Prologue

26 1 0
                                    




Huminto siya sa pagtakbo at hinihingal na umupo siya sa lupa. Marahang tumingala sa langit si Anya. Madilim. Maraming bituin.

Ngunit wala siyang ibang nais gawin kundi ang umiyak. Bumulahaw. Sumigaw ng tulong. Pero sino ang makakarinig sa kanya sa madilim na gubat na ito? Malayo sa kabihasnan. Nag-iisa na lang siya.

"At walang kwenta ang kalangitan para malaman ko kung ligtas ba ako o hindi."

Ang sabi ni Midnight Man, ang sinumang hindi pa niya nahuhuli  bago ang eksaktong alastres ng madaling araw ay ligtas na makakaalis sa kagubatang ito.

Pero kanina pa naiwala ni Anya ang kanyang relo. And there's no fucking way for her to know if it's already 3 am!

Tumayo siya at nagpatuloy sa paglakad pababa sa matarik na daan. Ang camping site na pinuntahan nila ay bahagyang nasa elevated na area.

What a fucking night.

Naalala ni Anya ang mga kasama niya. None of them are alive. She was sure. The Midnight Man killed them without remorse.

Hindi niya maintindihan. It was just a game. The Midnight Man is just a game! Pero asan na siya ngayon?  Heto at halos mabaliw na sa kakaisip kung makakaalis pa ba siya ng buhay sa kagubatang ito!

How she wish she can still go back and turn back time. Hindi siya pupunta. Hindi na dapat ako tumuloy.

But back then, all she could think about is to be with her boyfriend, no, EX, for at least another night. Masama bang umasa na maayos pa niya ang kanilang relasyon?

"It's not you. It's me." An infamous breakup line. Gasgas na gasgas na. Pero kahit kailan ay hindi niya inexpect na sasabihin sa kanya ni Dom.

Naalala pa niya ang mukha ni Dom bago siya kinuha ng Midnight Man.

At huling sinabi nito. "Run, Anya! Wag kang magpapahuli sa kanya. Please! And I'm sorry!"

At oh! Ang desperasyon sa mukha ni Dom habang pilit na nilalabanan si Midnight Man. He was fighting for her!

Run!

Napahinto si Anya. Hinawakan niyang dibdib para pigilin ang kirot. Dom is dead!

Pati na ang iba nilang kaibigan. Siya na lang ang natitirang buhay. Kaya kailangan niyang makaalis sa gubat. She won't waste the chance given to her by Dom. At hindi siya papayag na manatiling misteryo ang pagkamatay ng mga kaibigan niya at ni Dom!

Dulot ng determination ay muling naglakad si Anya.

Sasabay niyon ang unti-unting pagkabuhay ng isa pang damdamin.

Revenge.

Aalis siya rito. Gagantin siya. Or she'll die trying!

Wala pang isa minuto matapos mabuo ang desisyong iyon ay tunog ng mga naapakang kahoy ang narinig niya. Halos hindi na niya marinig ang hininga dahil napalitan iyon ng rigodon ng kanyang puso habang naghihintay sa susunod na mangyayari.

At naisip ni Anya, "Mukhang mapapaaga ang paghihiganti ko."

_________________
This is just the prologue, my beloved readers. Sana ay nagustuhan niyo. I hope for your feedback. 'Til next time!



Midnight HuntWhere stories live. Discover now