Lust

21 1 0
                                    


8:25 p.m.

Isa sa mga lasing na estudyante ang pasuray-suray na naglakad palapit sa camp fire na napapalibutan niya at ng mga kasama niyang nagka-camping ngayon. May hawak siyang beer bottle sa kaliwang kamay.

Unti-unting niyang inilagay sa taas ng halos wala nang ningas na kugon ang beer bottle. Habang papalapit ang likidong laman niyon sa labi ng bote ay nagngiting aso naman siya.

Tumingin muna siya sa paligid niya para masiguradong walang nakakita sa kanya.

Everyone's intoxicated kaya walang sumisita sa kanya. "Good. Now I can have my fun." Saka niya tuluyang ibinuhos ang laman ng bote.

Sa isang iglap ay nagliyab ang apoy. Nakuha niyon ang atensyon ng lahat mga naroroon. Pagkatapos ay narinig nila ang sigaw ng may kagagawan niyon.

Kumapit ang apoy sa suot niyang damit. Parang siyang nagsasayaw na ewan sa ginagawa niyang pagtalon para lang maapula ang apoy sa damit niya. Nawala bigla ang kalasingan niya. Sumisigaw siya ng tulong pero walang makagalaw dahil marahil sa pagkabigla.

At habang natataranta ang nasusunog na lalaki, mas lalong nagiging desperado ang galaw niya, mas lalong lumalaki ang apoy.

Until one person swooped in. The responsible one in their group. Or at least responsible enough na wag magpakalasing.

Dalawang galon ng mineral water ang ibinuhos niya sa nasusunog na lalaki. Isang sandali pa ay nakahandusay at nagiiyak sa sakit ang lalaki dahil sa nasunog na balat.

Saka lang din natauhan ang iba pang naroroon. Nangawala din ang kalasingan.

"What the fuck, Geoff?" Hinihingal na bulyaw ng lalaking nagligtas rito. Itinapon nito ang galon at lumuhod sa tabi ni Geoff. "Kailangan mong madala sa hospital." sabi nito nang makita ang nasunog na balat sa ilalim ng t-shirt nito.

May lumapit sa kanila. "I'll do it, Dom."

Tumingala si Dom sa lumapit. Si Marvin, president ng student council nila. "But are you sober enough to drive?" Tanong ni Dom habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa.

"I was asleep when I heard Geoff scream." Paliwanag ni Marvin sa gusot na damit at magulong buhok niya. Inayos rin niya ang kanyang eyeglass as if to make a point.

"Will you be driving the car?" Tanong ni Gea, a student scholar. Tumango si Marvin. "Then, I'll go with you. Uh, may nakalimutan ako sa city na bilhin."

"Alright. We need to move fast. It's a two-hour drive from here." Singit ni Dom. "Anyone get our guy a first aid!"

Matapos niyon ay dalawa pa ulit ang lumapit, sina Jessa at Marge, members ng Red Cross Club. habang nilalapatan ng pangunang lunas si Geoff ay inihanda ni Marvin ang sasakyan.

At 8:45, lumarga na ang sasakyan ng grupo sakay ang walang malay na si Geoff.


8:45 p.m.

"Let the fun continue!" Sigaw ng isa mga kasama nila nang tuluyang lamunin ng madilim na daan sa gitna ng kagubatan ang sasakyan.

"That jerk!" Sabi ni Jessa, nakatayo sa tabi ni Dom. Masama ang tingin nito sa sumigaw. Pagkatapos ay tumingin siya sa dalawang kasama. "Akala ko ba best buddy niya si Geoff? That jerk Alvin! Hmp!"

Nagkatinginan lang sina Dom at Marge. Walang gustong sumagot sa kanila. Pagkatapos ay umalis si Jessa at tumabi sa best friend nitong si Silby, the book lover. Kaya lang daw ito sumama sa trip nila ay dahil sa gusto nitong magbasa ng horror novel ni Richard Laymon na The Woods Are Dark sa gitna ng madilim na gubat. To make the fear close to reality.

Nagulat si Dom nang biglang may humampas sa kanya. Nang lingunin niya kung sino ay nakita niyang si Marge iyon. Hindi pa pala ito umaalis sa tabi niya.

"Good job, Dom." Nakangiting sabi ni Marge. Tinanguan lang niya ito at akmang aalis pero pinigilan siya ni Marge.

"Wait!" Tumayo ito sa harap niya. Nakangiti pero kakaiba. May gustong ipahiwatig. Pagkatapos ay idinantay nito ang kamay sa dibdib ni Dom at inilapit ang katawan. "I'm so high. My adrenaline's at full throttle. Perhaps you can do something about it? Afterall, half of it is your fault. Pagkatapos ng pinakita mo kanina... I was turned on."

Napalunok si Dom. Hindi na siya nagulat. Girls do this to him all the time. Pero hindi pa rin sya sanay. But maybe now that he is free... He can indulge?

Afterall, hiwalay na siya at ang girlfriend niya.

"Habang nagkakasayahan pa ang iba, masosolo natin ang cabin. Think about it, sweetie." Huling sinabi ni Marge bago pakendeng na naglakad palayo sa kanya. Huminto lang ang babae nang marating ang pinto ng cabin. Humarap sa kanya at saka nag- come on sign bago pumasok.

Napalunok ulit si Dom.

Pinagpapawisan siya ng malapot.


9:01 p.m.

"Pinaghintay mo'ko. But it's okay." Nakangiting sabi ni Marge saka ito lumapit kay Dom na nasa pintuan at hinila palapit sa kama.

Dinaklot ni Marge ang kuwelyo ng suot niyang shirt. Saka marahang idinampi ang labi sa kanya. It was a chaste kiss. Pagkatapos ay marahang iminulat ang mata at tumitig sa kanya.

Hindi maintidihan ni Dom ang inaakto ni Marge. Kabaligtaran ng nang-aakit na anyo kanina ang hitsura ngayon ng dalaga. Patuloy ito sa marahang pghalik habang wala sa sariling tinutugon niya iyon.

He came here for sex. Hindi para gawin ito. But this felt wrong. Pakiramdam niya ay kumakain sya ng ulam na hindi niluto para sa kanya.

Dahan-dahan pinaghiwalay ni Dom ang katawan nila ni Marge. Nagprotesta ito at pilit na yumakap sa kanya.

"Dom, please..." Mapupungay na mga mata na puno ng inosenteng pagnanasa. Kasabay niyon ay ang paglabas ng isang mukha sa kanyang balintataw. Kaagad niyang itinulak palayo sa kanya si Marge. Natumba ito sa kama.

Nagpalakad-lakad siya habang sinasabunutan ang ulo. Pagkatapos ay huminto at malakas na nagbuga ng hangin.

Paano niya ito gagawin na hindi nakakaramdam ng guilt?

"Marge. This is a mistake. I'm sorry." Sabi niya habang nakatalikod. Hindi ito sumagot. Kaya naman humarap siya para ulitin ang sinabi. Pero siya ang nagulat sa nakita.

Si Marge, suot pa rin ang skirt pero wala nang pang-itaas at nakatambad ang malalaking dibdib.

Napanganga siya. Of course, apektado sya. Lalaki pa rin siya at nasa harap niya ang nakahubad na magandang babae.

"Ano nga ulit ang sinabi mo?" Wala na ang inosenteng aura nito.

Napalunok siya. But he made up his mind. Masyado pang maaga para sa ganitong bagay. Hindi niya magagawang humawak ng ibang babae. Hindi pa ito ang tamang oras.

Pinulot ni Dom ang damit ni Marge sa sahig at nakaiwas ang tingin na inabot iyon rito.

"Dom... I'll do anything. Matagal na kitang gusto. Ngayong wala na kayo ng girlfriend mo, maybe you can give me a chance." Sabi ni Marge.

Sa peripheral view ay nakita ni Dom na tinabingan ni Marge ang dibdib ng damit na inabot niya.

"Yes. I've been pining for you for a few years now." Tumayo si Marge at inayos ang sarili. Saka nakayukong tinungo ang pinto.

Ilang segundo bago muna binuksan ni Marge ang pinto. Tila naghihintay na may sabihin siya. Pero nang marealize na hindi siya iimik, binuksan na rin nito sa wakas ang pinto.

Narinig niya ang malakas na pagsinghap nito. "Oh, shit!"

Lumingon si Dom upang makita ang dahilan ng ganoong reaksyon nito. Nanlaki ang mga mata ni Dom at namutla.

Ang dati niyang nobya ay nakatayo ngayon sa pinto. Nanghuhusga ang titig sa kanya. At alam niyang nakakuyom ang dalawang kamay na nagtatago sa likuran nito. Alam niya ang ibig sabihin niyon. Pinipilit na naman nitong itago ang totoong nararamdaman.

"Anya..."


Midnight HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon