

Elaine's POV

 

Thirty minutes ng wala yung adviser namin. Nagkakagulo na sa buong classroom, how typical. Kanya kanya ng gawain yung mga tao sa paligid ko, may natutulog, nagkwekwentuhan, nagtatakutan, may ilan ding walang magawa, tulad ko. Kumuha ako ng notepad at nag-practice ng pirma ko. Gawain ko talaga yun kapag bored na bored na ako.

 

"Ugh, ang boring, ano bang pwedeng gawin?!" bulong ko. Pumunta ako malapit kay Mich, best friend ko. Nagkukulitan silang dalawa ni Kurt, best friend din namin. Bale, happy three friends ang peg naming tatlo. Haha.

 

Nakilala ko si Mich noong grade three pa kami. Ibang iba siya noon, nerd daw sabi ng iba. Pero para sa akin, isa siya sa mga naging idol ko. Kahit ba nilalait siya ng ibang tao, nagawa niyang maka-move on at maging dyosa ng kagandahan. Who you na lang sila kay Mich. Haha.

 

Si Kurt naman, parang saling pusa lang sa aming dalawa. De joke. Nakilala namin si Kurt noong first year high school lang. Foreign student siya kaya wala masyadong pumapansin sa kanya. Paano ba naman, ine-English niya ang bawat taong kakausap sa kanya. Kaming dalawa lang ni Mich ang naglakas loob na kaibiganin siya.

 

"Anong kaguluhan ito?!" sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa. Nagpumiglas yung dalawa but in the end natawa na lang sila. Kumalas ako sa pagyakap sa kanila at umupo sa pinakamalapit na upuan.

 

"Are you using us for your entertainment, Elaine?" tanong ni Kurt habang nakakunot ang noo. Nasanay na kami sa pag-eEnglish ni Kurt. Sa tatlong taon ba naman naming kasama 'to eh. Nakakaintindi naman siya ng tagalog, yun nga lang nahihirapan siyang bigkasin yung mga salita.

 

"Aw, grabe naman. Namiss ko lang naman kayo noh, ba't kasi sobrang layo ng na-assign na chair sa akin eh." Sabi ko sabay sumimangot.

 

"Tsh. Drama mo. Haha." Sabi naman ni Mich sabay tingin sa kamay ko, "Ano yan?"

 

Hinablot niya ito mula sa akin, hala! Baka makita niya yung ano! Yung... Ah, basta nakakahiya. Binasa niya yung mga nakasulat sa notepad na yun at bigla siyang humalakhak, baka nga nabasa niya na. Uwa, sira na ang dignidad ko bilang tao. Nge, medyo OA.

 

"Hahaha, seryoso ba 'tong mga sinulat mo, Elaine? Sa tingin mo nag-eexist pa ang mga lalaking ganito? Dream high, friend!" kinuha ko mula sa kanya yung notepad ko at sinilid sa bulsa ko.

 

"Bakit, hindi naman masama mangarap ha? At tsaka makakahanap din ako ng lalaking ganyan noh, abangan mo lang." sabi ko at ngumiti.

 

"Elaine's right. Our species aren't that entirely extinct." Sabi ni Kurt at ngumiti ng sobrang laki. Kumindat pa nga siya sa akin kaya napahalakhak na rin ako. Pogi rin naman si Kurt. Brown yung hair niya at laging nakataas, blue na blue yung mga mata niya, at ang puti niya, sobra!

 

Nagkatinginan kami ni Mich, "Grabe, nice joke, Kurt!"

 

"I'm not lying, and thank you very much for supporting what I just said, friends." Sabi niya at pinisil yung ilong namin. Nagkunwari siyang galit pero napangiti rin nung huli.

 

"Anong kaguluhan ito?! Go back to your seats this instant! Nag-meeting lang kami sandali ng faculty and this is what I get? Napakagulo niyo talaga!!" sigaw nung teacher namin. Nagmadaling bumalik ang mga kaklase ko, kasama na ako, sa mga upuan namin. Halos makikita mo na yung ugat niya sa leeg at usok na lumalabas sa tenga niya sa sobrang galit, yung parang sa cartoons. Haha.

 

Nung kumalma na si Ma'am, nagsimula na siyang magbigay ng announcements, "Bago ko makalimutan, aayusin ko muna yung seating arrangement niyo by alphabetical order. Sobrang ingay niyo, and this is the only way to solve it. Ang dami na rin kasing nagrereklamong teacher sa inyo."

 

Nagkagulo ang mga tao sa classroom, kanya kanya ng reklamo. Tahimik lang naman ako sa upuan ko, wala namang kaso sa akin yun, kahit ano namang mangyari di ko rin ka-close yung magiging new seatmate ko if ever.

 

"Anong problema niyo dun ha?!" sigaw ni Ma'am. Galit na galit siya, uwaa. Nakakatakot.

 

Nanahimik naman lahat, walang makapalag sa kanya. Siya kasi yung tipo ng teacher na nambabagsak depende sa conduct mo. Nagsimula na siyang mag-assign ng seat habang yung mga naghihintay naman nakatayo sa sulok, tahimik na nananalangin na maging maayos sana ang pwesto nila.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (11)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended