CHAPTER TWENTY SIX

57.1K 790 84
                                    

Umaga na, niligpit na nila Clyde at Summer ang kanilang mga gamit dahil pauwi na rin naman sila. Inayos na nila ang tent, at nilinisan na ang mga ginamit nilang pang-BBQ kagabi. Tama, dito sila natulog, overnight syempre. Wala na rin naman silang ibang ginawa kagabi, kundi ang mag-stargazing at magkwentuhan lang. Kaso, hindi na yun isinama ng Author dahil tinatamad na siya mag-type.

"Hoy Kutsara, may regalo pala ako sayo!" sabi ni Clyde.

Nilingon siya ni Summer. "Ano ngayon?"

Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga nag-eexpect si Summer ng kahit anong regalo galing kay Clyde. Kasi naman kahit mayaman yan, madamot pa rin. Pero this time, hindi na nakatanggi si Summer dahil inabot na sa kanya kaagad ni Clyde ang regalo nito—na nasa isang paper bag. Na-curious naman kaagad si Summer sa kung anong laman nito.

Teka baka naman biglang may biglang bomba sa loob nito tapos biglang sasabog pagbukas ko? O kaya naman biglang may lalabas na clown? Mahirap na, alam niyo namang nakalanghap ng kung anong klaseng droga 'tong si Clyde. Pag-aalangan ni Summer sa isipan niya.

"Hindi ako mamatay pag binuksan ko 'to di'ba?" panigurado niya.

"OA mo naman! 'Bat naman kita papatayin?" Eh magpapakasal pa nga tayo, diba? Tuloy ni Clyde, pero sa isip niya nalang.

Walang ibang choice si Summer kundi ang buksan ang regalo sa kanya ni Clyde. Pero biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang laman nito. Grabe.

"Nagustuhan mo ba?" Pagpapa-cute na tanong ni Clyde.

Pwede niyo pong hulaan kung ano yung binigay sa kanya ni Clyde, encircle niyo nalang po yung answer niyo.

a.) iPhone 7

b.) MacBook

c.) House and Lot

d.) Si Justin Bieber

e.) all of the above

f.) none of the above

Oh ano? Anong letter ang pipiliin niyo? Sa tingin niyo anong sagot? Syempre yung letter F! Asa naman kayong bibigyan talaga siya ng kahit ano dyan ni Clyde.

Gusto niyo bang malaman kung ano yung niregalo sa kanya ni Clyde? Edi syempre, bra at panty, na color red! Mokong talaga 'yun.

"PINAGLOLOKO MO BA AKO CLYDE HA?!"

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? Alam mo bang nag-effort pa akong humanap ng design na babagay sayo? Tapos hirap na hirap pa akong alamin yang tungkol sa mga cup size na yan. Tapos papagalitan mo lang ako?"

Nako, kung hindi lang siya mahal ni Summer ay baka kanina pa siya na-baog! Pasalamat talaga siya, ha.

"EH SINO BANG HINDI MAGAGALIT KUNG IKAW BA NAMAN BILHAN NG COLOR RED NA BRA AT PANTY?! EH PINK KAYA YUNG GUSTO KONG COLOR!"

Oh, eh sorry naman! Ayaw lang talaga ni Summer ng red, feeling niya kasi mainit tignan, parang...matapang. Basta ganun yung feeling! Ayaw niya lang talaga nun, tapos ang usapan!

"Oo alam ko naman na pink yung gusto mong color eh. Kaso wala na daw silang stock!"

"Tss, sige na nga! Etong red nalang!"

"Pero...okay lang sayo na yan yung ni-regalo ko?" pahabol ni Clyde.

"Oo naman. Except lang yung color. Bakit?"

"Wala wala."

Totoo yun, hindi nagpapa-humble effect si Summer. Okay lang talaga sa kanya kahit ganun ang niregalo sa kanya ni Clyde. Okay lang nga rin kahit wala eh. Tsaka na-appreciate naman din niya yung effort ni Clyde eh. Aba minsan lang yung lalaking maging open-minded at pumunta sa bilihan ng mga pambabae para lang bilhan ka ng ganun!

Tumalikod na siya at maglalakad na sana paalis para ituloy ang pag-aayos ng gamit nang biglang nagsalita ulit si Clyde.

"Wait!" tumigil si Summer pero hindi niya nalingon si Clyde. "Wag kang gagalaw!"

Naramdaman niyang papalapit sakanya si Clyde. Hindi ko naman niya ito malingon kasi sabi niya, wag daw siyang gagalaw. Nagulat nalang siya bigla nung nilagay ni Clyde sa leeg niya ang isang kwintas. Napatingin tuloy siya bigla sa kanya.

"Ano to?"

"Kwintas malamang."

"Eh para saan to?"

"Nilalagay sa leeg, obvious ba?"

Grabe, Clyde. Sige lang, mamilosopo pa. "Eh bat mo ko binibigyan neto?"

"Ayaw mo?"

"Kasi naman eh!"

"Oo na oo na. Wala lang nga. Baka kung sakaling magbago yung isip mo at ayawan mo na yung niregalo ko sayo kanina, ayan, may extra ako. Ingatan mo yan ha? Happy Anniversary." Ngumiti si Clyde at nagpatuloy na sa pagliligpit ng gamit.

Tinignan niya yung design ng kwintas na binigay ni Clyde. Ang ganda, kakaiba at ang unique. Magkano kaya to? Mukhang mamahalin eh. Dapat talagang hindi niya wawalain 'to! Couple necklace siya. Circle yung pendant at sa loob ng circle na yun ay may heart. Yung heart yung nakay Summer tapos kay Clyde naman yung circle. Ang ganda promise!

Nung makauwi na sila, dumiretso muna sila sa bahay nila Clyde. Oo, eto lang yung madalas nailing tambayan. Kung hindi sa Condo ni Summer, sa bahay ni Clyde. Ayos diba?

Pero sinalubong sila kaagad ng maid nila dun nang makarating na sila.

"Ser, 'me bisita po kayo. Kanina niya pa kayo pighihintay."

"Oh? Edi dapat sinabi mong umalis muna ako para babalik nalang siya mamaya."

"Yon na nga Ser ang sinabi ko, kaso sabi naman niya, eh maghihintay nalang daw siya di-ne."

"Sino ba yun?"

Dumiretso si Clyde papunta sa loob para tignan kung sino yung bisitang yun.Sumunod naman sa kanya si Summer. Nakakahiya naman dun sa bisita, kanina pa yata naghihintay.

Nang makapasok na silang dalawa doon sa loob, napatigil sina Clyde at Summer nang makita nila kung sino ang bisita.

"Clyde! I've been waiting for you for four hours! Long time no see!" masaya niyang bati sa kasama kay Clyde.

"L-Lian..."


***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon