Lintik na Pag-ibig

12 0 0
                                    


Una ko siyang nakita noong nag-transfer ako sa isang public school sa maynila kasama ang aking bestfriend. Grade six palang kami noon.Na-crush at first sight na ako sa kanya.

Nagsimula ang lahat sa simpleng crush,simpleng pagtingin,simpleng paghanga,

Lagi ko siyang tinitingnan sa malayo,kinakausap kung may pagkakataon.

Hanggang sa isang araw...

Kinuha niya ang number ko,sa kaibigan ko.

Tinawagan niya ako noon.

Tinanong ko parin kung sino siya kahit alam ko na na siya 'yon.
Nahiya pa ako noong una na sumagot sa kanya pagkatapos niyang banggitin ang pangalan niya.Pero agad kong ni-record ang usapan namin at kinausap siya.

Actually,matagal nang naka-save sakin ang number niya.

Simula noon,naging mas madalas na kaming mag-usap.Mas naging close.

At ang una naming pag-uusap sa telepono,hanggang ngayon naka-save parin sa aking cellphone,sa laptop,at tablet.Iniingatan ko itong wag mabura.

Gabi-gabi kong pinapakinggan.

Parang isang kanta na sobrang na-LSS na ako.

Hanggang sa graduate na kami ng elementary.

Magkasama kami sa highschool,freshmen kami at walang kakilala kundi ang isa't-isa simula noon,lagi na kaming magkasama.

After 2 years,narealize ko iba na 'to.

Hindi na simpleng paghanga,o crush o pagtingin.

Hindi ko na siya crush

Dahil....

Gusto ko na siya.

Mahirap ang sitwasyon ko dati,gusto ko siya may gusto siyang iba.

Habang nagbi-binata at nagda-dalaga kaming dalawa,nagiging malayo kami sa isa't-isa.

Siguro mas madaling sabihin na lumalayo siya sa akin.

And the worst part?

I don't know why .

Kaya tinanong ko siya noong isang araw na hinihintay niya ang labas ko sa huli kong klase.

Yun yung time na nagkaroon ulit siya ng oras para sa akin.

Nung tinanong ko siya.

Nagalit siya.

Sabi niya,wala daw akong pakialam kung anong nangyayari sa kanya dahil hindi daw niya ako magulang,at lalong lalo na daw na...........hindi niya ako girlfriend.

Kaibigan lang daw niya ako.

Ang sakit lang.

Nag-sorry na ako sa kanya noon.Sabi niya,okay na daw.Pasensya na din daw.
Hinatid pa niya ako noon sa bahay.Yinakap katulad ng lagi niyang ginagawa.

Kakaiba ang yakap na iyon,matagal,mahigpit,at parang may ibig sabihin.
Sabi ko nalang,siguro dahil gusto ko siya kaya binibigyan ko na ng malisya ang yakap niya na simula palang talaga ng pagkakaibigan namin eh ginagawa niya na talaga.

Nag-sorry ulit ako.Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.
Pagkatapos umalis na.

Pero nakakapagtaka na simula noon,hindi na niya ako pinansin.
Hindi na niya ako kinausap.

Lintik na Pag-ibig(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon