Final Chapter: The Girl Between Us (12/15/2015)

4.8K 122 43
                                    

Final Chapter
“ The  Girl Between Us”

“YOU HAVE TO TELL her the truth, Serenity. You have to be honest with her.” Iyon agad ang suggestion sa akin ni Harmony kinabukasan nang i-kwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari.
“No. You won’t tell her anything. It’s better If you just deactivate your facebook account para hindi ka niya makontak. At ‘yang sim card mo? Itapon mo na sa basurahan,” sabi naman ni Lyrica.
“What? Malaki na nga ang kasalanan ni Serenity sa kanya pagkatapos dadadagdagan pa niya? Kawawa naman iyong tao. Asang-asa na may nagmamahal sa kanyang lalaki! Ano na lang ang mararamdaman no’n kung malaman niya na babae pala talaga ang ka-chat niya sa internet at si Serenity pa!” sabi ni Harmony.
Napaisip ako sa sinabi ni Harmony. May punto siya. Baka magpakamatay pa si Trixie kapag nalaman niya ang totoo. Emotional pa naman ang babaeng iyon.
“Kaya nga wala nang dapat pang makaalam ng ginawa ni Serenity eh. Sila na ni Jeremy ulit. Nabawi niya na ang lalaking pinakamamahal niya. Wala nang dahilan para makipaglaro pa siya.”
“Pero paano namang makaka-move on iyong tao kung hindi niya malalaman ang totoo? Patuloy siyang aasa na totoo ang Kenjie na nakilala niya sa facebook. Serenity, makinig ka sa akin. Sabihin mo kay Trixie ang totoo. She deserves to know the truth. Kawawa naman siya!” pagkumbinsi ni Harmony sa akin.
Lumapit naman sa akin si Lyrica at hinawakan ako sa baba. “Listen to me, My Little Sister. Sa love, pa-minsan-minsan mayroon kang mga dapat na isakripisyo para makuha ang gusto mo. Masama nga siguro but it is damn worth it. At nagkataon na si Trixie ang dapat na maging sakripisyo mo. Imagine-in mo na lang kung ano ang gagawin sa ‘yo ng babaeng iyon kapag nalaman niya ang panlolokong ginawa mo. Na-in love siya sa isang hindi nag-e-exist na tao and you have to end it. But not officially, My Dear. Huwag mo na lang siyang pansinin. Putulin mo na ang communication mo with her without telling her anything. Magdahilan ka. Sabihin mo na mangingibang bansa ka o kaya naman nakahanap ka ng bagong girlfriend. Ikaw na ang bahala kung paano kang magpapalusot but don’t tell her anything. Tandaan mo na nasa’yo na si Jeremy ngayon. Maaaring mawala na naman siya sa ‘yo sa oras na malaman niya na pinagtangkaan mo na gaguhin silang dalawa ni Trixie. Pinaghirapan mong makuha ulit ang pag-ibig niya. Huwag mong sayangin. Magkakagulo lang lalo kapag sinabi mo pa kay Trixie ang totoo kaya sa akin ka makinig. Huwag mong sabihin ang ginawa mong kalokohan kung ayaw mong matapos ang maliligayang araw mo.”
Iyon ang payo ni Ate Lyrica na tumatak sa isip ko. May bahagi ng puso ko ang nagsasabi na mas tamang gawin ang sinabi ni Harmony pero nananaig ang takot sa puso ko. Alam ko na mas masasaktan si Trixie kapag nalaman niya ang totoo kaya ayaw kong mangyari iyon.
Kaya naman ginawa ko ang sinabi ni Ate Lyrica. Sinabi ko kay Trixie na kailangan kong umalis ng bansa at permanente na akong titira sa US. Ni hindi na ako nag-abalang mag-isip ng palusot sa kanya kung bakit. Hindi ko na rin siya ni-replayan no’ng nakiusap siya na kung maaari ay baka pwedeng magkita raw kami. Ginawa ko ang sinabi ni Ate Lyrica. Dine-activate ko ang facebook account na ginawa ko. Ang facebook account na nagsilbing susi para maging close kami ni Trixie. Itinapon ko rin ang sim card na naglalaman ng numerong ibinigay ko kay Trixie. Habang ginagawa ko ang lahat ng iyon ay umiiyak ako. Hindi lang dahil sa nakukunsensya ako sa ginawa ko kundi dahil alam kong mami-miss ko ang mga kwentuhan namin ni Trixie. Naging malapit na siya sa akin. Napapasaya niya ang mga araw ko noon. Saglit ko ngang nakalimutan si Jeremy nang dahil sa kanya e. Kahit ako ay nasasaktan na nasasaktan ko siya. Habang buhay na siguro akong kakainin ng kunsensya ko pero kailangan ko itong gawin. Kailangan ko nang kalimutan si Trixie…

= II =
Trixie’s POV…
Hindi ko maintindihan kung ano ang nagawa kong mali at bigla na lamang naglahong parang bula si Kenjie. Hindi na siya nagte-text at nagppm sa facebook. Tinangka kong tawagan ang cellphone niya pero out of coverage area na ang naririnig ko.
Binalikan ko ang mga conversation namin sa facebook. FACEBOOK USER na lang ang nakalagay doon.
Hinahanap ko ang account niya pero hindi ko na makita. User does not exist na ang lumalabas kapag sinusubukan kong i-click ang pangalan niya sa conversation namin.
Naka-block ba ako sa kanya?
Nasagot ang tanong kong iyon ng isa-isahin ko ang facebook friendlist ko. Naroon pa rin ang pangalan niya so it means hindi naman niya ako in-unfriend o binlock. Pero hindi na existing ang account niya that only means na nag-deactivate siya ng account.
Agad na tumulo ang luha sa mga mata ko. Ano ang nangyari at bigla na lang siyang nag-deactivate? Ang sinabi lang niya ay babalik na siya sa US at doon na maninirahan but he never tell me na iiwan din niya maging ang facebook account niya. Umaasa ako na kahit man lang sana long distance relationship ay may mamamagitan sa amin. Pero mukhang niloko lang niya ako at pinaasa na mahal niya rin ako. Sa isang iglap nawala na siya. Ni wala man lang akong magawa para kontakin siya dahil ni hindi ko naman alam ang background ng family niya. Ni hindi ko rin alam kung may common friends ba kami.
Bigla kong naisip si Serenity. Pinsan nga pala niya si Kenjie! Kaya naman naisip ko na kausapin siya after class.
“I just want to talk with Kenjie. Baka naman pwede mong ibigay ang other contact number niya?” Halos magmakaawa na ako sa harapan ni Serenity. I’m desperate na makausap pa ulit si Kenjie. He may have his reason kung bakit bigla na lang siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Katulad ni Jeremy noon kay Serenity. Kahit na pinalabas ng lalaki na niloko nito si Serenity, deep inside ay may mas malalim na rason talaga. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng utak ko na manloloko si Kenjie. He’s a good person and he changed me to be a better person.
“I think it’s better if you could just forget about him. He’s staying there for good. Hindi mo na siya makikita ulit.” Hindi iyon ang inaasahan kong sagot mula kay Serenity. Ine-expect ko na tutulungan niya ako.
“Forget about him? Just like that? You’re the one who told me that he loves me for pete’s sake! Naging madali ba para sa ‘yo na kalimutan si Jeremy? Paano mo nasasabi na gano’n ko na lang kadaling makakalimutan si Kenjie?!” umiiyak nang sabi ko.
Halatang nagulat si Serenity when she saw my tears pero hindi ko na kasi mapigilan. Napuno na ako nang dahil pakiramdam ko— sa pagkawala ni Kenjie ay may isang bahagi rin ng pagkatao ko ang nawala.
“I’m sorry, Trixie,” umiiyak na ring sabi ni Serenity.
“For what? Hindi naman ikaw ang gumawa ng kasalanan sa akin e. Ang pinsan mo. You don’t have to say sorry, Serenity. I’m the one who should dahil nasigawan kita.” Bigla rin akong nakaramdam na kahihiyan dahil sa inasal ko. Maybe, Serenity is just concern about me kaya niya sinasabi na kalimutan ko na lang ang pinsan niya.
“I’m sorry that I can’t do anything about it… Kung alam mo lang kung gaano kitang gustong makita na maging masaya,” makahulugan na sabi nito.
Napakunot ang noo ko. Ano bang pinagsasasabi nito ni Serenity? Kung magsalita siya para bang malapit na malapit kami sa isa’t-isa. Oo nga at binalik ko na sa kanya si Jeremy but it doesn’t change the fact na naging ex ko ang boyfriend niya ngayon. Hindi pa rin naman kami gano’n ka-close ngayon.
“It’s okay, Serenity. I’m alright. I’ll get over him. Pero hindi siguro magiging gano’n kadali na lang iyon. Sige, I have to go.” Iyon lang at nagpaalam na ako sa kanya at tuluyang umalis sa harapan niya.
Yes. I said that I’ll be alright. Pero kung kailan man darating ang panahon na magiging okey din ako ay hindi ko alam. Basta ngayon ang alam ko lang ay parang dinudurog ang puso ko. Masakit para sa akin ang nangyayari ngayon.
Bakit ba ganoon ang mga lalaki? Papaibigin ka nila pagkatapos kapag na-fall ka na ay bigla ka na lamang iiwan na parang bula. Gusto kong sumbatan si Kenjie kung bakit niya ako hinahayaan na masaktan ng ganito. Pero alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi ko na siya makakausap ulit. Fuck. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Ang sakit-sakit…

The Girl Between Us (PUBLISHED BY LIFEBOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon