Right here waiting for you...

29.2K 291 18
                                    

Author's Note 

Salamat po sa mga bumabasa nitong Short Story ko na sa tingin ko ay hindi na short dahil nageenjoy akong sumulat nito :)) Pero magkakaroon lang ng Book 2 itong story kapag nagustuhan nyo :) Yung story kasi about lang dapat to sa nangyari dun sa airplane. Pero dahil nga ang sweet parin ng parents natin sa Hawaii, eh pinahaba ko naman. Vote,Read at Comment lang po! At iadd nyo narin sa Library nyo para updated kayo! :)

Ang dami na nangyayari dun na hindi natin alam. Kaya, eto. Dagdagan natin ng HOPIA! 

Vice's POV 

Pumayag na siya at naramdaman ko na masaya ang puso ko. Kahit may bahid ng pagka-awkward itong pinaplano ko. Ilang beses narin kasi kami nag-date ni Kurba eh. Pero eto? Date? Alas dos ng umaga? Sa Hawaii pa? Iba na to. Gusto ko talaga may mapagsabihan tungkol dito. Matawagan nga si Nanay.

*Tinawagan ni Vice ang Nanay Rosario nya na nasa Pinas*

Nanay Rosario: Tutoy? Ba't napatawag ka anak?

Vice: Bawal ba nay.

Nanay Rosario: Eto naman. Nagtatanong lang baka kasi may nangyari sa iyo dyan anak.

Vice: Hahaha. Wala po nay. Kamusta kayo ni Lolo? 

Nanay Rosario: Eto anak okay lang naman. Miss ka na syempre

Vice: Sus. Miss ko na rin kayo nay. Pakisabi kay Lolo na wag maging pasaway ha? Mabilis lang naman ako dito

Nanay Rosario: Oo naman anak. Ano nga pala ang dahilan at napatawag ka? 

Nako. Eto na. Hindi ko talaga kayang sabihin to ng ganun ganun lang. Pero kasi mahirap rin itago. At si Nanay naman to eh. Kilala naman nya ako at sigurado matutuwa pa nga to pag umamin ako.

Vice: Nay kasi.. Nalilito ako.. Pero dahil nanay naman kita sigurado akong maiintindihan mo ako. May tanong lang ho ako.. Ano po masasabi nyo kung sasabihin ko na in love ako sa isang babae ngayon?

*Hindi nakasagot si Nanay Rosario pero ang totoo ay abot tenga ang ngiti nya dahil kinikilig sya para kay Tutoy* 

Vice: Nay? Nandyan ka pa ba?

Nanay Rosario: Oo anak. Pasensya. Medyo natulala lang sa nasabi mo. Tama ba ang narinig ko? In love ka sa isang babae? 

Vice: Oo nay eh.. Matagal na to pero parang kahapon ko lang na confirm na in love nga ako sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa isang babaeng malambing, maganda, sexy, maalaga,mapagmahal,mabait.. Lahat na nasa kanya. Kulang nalang sa kanya yung mapalitan yung apelyido nya ng Viceral. Pero charot lang yan nay. Wag muna. Mahal ko na sya nay. Pero bakla ako? Tama ba to?

ViceRylle Love On TopWhere stories live. Discover now