Just give me a reason...

41.7K 372 20
                                    

June 27, 2013.. Araw na ng pag alis ng Showtime staff at hosts papunta ng Hawaii. EXCEPT KUYA KIM :)) Lahat sila ay excited na. Lalo na si Vice na hindi man lang nakatulog ng maayos.

Vice's POV 

Nakakaloka. Bukas na talaga ang lipad namin! Noong Summer nasa Boracay ako kasama ang pamilya ko, ngayon naman Hawaii na kasama ang Showtime family ko. Mamimiss ko ang Maynila ng ilang araw. Pero syempre kailangan ienjoy yung experience namin dun. Minsan lang kaya to.. Di talaga ako makatulog. May bumabagabag sa isip ko.. Makikinig nalang muna ako ng music sa iPad ko.. 

*Sabay play ng Just Give Me A Reason*

Ganyanan?! Nagpaparamdam?! Halata namang di ako okay ngayon di ba! makapag-tweet nga.

"@vicegandako We're not broken just bent. We can learn to love again."

-------------------------------------------------------------------------

Habang nakikinig sa kanta hindi namalayan ni Vice na nakatulog na pala sya.

Sa kabilang dako ng mundo naman, si Karylle ay busy parin sa pag iimpake ng kanyang mga gamit. Sinisigurado nyang wala syang maiiwan na gamit dahil magtatagal sila doon. Alas dose na ng umaga nang matapos si K sa pag impake. 

Karylle: Zia, Coco salamat sa tulong ah. Nagpuyat pa talaga kayo para tulungan ako. Salamat talaga. Pahinga na rin kayo.

Zia: Syempre ate. Ayaw naming bumalik ka pa ng Pilipinas dahil may naiwan kang isang bagay no at para narin mabilis kang matapos dito. Maarte ka kasi pumili ng mga dinadala mong damit eh!

Coco: oo nga ate at para narin sayo to. 

Karylle: nako namaaaan. kayo talaga! oh siya tulog na. May showtime pa ako bukas eh! Good night sa inyo! *sabay akap ng magkakapatid*


Karylle's POV 

K, umayos ka. Alas dos na bakit gising ka pa? Masyado kang excited eh may showtime ka pa bukas. Malalagot ka kay direk pag di ka na naman pumasok. Hmm. Ano kaya magandang gawin sa Hawaii? Nabasa ko kasi dun sa blog na maganda talaga tingnan yung mga STARS sa Hawaii. Siguro ang sarap nila tingnan pag may kasama no? Sayang lang at wala na kami ni Yael. Eh di sana nakasama siya.. Ilang buwan narin ang nakaraan..

Di parin ata ako nakapagmove-on. Pero kaya ko to. Makakalimutan ko din siya.. Dadating rin ang taong mamahalin ako hanggang katapusan ng mundo. Baka nga sa Hawaii ko pa sya mahanap? Baka naman nandyan lang sya sa paligid? Sa tabi ko? Haay.. Makatulog na nga. Ang lawak na naman ng imahinasyon ko!

--------------------------------------------------------------------------

6:00 na ng umaga at tumunog na ang alarm clock ni Vice...

ITUTULOY...

ViceRylle Love On TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon