CHAPTER EIGHTEEN (Pt. 1)

68.3K 901 26
                                    

Y-yung first kiss ko...f-first....k-kiss....wala na. Waaaa! Di na ako virgin! Ang sarap ingudngod ng mukha ni Summer dahil sa sobrang ka-OA-an niya noh? Eh ano ngayon kung first kiss niya si Clyde? Kung ayaw niya sa kanya, akin ka nalang Clyde! Ano ba naman 'to.

"Clyde umayos ka nga—"

Muli, nanlaki nanaman ang mga mata ni Summer dahil sa mga nangyari. Paano ba naman eh, sinukahan siya ni Clyde, utang na loob! Sinukahan! Alam niyo ba kung gaano nakakadiri yun?! Hindi ko na alam kung anong klaseng mga salita o galaw ang pwede kong ipakita para malaman niyong lahat kung ano ang nararamdaman ni Summer ngayon.

Okay na sana kung yung kiss lang yung nangyari nun eh, kaso hindi! Nung moment na magkahiwalay na ang mga labi nila sa isa't-isa, tinignan siya sandali ni Clyde at doon na sumabog ang lahat.

Pagkatapos nun ay inuwi na ni Summer si Clyde sa kanila, oo. Na-keri niyang iuwi si Clyde kahit na puro suka at ang baho-baho nilang dalawa ngayon. Nag-taxi sila gamit ang pera ni Clyde na nakuha ni Summer sa bulsa ni Clyde kanina.

"Eto muna gamitin mo oh," inabot ng isa sa mga maid nila Clyde ang isang t-shirt na pwede munang gamitin ni Summer habang marumi pa ang damit niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-getover sa mga nangyari. First, yung kiss. Second, yung—ehem, pasintabi po sa mga kumakain—suka. Pero afterall, hindi pa rin magawang magalit ni Summer sa mga ginawa sa kanya ni Clyde. Bakit? Kasi, lasing ito, at hindi niya naman alam kung ano ang mga ginagawa niya dahil wala ito sa sarili. Pangalawa, malungkot si Clyde at namomroblema kaya siya nagpakalasing.

Naisipan ni Summer na gumawa ng something na pwedeng magpasaya sa mokong na yun kahit na nagiging impyerno ang araw niya kapag nagkakasama silang dalawa. At this time, pipilitin ni Summer na maging langit ang saya nilang dalawa dahil sa wakas ay naka-isip na rin siya ng idea na gagawin para kay Clyde.

Kinabukasan, bumalik ulit si Summer kanila Clyde. Medyo maaga na ngayon and, sinadya niya rin talagang mangulit kay Clyde ngayon kasi ngayong araw na rin ang alis ni Lian. Gusto niya sanang may kasama manlang si Clyde sa mga ganitong oras kasi kapag mag-isa lang siya, malamang malulungkot 'yun. Sino ba naman ang matutuwa kapag ang babaeng first love mo aalis na di'ba?

Nag-doorbell si Summer sa gate nila at pagkatapos ng ilang segundo ay bumukas na ito.

"Ikaw nanaman?" tanong ng isa nilang maid.

"'Bat ka nagrereklamo? Bahay mo 'to? Bahay mo 'to?" tanong ni Summer at dumiretso na sa loob. "Si Clyde? Gising na ba siya?"

"Hindi pa."

"Punta ako sa kwarto niya ha!"

Hindi niya na inantay kung anong isasagot ng maid basta agad-agaran siyang tumakbo sa hagdan na halos madapa na nga siya at dali-daling binuksan ang pinto sa kwarto ni Clyde.

Ang tahimik. Tulog pa nga ang mokong. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni Clyde para tignan ito. Ang bait naman pala matulog ne'to eh. Parang wala kang ginawang kasalanan sakanya kagabi.

Dahan-dahang lumapit sa tenga ni Clyde si Summer at sinabing, "GISING NAAAAAAAA!!!!!!"

"$#^&@$%^&^%$#@!" Biglang napabangon si Clyde ng sobrang natataranta at hindi alam ang gagawin. Syempre kung ikaw kaya sigawan sa tenga habang sobrang himbing ng tulog mo, hindi ka ba matataranta?

"Yun! Gising ka na rin! Akala ko kakailanganin pa kitang kaladkarin!"

"HOY TAG-ARAW! ALAM MO BA KUNG ANONG GINAGAWA MO?! AT BAKIT KA NANDITO?!" galit na sabi ni Clyde.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon